Ikwento mo sa Steemit | Pangarap kong Magkaroon ng Sariling Lupa, Bahay, Negosyo, Sasakyan, at Masayang Pamilya
Kumusta kayo mga kakabayan, narito ako para ibahagi sa inyo ang aking mga pangarap at minimithi sa buhay.
Alam ko na lahat tayo ay pangarap din ang mga nabanggit ko sa titulo ng artikulong ito. Sino ba naman ang ayaw magkaroon ng sariling lupa, bahay, negosyo, at sasakyan.
Uumpisahan ko ang aking kuwento kung saan ako nanggaling at tatapusin ko kung ano na ang estado ng aking buhay sa kasalukuyan.
Sana maging inspirasyon ang kuwento kong ito sa mga nakakaranas ng kahirapan.
Kahirapan at Pamilya Bilang aking Inspirasyon
Ako ay ipinanganak at lumaki sa Nueva Ecija, ang tatay ko ay isang payak na magsasaka, panglima ako sa mga magkakapatid.
Pagsasaka lang ang ikinabubuhay namin noon, mahirap ang buhay magsasaka dahil sa dalawang beses lang sa isang taon ang pag-aani.
Naranasan ko ang hirap na madalas binabanggit ng marami nating kababayan na hanggang ngayon ay bukambibig pa din ng madami.
Naranasan kong kumain ng walang ulam sa hapag kain kundi bagoong lang at mainit na kanin. Naranasan kong mag-ulam ng asin, kape, at asukal.
Edukasyon Laban sa Kahirapan
Ako ay nag-aral na hindi gumawa ng anumang kalokohan. Nagpapasalamat ako sa Panginoon at ginantihan nya ang aking sakripisyo at nakatapos ako ng pag-aaral bilang isang “inhinyero”.
Ngunit ang makatapos ng pag-aaral ay umpisa lang ng tunay na laban, kailangan mo pa din magamit ang iyong pinag-aralan para ikaw ay maging matagumpay.
Ako ay Nangarap
Sa totoo lang noong ako ay nag-aaral pa lang ang pangarap ko lang ay makatapos ng pag-aaral. Ngunit ngayon ay nadagdagan na ang pangarap na yun.
Nangarap ako na magkaroon ng magandang trabaho at mataas na sweldo at yun ay natupad at nagpapasalamat ako sa Panginoon.
Nangarap ako na makabili ng magagandang damit, sapatos, relo, cellphone, at makakain sa mga pamosong kainan. Lahat yun ay natupad sa tulong ng ating Panginoon.
Ngayon ang aking pangarap ay magkaroon ng sarili kong lupa, bahay, negosyo, at sasakyan. Alam ko na matutupad ko ang mga yun sa tulong ng ating Panginoon.
Nasaan na Ako Ngayon
Ako ay pamilyadong tao na. Masaya ako na meron akong maybahay na mabait at masipag. May dalawa akong anak na lalake.
Sa ngayon ay nabibili ko naman kahit papaano ang aking mga gusto maliban na lang sa aking mga pinapangarap na makamit sa buhay gaya ng bahay, lupa, negosyo, at sasakyan.
Hindi masamang mangarap, sabi nga nila habang may buhay may pag-asa.
Alam ko na makakamit ko ang aking minimithi sa pagpupursige at sa tulong na din ng ating Panginoon.
Ang mga pangarap na yun ang.....hahaha pasensya ka na kahirap pala mag isip at magsulat sa tagalog...
What I was trying to say is that those dreams and goals in our lives are the ones that drives us, that motivates us to do better, to go farther and to strive . ... para makamit natin ang ating mga pangarap
I am very proud of you, on your achievements and on your success. I hope and pray that you will achieve more of your dreams in the near future.
Oo sir minsan mas madali pa isipin ang mga term sa english kesa tagalog.
Tama ka sir yung mga pangarap natin ang nagiging motivation natin para maging matagumpay.
Maraming salamat sir @webcoop sana nga matupad ko lahat.
Napaka inspiring nito @afterglow. Salamat sa pagbabahagi. 🏠🚘
Maraming salamat @romeskie
Hi afterglow nice post
Thanks.
tunay ngang ang pangarap ay nakadepende sa anumang kalagayaan natin sa kasalukuyan, sanay matupad mo ang yong minimithi..
Sana nga kabayan.
Congratulations @afterglow! You have completed the following achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the number of comments
Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Do not miss the last post from @steemitboard:
SteemitBoard and the Veterans on Steemit - The First Community Badge.
Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by webcoop from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.
If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.