Dear @shirleynpenalosa: Katapusan na ng Bromance, Simula ng Bagong Pag-ibig :-)❤️ (Steemitserye 2nd Edition-Part 5, with a twisted twist)

in #steemitserye6 years ago (edited)

Magandang araw po sa inyong lahat, maliban sa iyo @fherdz dahil dinamay mo ako bwhahahahaha! (joke lang, mr. president) Malugod ko pong tinatanggap ang pandadamay sa akin sa trending at viral na sinusubaybayang steemitserye na sinimulan ng nag-iisang master mind, @sunnylife, at sa mga nadamay (at least hindi kayo kawawa hehehe) sina @jennybeans, @akoaypilipina, @shikika ,@lunamystica, @jemzem, @mallowfitt, @iamdeth. Hindi ako love guru or eksperto sa pag-ibig ngunit gagawin ko po ang lahat para mabigyan ng payo ang ating pangunahing tauhan o bida sa kwento ng buhay ni Sarah...oo ikaw yon Sarah papayuhan kita at dudugtungan ko ng mas masalimuot na karugtong ang kwento mo bwhahahahaha!!!again, joke lang din po yon hehehe...eto na po simulan na po natin ang karugtong ng kwentong pag-ibig ni Sarah.

Dear @shirleynpenalosa (@sashley, for brevity bwahahaha),

Pasensya ka na kung naabala ko ang pag-iimpake mo pero alam kong mabibigyan mo ako ng payo na makakatulong sa akin lalo na ngayon, @sashley, meron na naman bagong lalake na umi eksena. Alam kong nabasa mo na kwento ko kina @jemzem, @mallowfitt, @iamdeth, @fherdz. At batid kong nakita mo kung gaano na kasalimuot ang aking buhay pag-ibig. Umaasa akong magkakaroon ng kaayusan sa pamamagitan ng iyong payo.

Ang nakaraan (bow):-D

Nakita natin na nagkaroon ng matinding gitgitan sa pagitan nila Sarah at Ronnie sa I labuyo Restaurant. Dito muli na namang umiyak ang ating bida. Masyado na siyang kinakawawa ng malditang bruha na Ronnie na yan a! Panahon na para makaganti at bumangon muli ang ating bidang si Sarah! Makibaka wag mashokot! Makiwarla! lang ang peg.
Gorabels!

BlogPostImage
Image Source(direct link to img)

Ang unang pagkikita namin ni Brad Fitt ay masasabi kong unusual at out-of-this-world. Pano ba naman kasi napaka one-sided, remember siya lang nakakita sa akin, nakakilala nong hinahabol ako para ibigay ang aking red shoes (yes, remember, malamentos commercial lang ang peg huh!) At nasundan pa ito ng pangalawang pagkakataon sa resto kung saan halos sumabog na ang dibdib ko sa kakaiyak dahil sa paghaharap namin ng malditang bruha na yon! Hmmm....coincidence nga lang ba yon? Imagine si Brad Fitt (na pinsan ni @mallowfitt) ang may ari ng restoran na yon! Wow ha! yayamanin hehehe :-D At for the 3rd time (wish ko masundan pa ng maraming pagkikita, ang gwapo mo at ang yaman mo, Brad Fitt!!!) eto sa lounge ng condo ng Gerald na yon at nakuuuuu magkasama pa sila ng mortal enemy ko huhuhu.

"And you are?"..."Ha?"...O my gulay!!!ang gwapo talaga sa malapitan!
"Ha? as in short for Hannah, or Havannah?"
"I mean, yes...I am Ha?..." ano ba yan ang gwapo mo kasi bakit ba pati pangalan ko hindi masabi ng maayos?
"Ok ka lang ba Miss?"...
"Oo...ok lang ako salamat...Ako nga pala si Sarah"

At last formally, nagkakilala na rin kami ng maayos. Niyaya niya ako mag coffee sa restoran niya. Hindi na ako nagpakipot pa, kasi naman wala na akong time sa ganyang mga bagay, besides, kanina pa kumakalam ang sikmura ko sa gutom.

BlogPostImage
Image Source(direct link to img)

Salamat sa Diyos dahil natupad ang kahilingan ko. Alam mo, @sashley, nasundan nga ng maraming beses pa ang aming pagkikita. At sa dalas naming magkasama, gumaan ang aking daladala sa aking puso.

"May lakad ka ba bukas?"...tanong nya sa akin minsan nong sakay na kami sa car niya (hindi ko na babanggitin ang brand kc nga humble si Brad Fitt). MWF niya akong sinusundo sa office at every TTH ay sinusupervise niya ang ibang branches ng I Labuyo Restaurant. O my mayaman talaga siya! Great catch itey, pero hindi siya isda, isa siyang tunay na lalaking maginoo at hindi bastos. "Yayayain sana kitang maglaro ng tennis....Favorite sport ko siya aside from basketball."....sabay tingin sa akin, ang gandang pagmasdan mga mata nya..."Wala naman. Sige, pero hindi ako marunong."...Pero sa totoo lang gustung gusto ko siyang makasama. Mas masaya siyang kasama keysa kay Gerald. Napag-alaman kong nag out-of-town pala ang dalawa. Fine, enjoy your bromance, team Gernie (Gerald & Ronnie) tatapusin na ni @sashley mga karakter nyo sa seryeng ito huh!

"No problem, tuturuan kita. Madali lang naman....So I'll pick you up at 8am?"
"Ok, 8am bukas." Naku date date date! Ang saya naman at nakakakilig naku sana parehas kami ng kulay ng maisusuot bukas. Sign na yon na siya na nga ang "the one" for me :-) Humingi kasi ako ng sign, @sashley, pagod na ang puso kong pagal sa mga pananakit ng lalaking minahal ko.

BlogPostImage
Image Source(direct link to img)

On the dot si Brad sa pagsundo sa akin. Yan ang isa pang nagustuhan ko sa kanya, never akong naghintay. At, o my!!! He's wearing white!!! Nakuuuuu, thank You Lord! Siya na nga, ang aking the one. Para akong nasa cloud 10, oo cloud 10 talaga mas mataas pa sa cloud 9, ang feeling ko dahil sobrang saya ko, @sashley.

"You look great!"...sambit niya, na mistulang anghel sa aking paningin. Mas lalo siyang gwapo sa suot niya. Hindi ko namalayan, halos mag 6 na buwan na pala kaming "exclusively dating" since our 3rd meeting. Hmmmmn, in fairness bagay sa kanya un mejo may balbasin at bigote. Very manly ang dating at susme ang bango niya talaga hayyyy. Inlababo na ako, @sashley, confirmed na. "Ikaw din, bagay pala sayo ang puti."...sambit ko na halos pabulong na kasi nanlalambot ang mga tuhod ko. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nabalitaan ko na nagkakalabuan na daw ang team Gernie. Gusto kong maging masaya dahil sa wakas nakakarma na ang dalawa ngunit iba ang dikta ng aking puso. Nalulungkot ako para sa kanilang dalawa. Litung-lito ang isip ko ngayon, sa totoo lang. Hindi ko na halos namalayan na nakarating na kami sa isang napakagandang palaruan at napaka aliwalas ng buong paligid. Nagmistulang langit at napaka pribado dahil kami lang dalawa ni Brad ang nandoon! Ang bongga naman binili na yata nya itong lugar para lang maturuan akong mag tennis.

"Ang bilis mong matuto, ang galing mo na a!"....naku naman kahit pawis na ang gwapo pa ring tignan at ang bango pa rin niya...."Hindi naman...Magaling ka lang talaga magturo."...Nang magsimula ng lumabas ang haring araw, (oo nalate sa pag rise si sun, nakisama siya kasi ayokong mainitan e at ubos ng sunblock ko!) nagyaya na siyang magbihis na kami para makakain na ng lunch. Ang saya naman ng ganito ano! pa tennis tennis lang then pakain kain after. Hayahay ang buhay! hehehe....Pero teka lang...At bakit ba parang napakabilis naman yata ng pangyayari? Mukhang nagmamadali ka ba talagang tapusin itong serye, @sashley? Kasi ang bilis ng pintig ng puso ko, hindi ko mawari parang wala na akong boses kasi naman itong si Brad Fitt ang lupit ng banat. Bakit siya, nakaluhod ngayon sa harap ko na para bang inaalayan ako ng tunay na pag-ibig niya? Bakit may naririnig akong nakaparomantikong tugtog? Bakit ako may nabasa sa kanyang likuran na nakasulat "WILL YOU MARRY ME?"

BlogPostImage
Image Source(direct link to img)

YAYYYYYY!!!!nag popropose na siya? Huwaaat!!!! gusto kong tumili sa kilig at sumigaw!!! Naninikip ang dibdib ko, @sashley, hindi ako makahinga. Inipon ko lahat ng natitirang lakas ko para sagutin siya ng matamis at malagkit kong "oo"....ng biglang may naramdaman akong tumatapik sa balikat ko. Tinatawag ang pangalan ko, "Sarah...Sarah...gising na!"..."Andito na tayo."...Ramdam ko pa naman mejo naka nganga pa yata akong nakatulog huh! Buti na lang hindi ako naglaway. Ganito kasi ako pag napagod ng todo at nakatulog. Nakakapagod kayang mag tennis huh! Kayo try nyo! Tapos ang layo pala ng binyahe namin, @sashley. Sa sobrang layo nakatulog ako at ayun napanaginipan ko tuloy si Brad nagpopropose sa akin hwaaaaaah! Akala ko true na siya kanina. Panaginip lang pala. Dali-dali akong nag-ayos kasi nga talagang feeling ko extension na ng kama ko ang passenger's seat ng modernong car ni Brad huhuhu kakahiya talaga sabay sambit, "Naku, pasensya ka na, nakatulog ako, Brad! Nakakahiya talaga sa iyo."...Nginitian lang niya ako ng sobrang tamis, nakow, melt na melt na naman ang puso ko nito, hay Brad Fitt kelan mo ba ako tatantanan sa kangingiti mo? I Love You na oo na I will marry you na!..."Hwag ka ng mahiya. Wala yon sa akin, besides, ang ganda mo palang tignan pag nakatulog."...Sabi niya...Bigla akong lumiko pabalik sa kotse...Hinabol niya ako at hinawakan ang braso ko, sabay tanong "Sarah, saan ka naman pupunta?"...Tumitig ako sa mga mata niyang nagtatanong sa tinuran kong yon..."Babalik na lang ako sa kotse mo, para matulog ulit."...."Ha?...pero bakit naman?"..."Gusto ko kasing manatiling maganda sa paningin mo, Brad."....O ha akala mo ha? hehehe may pamatay pick-up lines din ako, tamang tama weakness niya mga ganern na pasabog. Nakita ko natuwa siya at mas lalong naging excited ang reaction niya sa sinabi ko. "Ikaw talaga huling huli mo ang puso ko, Sarah. Halika na punta na tayo doon. Nagugutom na ako. Hwag kang mag-alala maganda ka sa akin kahit ano pang itsura mo, suot mo o ano pang position mo ke nakatulog ka man or whatever, kahit nakanganga ka pa...ang ganda mo lang talaga, Sarah."....hahahhaha nakanganga talaga!!!!

Hindi ko tuloy napansin ang pagka elegante ng restaurant na aming kakainan. Buti na lang akma naman yon aking dress sa place yey! So ayon hawak hawak niya ang aking braso pumasok kami sa restaurant. Pero bakit kami lang ang tao doon.

(Eto na naman hayyy, napapaisip tuloy ako grrrrr, sinampal ko sarili ko ayoko ng panaginip, gusto ko totoo na hayst!).

BlogPostImage
Image Source(direct link to img)

"Bakit mo naman sinampal sarili mo?"....Mejo nalito siya sa ginawa ko kasi kunot-noo na siya nong tinanong ako. "Ha? hindi a! Parang may lamok kasi akong naramdaman."...palusot ko na lang. Inalalayan niya ako sa pag-upo. Prinsesang prinsesa ang dating ko namannnn, ang gwapo ng prinsipe ko hehehe :-D

BlogPostImage
Image Source(direct link to img)

"Brad...ano ito?...Please naman sabihin mo ang totoo."....Kasi yong music, it sounds so familiar e. San ko nga ba yon narinig? Ay oo sa panaginip ko kanina! O my! Nananaginip na ulit ako? Ano ito part two? steemit serye lang ang peg, pati panaginip ko? O no!...When you say nothing at all....super love ko yong music....Hinawakan ni Brad ang aking kamay at nagtanong? "Will you be my wife?"......ano???? nagulat ako as in..."Saglit lang ha, may follow up question pa ako....Will you marry me?"....Ha? wala namang pagkakaiba e parehas na tanong at iisa lang ang kasagutan ko sa mga tanong na yan....Alam mo, @sashley maluha-luha ako nong sinabi kong "Yes, Brad, I will be your wife....I will marry you."....Ayyyyyy ang saya naman ng story ko, @sashley....Happy lang kasi hindi mag e end dito alam ko dahil wagas ang pagmamahalan namin ni Brad Fitt. ❤️❤️❤️

Nagmamahal,

Sarah ❤️❤️❤️❤️❤️

❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

Dear Sarah,

By the power vested upon me and alam mo na sa bisa ng kautusan ng kataas-taasang hukom, si Mastermind @sunnylife, tinatapos ko na ang masalimuot mong kwentong pag-ibig. Napakasaya ko at nahanap mo na ang iyong the one. At dahil muli kang nagmahal sa kabila ng mga masasakit na naranasan mo sa iyong nakaraan (dulot ng makamandag na bromance ng team Gernie) nagawa mong buksan ang iyong pagal na puso. Kita mo naman ang pumalit kay Gerald e betterer (mas better pa sa better) pa malayong mas deserving sa wagas mong pagmamahal. Tama lang ang naging desisyon mong tanggapin si Brad Fitt. Masaya ako para sa inyong dalawa.

Para naman po sa lahat ng mga tagasubaybay ng seryeng ito, narito po ang buod ng final edition ng serye:

Matapos ang nakakalulang proposal ni Brad kay Sarah, nagkasundo ang dalawang partido na magpakasal. Isang napaka simple ngunit intimate na kasalan ang naganap sa tabing dagat.

BlogPostImage
Image Source(direct link to img)

Ang ganda ng ating bride at lalong gumwapo ang groom sa araw na ito and would you believe na invited din sina team Gernie? (Gerald at Ronnie) bwahahahahaha. Well, keep reading po. :-)

BlogPostImage
Image Source(direct link to img)

Hindi naman po ako papayag na wala ang team Gernie. Ang larawang ito ay nagpapatunay na sa kabila ng mga masalimuot na pinagdaanan ng bawat karakter sa ating serye:

Sarah L. Penn - naging Mrs. Brad Z. Fitt
Gerald P. Bouye - naging Pari, siya ang officiating official sa kasal nila Sarah & Brad
Ronnie M. Landy - napakabilis mag move on dahil isa ng successful fashion designer sa Europe at Maid of Honor sa kasal nila Sarah at Brad
Brad Z. Fitt - nasa kanya na ang lahat e itsura, yaman at isang babaeng tapat magmahal

ay nagawa nilang lahat na tanggapin ang mga naging consequences ng kanilang mga actions. All characters of the story were matured enough to be responsible to their actions. Lahat pare-parehas na nakapagmove on, humingi ng kapatawaran at higit sa lahat nagpatawad.

Dito makikita natin na kahit masyadong nabugbog ang puso ni Sarah, nagawa niyang patawarin ang team Gernie. At dahil napatawad niya sila, parehas na nabiyayaan ang dalawa, bagamat hindi sila nagkatuluyan sa huli, makikita natin dito ang bisa ng wagas na pagibig ay kaakibat nito ang taos pusong pagpapatawad din. Isa pa pong trivia, si Ronnie ang nagdesign sa napakagandang gown ni Sarah :-) Masaya ang kasalang Fitt-Penn dahil kasama ng bagong Mr. & Mrs. ang lahat ng mga malalapit nilang kamag-anak at trusted friends. Syempre habang binabasa nyo po ito, just imagine na nanonood kayo ng pelikulang patapos na at nag piplay sa tv nyo ang mga cast of characters:

Credits:
Producer: Mastermind @sunnylife
Directors/Writers: @jennybeans
@akoaypilipina
@shikika
@lunamystica
@jemzem
@mallowfitt
@iamdeth
@fherdz
all regular commenters in each and every serye :-)

Sa inyong lahat maraming salamat sa mga makukulay, makukulit at malilikot na idea nyo na napanatiling buhay ang kwento ng ating bidang si Sarah L. Penn. Sa mga regular commenters natin hahaha meron bang commenters na word, bahala na kasi hilo na din po ako. Itutuloy ko na po ang pag iimpake.

Narito po ang mga unang bahagi ng serye na ito kung nais niyo pong balikan, sundan lamang ang mga links sa baba:

https://steemit.com/steemitserye/@jemzem/dear-jemzem-ipaglalaban-ko-pa-ba-steemitserye-2nd-edition-part-1

https://steemit.com/steemitserye/@mallowfitt/dear-mallowfitt-bromance-diko-ko-kayang-tanggapin-steemitserye-2nd-edition-part-2

https://steemit.com/steemitserye/@iamdeth/dear-iamdeth-bromance-puso-o-isip-steemitserye-2nd-edition-part-3

https://steemit.com/steemitserye/@fherdz/dear-fherdz-bromance-mapaglarong-tadhana-steemitserye-2nd-edition-part-4

Lubos na gumagalang,
@shirleynpenalosa, a.k.a. @sashley

Salamat, unang una kay God dahil sa pinagkaloob Niyang mga idea sa akin upang matapos ko ito on the dot. Kasi nga kailangan ko ng ipagpatuloy ang aking pag-iimpake. :-) Salamat ng marami sa inyo Ma'am, @sunnylife, ang mastermind ng steemit serye na ito hehehehe :-D @jennybeans, @akoaypilipina, @shikika, @lunamystica, @jemzem, @mallowfitt, @iamdeth at siyempre alangan naman hindi kita pasasalamatan ng lubus lubos, mr. president, @fherdz, ang taong nandamay at nambulabog sa tahimik kong mundo. bwhahahahaha maraming salamat sa iyo huli na ito sir ha (nagbabantang panganib! lols!)

At ngayon naman ay ipapaubaya ko ang bagong edition ng steemit serye sa aking mga butihing kaibigan. Lahat po ng mga lalahok sa comment section ng akdang ito malaya po kayong gumawa ng bagong kwento. Sis @sunnylife salamat sa pahintulot na tapusin na ang bromance ng team Gernie at makapagsimula ng bagong serye. Ikaw ang aming nag-iisang mastermind ng steemit serye hehehe. Bumilis pintig ng puso ko dito sa edisyon na ito hehehe. :-D

BlogPostImage
Image Source(direct link to img)

Have a blessed Summer month of April 2018 everyone :-)❤️

I am forever grateful to God every day of my life for giving me everything that I need and praise Him all the more for not giving me everything I want. To God be all the honor, praise and glory ❤️ :-)

@surpassinggoogle is such a generous person and has a very big heart for all of us here. Please support him as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.


(Photo credits: from sir @surpassinggoogle's post footer)

If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

@paradise-found is a wonderful person, a very humble and generous encourager, let us also support him by voting and typing in "gratefulvibes" at the search box


(Photo credits: mam @sunnylife)

Other good witnesses to recommend:

@yabapmatt
@teamsteem
@jerrybanfield
@hr1
@acidyo
@blocktrades
@curie
@beanz
@rcarter.witness
@reggaemuffin
@arcange

They need our support

Follow us on #gratefulvibes discord channel (positive and uplifting attitude)
https://discord.gg/7bvvJG


(logo created by @bloghound)

I am a proud member of Steemit North Luzon

(credits to @jhunbaniqued)

Sort:  

😍😍😍
Salamat naman @shirleynpenalosa at binigyan mo ng napakagandang ending ang ating munting prinsesa. At saka tinupad mo ang aking hiling na kay Brad Fitt na lang siya mapunta. Yeheey! Isa na namang steemitserye ang nagtapos at nabigyan ng happy ending. Ako'y lubos na umaasa na may ikatlong edisyon pa ang steemit serye. 😊
Maraming salamat sa lahat ng manunulat ng steemitserye sa napakagandang experience na makasali sa kaguluhang ito lalo na sa lider naming si @sunnylife. Mabuhay ang lahat! 🎉

thank you @jemzem :-) God bless :-)

mabuhay tayong lahat nahawa na kayo sa kajolongans ko haha
salamat sis

Makibasaak lang man. Mayat sis :D

ahahahaha thank you sis :-)

Yun oh mam. happy na tayo hahahaha. kala ko papatayin na. hehehe petmalu si brad fitt.

wala bawal pumatay sir bwhahaahah :-D

Ang ganda naman ng ending sis @shirleypenalosa lahat happy! buti nalang talaga hindi si Gerald ang nakatuluyan ni Sarah hehehe! May edad na pala si Gerald at nawala na yong kamachohan nya kaya siguro nagkalabuan cla ni Ronnie wahahaha!

thank you sis :-)

Hahahah napakaganda ..sa inyo ako.natututo ng ganitong mga storya grabe. Sa kwentuhan sobrang malulupit hahaah !! Talo pa mga scriptwriter sa movie !!! Tuloy tuloy natin yan 😊

haha salamat sis sali ka sa susunod

Wow hugot much..saya at kilig nmn hahahaha..😀😀👍good job..👍sa wakas sa ending masaya na si sarah..hahhahha

gravee nahilo ako sis, nde ko alam kung san mo nahugot lahat yan haha
pak na pak! ganda ng ending tas yong message sa huli.
natawa ako tlga sa simula hanggang sa huli.
wala na sabunutan hahaha maya balikan ko sis.
gorabels! nag enjoy ako ng sobra!!
Mabuhay ang bagong kasal! nyahahaha

hahahahah maraming salamat sa yo, Mastermind sis @sunnylife :-) <3

Sobrang galing @sashley. Nakakakilig. Ang saya ng ending. Petmalu @sashley! 😀😀💖💖

ay alla hahaha maraming salamat po :-)

Well, I guess you need your lovely wife @bloghound to translate this for you, @vegasgambler ahahaha

Lol! Awan makunak :D

hahahah sir sakit bangz ko dita hahahaha :-D

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 66167.71
ETH 3014.78
USDT 1.00
SBD 3.73