Dear @iamdeth: Bromance- Puso o isip? ( Steemitserye 2nd Edition-Part 3 )

in #steemitserye6 years ago

Una sa lahat , nais ko pasalamatan ang mga kaibigan ko na hindi nagdalawang isip na ipagkatiwala saken ang kanilang sinimulan , sina @sunnylife, @jennybeans, @akoaypilipina, @shikika, @lunamystica , @jemzem at @mallowfitt. Salamat sa inyong suporta, halos mabaliw ako kakaisip at kakabasa kung keri na ba ang kwento.. haahhaha, sana po suportahan at magustuhan niyo ang ginawa kong pagpapatuloy ng steemitserye.

Dear @iamdeth,

Ngayon ako po ay sumasangguni sayo sa kadahilanan na hindi ko na alam pano pa magpapatuloy sa aming pagsasama ng nobyo kong si Gerald. Alam ko po na naikwento na sainyo nila @jemzem at @mallowfitt ang simula pero hayaan nio po na ituloy ko ang mga susunod na nangyari.

Alam ko na nakabitin pa din ang tanong na binitawan ni Gerald sa aming huling pagkikita. Sa isang banda hindi ko pa rin lubos matanggap na ang lalaking nagpapatibok sa aking puso ay minsan ding umibig sa kapwa niya lalaki. Napakadaming bumabagabag sa aking isipan at ang mga tanong na akala ko ay kailanman hindi kakailanganing harapin , ngayon ay paulit ulit na gumagambala sa kapayapaan ng aking puso at pag-iisip.
Sa bawat minuto na lumilipas, nararamdaman ko ang sakit, sakit na hindi maipaliwanag saan nagmumula pero may kirot, at yun ang paulit ulit na nagpapaalala na ang minsan naming masaya at mapayapang relasyon ni Gerald ay tila gumuguho na.

502719610.jpg
Image Source

Habang ako ay nakatingin sa kawalan at nilalasap ang sariwang hangin sa balkonahe ng aking silid, hindi ko namalayan na unti unting pumapatak ang luha sa aking mata at ito ay naging palaisipan sa kaibigan kong si Shary.

“ Sarah, teh anong nangyayari sayo? “ nag-aalalang tanong ng kaibigan. _“Kanina pa kita hinahanap andito ka lang pala , magpapasama - - - _“ hindi ko na hinayaan na matapos ang sasabihin ng kaibigan at bigla na lang akong napayakap at humagulgol ng napakalas, .

“ Shary…. hindi ko na alam ang gagawin! gulong gulo na yung isip ko, mahal ko si Gerald , mahal na mahal pero. At tuluyan ng ipinaliwanag ni Sarah ang sitwasyon nila ng karelasyong si Gerald.

Sa pakikipagusap sa kaibigan, nakaramdam ng kaunting ginhawa ang tila sasabog ng dibdib ni Sarah. Sa unang pagkakataon nailabas niya ang tunay na sitwasyon ng kanyang relasyon na wala ang pangambang baka siya ay kutsyain o husgahan.

“Bhe, isa lang tanong ko sayo, kaya mo bang mawala sayo si Ge? “ ang tanong ni Shary habang pinipilit ubusin ang bibig na puno ng pagkain.

Napaisip at tila nabanlawan ng malamig na tubig ang ulirat ni Sarah. Biglaan nitong kinuha ang kanyang telepono at pinadalhan ng mensahe si Gerald .

“ Magkita tayo, kailangan naten mag-usap. I am in so much pain right now but there is no way I could run away from everything, I need to face it. I’ll see you there”.

Nauna dumating si Gerald sa paborito naming restaurant na " I labuyo you" (sorry wala na ako maisip eh haha) . Dito kami madalas nagde-date dahil na din sa hilig namin pareho sa maaanghang na pagkain. Kilala kami ng halos lahat na empleyado doon kasi nga kami ay regular customers .

"Sir, anajn na pala si ma'am" aniya ng waiter habang inaayos ang lamesa.
Nangibabaw ang katahimilkan sa pagitan naming dalawa sa umpisa at sabay naming sinambit ang pangalan ng isa't isa .

" No, listen to me first " may paninindigan na sagot ni Sarah.
" This is a lot for me to take in, and you know that right?" " I feel like I've been fooled and played around with. pero and masakit hindi kita kayang mawala." maluha luha ako habang binibitawan ang mga salitang ito.

" I'll only say this once, so you better listen. Kahit masakit, susubukan ko at bibigyan ko ng pagkakataon tong narramdamn naten. Hindi ko alam kung saan papunta to...pero isa lang ang alam ko, na pagsisisihan ko habang buhay kapag pinakawalan kita ng walang ginagawa." at tuluyan ng umagos ang luha sa aking mga mata.

depositphotos_183927032-stock-video-beautiful-couple-restaurant-romantic-couple.jpg
Image Source

Hindi na napigilan ni Gerald and tuwa sa naging desisyon ng nobya. Dali dali niya itong nilapitan at niyakap ng mahigpit sabay sabing:

" Salamat Sarah. hindi mo alam kung gano ako kasaya na pinili mo pa din tayo." " I'll do everything to win your heart and trust back".

Hindi nakuntento ang binata, inayos ang upo ng dalaga upang maging magkaharap sila, tinignan ang mga mata nito habang sinasabing:

" I want to show you that I am worthy of your love, ayokong sirain tong huling pagkakataon na binigay mo. This time i'll do it right"

Natapos ang gabi at inihatid na ako ni Gerald sa bahay. Masaya kaming nagpaalam sa isa't isa ngunit sa kabila ng kasiyahan na ito, alam ko na may dapat pa akong gawin upang tuluyan na kaming makapagsimula.

Dali daling kinuha ang kaniyang cellphone at tinawagan si Ronnie ( Mga beshies , wag n akayo magtaka pano nakuha ni Sarah ang number, alam mo naman ang mga babae, magagaling na imbestigador, dinaig si Mike Enriquez)

maxresdefault.jpg
Image Source

"Riiiiiingggggg......"
" Hi ! this is Ronnie, sino po sila" - sagot ni Ronnie
" Sarah, my name is Sarah" Matapang na tugon ko
" Oh , yes of course, this is SArah., I have been expecting this call, just not this soon " Umaatikabong sagot ni Ronnie.
" I think we both know we have a business to settle" --mga salitang huli kong binitawan.
matapos ang aming pag-uusap sa telepono, bumilis ang kabog ng aking dibdib at tila ako ay nabaon sa aking kinatatayuan.

Eto na po and huling kaganapan, magkikita na kami ni Ronnie at walng kaalam alam si Gerald sa magaganap na ito. Ako po ay umaasang matutulungan nio ako at mapapayuhan sa mga dapat gawin sa aming pagkikita. Paano ko haharapin ang dating nag mamay ari ng puso ng kasintahan ko ngayon? Ano ang mga dapat kong sabihin?

Umaasa na ako ay inyong mapapyuhan ,

Nagmamahal,

Sarah

.....oh ayan mga beshies..... ano na kaya ang magaganap sa paghaharap ng dalawa ?
Ano kaya ang mga nakahandang sabihin ni Ronnie na dating nag mamay ari ng puso ni Gerald na ngaun naman ay pag aari na ni Sarah?
Sino and mas may karapatan? Sino and lalaban at meron bang magpapaubaya?
Kung ikaw si Ronnie, ano ang sasabihin mo kay Sarah? Magpaparaya ka ba ng tuluyan at irerespeto ang relasyong ng dalawa ?
at kung ikaw naman si Sarah? ano ang mga bagay na sasabihin mo kay ROnnie upang ipaglaban ang relasyon nio ni Gerald?

  • Nais namin malaman ang inyong opinion tulong na din sa susunod na makakramdam ng sakit sa buong katawan sa pagpapatuloy ng kwento. -

Kung nais niyo balikan ang mga unang bahagi ng serye na ito sundin lamang ang mga links sa baba:

Part 1 Dear @jemzem: Ipaglalaban Ko Pa Ba? (Steemitserye 2nd Edition - Part 1) : https://steemit.com/steemitserye/@jemzem/dear-jemzem-ipaglalaban-ko-pa-ba-steemitserye-2nd-edition-part-1
Part 2 Dear @Mallowfitt Bromance...Di ko kayang Tanggapin ( Steemitserye 2nd Edition-Part 2 ) : https://steemit.com/steemitserye/@mallowfitt/dear-mallowfitt-bromance-diko-ko-kayang-tanggapin-steemitserye-2nd-edition-part-2

At ngayon nais kong ipasa ang korona at stress kay @fherdz. Ikaw na bahala na magtuloy sa kapalaran ni Sarah, Gerald at Ronnie. All the best po and goodluck!

THATS ALL FOLKS:

If you find this helpful and worthy of your time please upvote and resteem this post .
What are you waiting for let's create a change by sharing our #gratefulvibes story!
@iamdeth

Cast your vote and support @surpassinggoogle , my witness and inspiration to continue learning and growing.

To vote visit,
https://steemit.com/~witnesses
Type "steemgigs" as a witness in the search box then vote as shown below:

re127f3gcm.jpg

Sort:  

Sige lang Sarah ipaglaban mo si Gerald. Patunayan mo na mas nararapat ka kesa dun sa isa,haha. Good job sis @iamdeth, ang gagaling. Isa na naman kaabang-abang na mga tagpo ang aming aabangan.

salamat sis @lunamystica . salamat sa support nio at nakahinga na din ako ng maluwag.haha

hala lahat kay GErald paano naman si Ronnie lols
pag nakita ni Ronnie si Sarah mainlab sya kay SArah :)

Isang salita: Panyo ;)

salamat sis @bloghound at dumaan ka para silipin to,, alam ko medjo busy ka lately.

Hahahaha. Pinaglaban talaga ni Sarah ang karapatan niya. Ay naku po! Ano kaya mangyayari? Baka magkasabunutan ng buhok. Nyahahaha. Go go go Sarah! Kering keri mo yan! Wag kabahan! Ipaglaban ang karapatan sa ngalan ng pag-ibig. Wahahaha. Makikipagkita pa talaga si Ronnie! Waaahhhh! Kapal moks! Nyahahahha. Baka ipamukha ky Sarah ang intimate bromance niya ky Gerald. Waaaahhhh. Aray ko po! @fherdz bangz mo ubos na di mo pa nga ata nababasa to. Wahahahha

Hahaha ano ba kayo mga sis.. @sunnylife at @shikika sabunutan o sampalan agad? Di ba pwedeng pagandahan muna ng shade ng lipstick? Wahahahhaha o Pataasan ng takong? hahahaha..

Ang galing ni @iamdeth hehe tawang-tawa ako sa name ng restaurant hehe I labuyo you wahaha🤣😂

Excited na ako sa susunod na kabanata ni sir @ferdz.. Ano kyang mngyayari haha goodluck s inyo sir.. Isa po kaung alamat sa #steemitserye dahil kayo ang kauna-unahang lalaki na makikilahok sa kajologsan ng steemitseryegirls hehe

Haha @akoaypilipina baka Naman tatanungin ni Sarah Kung ano ang mas type ni Gerald Kung light Lang na make up o pang pageant Ang dating hehe..baka hihingi Lang siya ng payo hwe..hwe..😛

Wahahaha. Wala ng.ganun sis @akoaypilipina dahil napudpod na rin shades at lipstick nila. Wahahahha. Talo na rin si Sarah kung pataasan ng takong dahil andun na ky Ronnie ang naiwang takong niya. Wahahaha.
Kaya ba tanggapin ni @fherdz ang hamon. Wahahaha. Mamaya kaibigan pa pala ni @fherdz si Ronnie. Talo la na talaga niyan Sarah. Uwi ka na lang. Wag ka tumuloy. Waaahhhh...atras na habang may chance ka pa. Nyahahaha

Ay shocks! Naku Oo nga wag ka ng humarap Sarah! Atras na... Npkalaking khihiyan nyan Sarah.. Sinasabi ko sau npakalaking khihiyan yan waaaahaha

haha..salamat po sa mga suporta nio sa part na naisulat ko..kinakabahan ako pero sbi nga ni sis @sunnylife kahit ano keri.. hahaa kaya sana nagustuhan nio.tumambling ako habang sinusulat yan

sis parang nde halata na tumabling ka parang nag fashion show ka rumampa sa stage, heheh tas tas yon na yon. salamat sis.

@shikika wagka mg alala Hindi frenship ni @fherdz si Ronnie gusto niyang upakan kasi ex niya si Sarah at nagdadakilang abangerz siya Kay sarah!

Hahaha. Bakit wala pa dito si @fherdz. Waaahhhh. Nasaan siya? Baka siya muna nakipagkita kay Ronnie. Waaahhhh.

Haha!usap muna sila sa resto ngek!

hahah samapalan na to mga beshy? wag naman! hahaha
ihanda na ang mataaas na takong ni Sarah, mas maganda si Ronnie sa kanya! hahaha
kzo yong red shoes ni Sarah naiwan may pumulot na misteryosong lalaki.
Ang gleng mo sis @iamdeth abangers ang pagtatagpo nilang 2
Ipaubaya mo na Sarah kay Ronnie ok lang yan lols
sis @shikika ramdam ko nadala ka sa kwento lols galet kay Ronnie? lols
@fherdz keri mo yan tamang tama si sir ang naunang lalaki sa #steemitserye part 3 na!
goraaa!
Salamat @iamdeth kaka excite!!!!

Wahahaha. Ang hindi alam ng lahat si Ronnie un nakapulot ng takong niya sissy. Wahahaha
Hindi naman galit sis. Galit galitan lang. Wahahaha

lols kathang esep lang to lahat tayo naapektuhan hahaha
ginalingan maxado kz ni @iamdeth
si ferdz san na kaya?

Waaaahhhh. Pinuntahan pa ni @fherdz si Ronnie. Wahahahah

haha.. thank you din sis, habang sinusulat ko yan ikaw ang kinukulit ko ng kinukulit. swerte ni ate @shikika dahil medjo busy siya di ko siya makulit ahahah

gravee sis nakakadala nge emosyon kwento mo lahat kami parang nanood ng tv hahaha
pak na pak gleng! walang problema anytime sis. gora push!

Wahahaha. Salamat deth di mo ako kinulit. Nyahahaha

Tama! @sunnylife sampalin niya!dapat lang kakainez kasi nkikisiksik talga na parang surot tong Ronnie na to eh😤😣

At si @fherdz good luck sa kanya haha! Napasabak tuloy siya sa kwentong bromance haha!hirap tlga sa kanya to Wala siyang Alam sa mga ganitong di ordinaryong relationship.oh noooooo!!!!!! magkakaroon ka ng bangz talaga @fherdz hahaha😂😂😂

naku patay na! hahaha maubusan na si sir ng buhok nyahahaa
nakakdala pala ng emosyon mga ganto anoh?
hahahaha may pag ibig den naman ang kagaya ni Ronnie wag lang sya mang agaw hahha sabi nga nila mas masarap silang mag mahal mga ganon saka galante hihi

Yari Tayo nito @sunnylife parang binibigyan natin problema mga sarili natin dahil sa nakakadalang emosyon ng mga pinag gagawa nating kwento hehe..
Tama mapababae o lalake wag Lang mang aagaw hek hek😛

D mkatulog yun yun kakaisip

Haha!! Kunak data ket nakisawsawero ka ti comment Sika tuloy napagtripan haha😂 isu maibibus na Rin Ang hair niya wahaha😂

Hala pag ako nkalbo..Kasalanan nyong lhat to wahaha😂😂😂

Nagkakaroon n tlaga ako ng noo o😂🤣

oo, nga mam nag iisang lalaki, hahaha. baka mamya mapag kamalang Ronnie na hehehe sus ginoo.

naku! patay tayo niyan talaga hehehe. subukan kong gagawa. salamat sa pag damay hahaha.

@fherdz wag mong subukan gawin mo kundi ikaw sasampalon ko! Pak!✋

Yahoo! tapos na ako pwede na mag comment hehehe

Ngayon ko lang to nabasa, late nako sa kaganapan hahahaha...

Go Sarah! Pag nagkita kayo sampalin mo agad, Pak! Pak! Pag lumaban sabunutan mo at kalmotin mo mukha ni Ronnie... Mag suntukan kayo, matira matibay para sa ngalan ng pag-ibig lols....

hahaha gravee affected ka maxado ah hahaha
tinalo mo si manny pacquiao nyahahaha

Haha! @jennybeans Kung si Gerald magasawang sampal Kay Ronnie dapat buong pamilyang sampal! Papakpakpakapak! Ganon!

Galing mo @iamdeth ....😀👍talagang ipinaglaban ni sarah ang feelings niya hahhahah..ano kaya ang mangyari bogbogan at sampalan na ba to?.. hahahhaha😀

Ay may ganong pangyayari. Sulat na kayo ng Precious Heart stories dali! Hahaha. Ano na nga kaya ang mangyayari? Abangan...

Salamat naman at binigyan talaga ng chance ni Sarah si Gerald! Pero bet ko yung magiging harapan nina Sarah at Ronnie. Hahahaha. Baka may sabunutng magaganap. O kaya naman magka-developan sila. 😂😂😂
Si @fherdz na talaga ang bahala sa kapalaran nila. Damay-damay na ng kastressan ito. 😂😂😂

Galing patindi ng patindi mga pangyayari gusto ko yung ginawa ni sarah, binigyan nya ng chance si gerald to prove his love for her... kakaexcite ang sunod... good job ms. @iamdeth

hi po @avhyaceulip , salamt po at nagustuhan nio. naku po sundan na naten ang susunod na part na ginawa ni sir @fherdz

Talaga naman ipaglalaban talaga ni Sarah si Gerald! Ang galing @iamdeth! 👏👏
Sa sobrang stress ni Gerald humaba Ang balbas niya haha!
At malakas talaga Ang loob ni Sarah ngayon huh!Kasi Alam niya na may ipinaglalaban siya sa puso ni Gerald.at ito namang Ronnie na to mukha ring Hindi bibigay at makikipaglaban talaga sa beucon!malditang baklitah! Sarap pukpukin ng red na hills!😣😤👠👠💄💄

haha salamat sis@mallowfitt, syempre di papatalo si beks. haha kung alam mo lang stress ko jan ilang kape ata nainom ko hahaha

Haha! Mas matindi ng kalaban Ang beks ngayon kesa sa babae Kasi naman mas magaganda na sila kesa satin ouch!
Mga taga steemitserye mga tatlo lng Ang bangz,malapad na noo at adik!Kaka kape haha😂😂

hay naku,, tama ka, mas magagnda, makikinis at mas malaki ang future ,,hahaha.. minsan nga napakahirao na iddiferentiate kung sino ba ang babae. haha

Sa mga mukhang babae talunan na Tayo haha! Eh pano Naman yung Ang pogi na laging tambay sa gym?hehe sheyang nemem Ang kapogian aw!

haha..korek ..sarap pa naman sa mata =)

Mas gusto ko nalng Yung lantaran kesa naman sa Gaya ni Ronnie at Gerald hwe..hwe..😀

Congratulations @iamdeth! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.

To support your work, I also upvoted your post!
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.16
JST 0.032
BTC 59626.66
ETH 2519.04
USDT 1.00
SBD 2.43