Dear @fherdz: Bromance- Mapaglarong Tadhana ( Steemitserye 2nd Edition-Part 4 )

in #steemitserye6 years ago (edited)

Maraming salamat bagamat Hindi ko ito inaasahan. Isang karangalan ang mapasali sa sinusubaybayan na steemitserye na sinimulan ni @sunnylife, nadamay na si @jennybeans, @akoaypilipina, @shikika ,@lunamystica, @jemzem, @mallowfitt, @iamdeth. Bagamat ako lang Ang lalakeng nakikisawsaw sa kwentuhan eh itatayu ko ang bandera naming kalalakihan.Pwede din naman kaming hingan ng payong pag ibig.Sana ay magawan ko ng maayos Ang pagdugtong ng kwento sa buhay ni Sarah.

Dear @fherdz,

Nakakahiya mang hingan ka ng payo pero no choice na kasi ako. (joke) Kialangan ko din ang payo mo bilang isang lalake. Alam kong nabasa mo na kwento ko kina @jemzem, @mallowfitt, @iamdeth. Nakakalungkot na ganun humantong ang pag-iibigan naming ni Gerald na may sagabal pala. At kaibigang niyang matalik pa na dati niyang mahal at ang masakit kapwa niya ito lalake.

BlogPostImage
Image Source

Ganito kasi ang nangyari...

" I'll do everything to win your heart and trust back".
" I want to show you that I am worthy of your love, ayokong sirain tong huling pagkakataon na binigay mo. This time i'll do it right"

Ito ang mga katagang pangako ni Gerald sakin ng huli naming pag-uusap bago mag pasya para harapin si Ronnie. Mga salitang pinanghahawakan at nagbigay lakas para ipag laban ko ang aming pag-iibigan at para makapag simula na kami sa bagong yugto ng aming buhay.

BlogPostImage
Image Source

Pagdating ko sa I labuyo you Restaurant (doon kasi ang tagpuan) wala pa si Ronnie sa usapan naming takdang oras. Diko mapigilan ang inis ko at galit dahil halos kalahating oras na akong naaantay. Sinubukan kong tawagan pero di niya ako sinasagot. Kung di lang importante at pagmamahalan namin ni Gerald ang nakasalalay dito ay matagal na akong umuwi.

Ano ba naman yan! wala man lang ka gentle-gentleman sa babae at ako pa pinag hintay palibhasa GENTLE talaga siya...ang Gentle kumilos ang bruha!.. Kaiinis! Paalis na sana ako ng biglang dumating din ang Bruha!

Hi Sarah! I'm sorr... sabay gustong makipag kamay. Pero umiwas ako sa pakikipag kamay sa kanya at pasimpling binaba niya ang mga kamay. sabay upo...at tanong. What do you...?

Di ako pumunta dito para kumain pag putol ko sa tanong niya dahil sa inis ko. Sa huli nating pag uusap sa telepono alam na natin na may dapat tayong pag usapan at haraping mga issue.

Hindi na ako mag paligoy ligoy pa sayo Ronnie layuan mo na si Gerald pasindak kong sabi. Mahal namin ang isa't isa at higit sa lahat masaya na kami sa isat isa. Kaya pwede ba! wag mo na kaming gugulohin pa. (ang tapang ko sa intro mga bes clap! clap! clap!)

Habang ako ay nag sasalita kalmado lang at dina nagulat si Ronnie habang nakikinig.. (wa epek ata ah) nakikipaglaban pa sakin ng titigan. Nakakailang pero kailangan kong tatagan.

Inuulit ko Ronnie masaya na kami ni Gerald at kong ano man ang nakaraan niyo tapos na yon. At ano man nag balak mo para guluhin kami binabalaan kita. Dahil ako na ngayon ang mahal at nag mamay ari sa puso niya.

Uminom ako nga tubig nanunuyo ang lalamunan ko.

Tapos ka na ba? biglang sabi niya.

Yung lang ba ang sabihin mo?..na masaya na kayo? mahal ka niya?

Mahinahon niyang tugon pero may tigas sa kanyang pananlita.

Oo, Ronnie at nangako sakin si Gerald na bigyan ko pa siya ng isa pang pakakataon ay gagawin niya lahat ang para maitama at pinaniniwalaan ko siya.

Hahaha,naniniwala ka naman? patawang sagot niya at iba na ang tuno ng boses niya.

Gaano mo kilalala si Gerald? Mas kilala ko Gerald kesa sayo, magkababata kami at besfriend ko. alam-alam ko ang likaw ng bituka niya. ikaw kelan lang?

Isang taon? dalawang taon? tatlong taon?
sunod-sunod na diin niyang mga tanong.

(Sa isip ko bestfriend ka diyan baka beastfriend.)

Saka isa pa Sarah, isa ka lang dating secretary diba? nang iinis na sambit niya.?
di ba pumasok sa kukoti mo kahit minsan na sa panahong naghiwalay kami isa ka lang panakip butas lang? para mapagtakpan ang sakit nang paghihiwalya namin? Dahil dika niya mahal.
deretso niyang sabi.

Ouch sakit naman!

Di totoo yan sabi ko. nangingilid na ang luha ko.. (singhot tibayan ang loob)

Gusto mo ang totoo? hahaha . Ang totoo!,habang kayo pa nagkikita pa din kami lingid sa kaalaman mo. pangungutya niya sa akin.

hindi! di totoo yan. sagot ko may halong galit at naiiyak na!
wag mo akong subukan! Gusto mo lang kaming siraan.

hahaha! (Tumawa ulit Sobra na!pang iinsulto niya) anong alam mo bago ako pumunta dito katatapos lang namin nag usap kanina kaya late ako.

Aba! palaban talaga bruha na to.

Dahil sa sinabi niya di ako makaimik. (naglalaro sa isip ko Bromance nila sa condo) gusto ng sumabog ang galit gusto ko ng sabunutan ang loka lokang Ronnie na to.
Arrg! gusto ko sumigaw.. di to totoo...yan! di totoo...mahal ka niya sigaw ng puso ko. pero iba ang dikta ng isip ko...nag dududa na ba?
Lalong gulong gulo na nag isip ko...

Iniwan ako ni Ronnie na tulala at luhaan. akala ko pa naman ako ang sisindak sa kanya marami palang bala ang loka loka. (kaya dapat kung pupunta sa gira laging handa)

..di maalis sa isip ko ang mag salitang binitawan ni Ronnie bago umalis. (binulong parang halik ni hudas)
"Sarah, mahal ko si Gerald at handa kung din ipag laban ang pag mamahal ko sa kanya" Huwat! tumayo mga balahibo ko di dahil sa kiliti kundi sa pandidiri.ewwi!

Wow! ang tindi.! laban pa more..

BlogPostImage
Image Source

Are you ok miss? binasag na tanong ng isang lalaki habang ako'y umiiyak sa isang sulok.

I'm ok sabi ko.

Are you sure?

sabi ng ok eh. pagalit kong sagot.

kasi miss kanina pa kita nakiktang umiiyak.

pakialam mo sagot ko.

oh! ang hard naman, miss. Gusto ko lang makatulong at makasiguro if ok ka lang.

oo, na nga! ok na!. ano masaya ka na!. so wala ka ng problema. pabalang kong sagot.

ang totoo miss meron.

HA! bakit? ano na naman.?

Magsasara na po kami. pak ganern... (Siya pala may ari ng Resto)

BlogPostImage
direct link to Image Source

Maaga akong nagising sa araw na yun kahit puyat dahil sa nangayari kagabi. Mugto pa ang mga mata kaya nag Shades nalang ako para di halata. Nag bihis ako para puntahan si Gerald sa condo niya. Araw ng Day off niya that day. Gusto ko din siyan makausap para tanungin at maliwanagan sa mga sinabi ni Ronnie ng gabing nag usap kami.Kung totoong panakip butas lang talaga ako.

(Oops! sandali lang muna kape muna tayo Mag-ala una na kaya..baka isipin niyo balik tayo sa eksena na naman sa bromance nila sa condo.)

Pumasok ako condo ni Gerald (may susi ako diba kaya naka pasok) Kinakabahan ako baka maulit na naman ang tagpong diko inaasahan noon. pero walang tao sa condo. hay! salamat at di naulit ang bangongot na nangyari noon. Pumunta ako sa may garahe para siguraduhing nandon ang sasakyan niya. Pero wala yong sasakyan baka lumabas sabi ko sa isip ko. Kaya nag pasya akong aalis nalang muna para mamalenke para lutuan ko nalang ang mahal ko. Habang naglalakad nakasalubong ko si manang Grace ang Janitress sa condo.

Magandang hapon po ma'am sabi.
Gandang hapon din po manang Grace sagot kong naka ngiti.
Si sir Gerald po ba sadya niyo?

(Malamang manang alangan naman kayo? hehehe di kasama to.)

Opo sana manang.
Ay kaalis lang po ni sir kasama po niya si sir Ronnie. sayang di kayo napang abot.

dahil sa sabi ni manang Grace di ako nakaimik, ang ngiti kanina'y parang nabuhusan ng malamig na tubig.. at di makagalaw...Natagpuan ko lang ang sarili ko na umiiyak sa isang sulok ng lounge sa condo ni Gerald. Daming tanong sa isip, bakit sila mag kasama? baka tama nag hinala ko? parang gumuho na ang mundo ko sa nalaman ko.

are you ok? pamilyar na boses ng isang lalake..habang ina aabot ang panyo sa'kin. kinuha ko at sabay tingin ko sa taong nag abot... nagulat ako dahil yong may ari pala sa resto... ikaw na naman?

Nagulat din ang reaksyon niya sabay sambit, ay ikaw yung.....
Oo, nakita mong umiiyak sa resto mo tapos! uumiiyak na naman dito sagot kong mangiyak ngiyak.

Ngumiti siya at sakin ang lumabas ang kanyang kambal na dimples na malalim na parang Aga Mulach ang dating. (Huh! bakit napinsin ko yun umiiyak kaya ako)

ah! tama! Nalala ko na... kaya pamilyar ka last time na nakita kita sa resto ko. actually dito kita unang nakita... sabay ngiti, labas ulit mga dimples niya. (sinasadya ba niya pero in fairness pogi siya. Aga nga diba?)

Ano sabi mo dito mo ako nakita? nakabawi na sa hiya sa pag iyak. medyo ok na ko.
oo, dito kita nakita tumatakbong noon paalis at naiwan mo ang red na sapatos mo...hinabol kita pero di mo ako pinansin dahil...
....umiiyak ulit ako. mabilis na sagot ko...

nagkatinginan kami.. at ...
sabay kaming tumawa.
by the way I'm Brad.... fitt nah!

sa sandaling yun nabawasan ang sakit na aking nadarama.

"Hinubad ko na lang ito at iniwan ko, pero may lalakeng pumulot at sa akin ay ihahabol ito ngunit hindi ko na nilingon at pinansin " flashback

Dito muna mag tatapos ang pangyayari sa buhay ko. napakasakit na malaman mo na mag kasama ulit sina Gerald at Bruhang Ronnie. Ano ang opinyon niyo sa aking kwento ng buhay ko at ano ang mapapayo niyo? Gulong Gulo na ang isip ko.

Nagmamahal,
Sarah

Talaga bang panakip butas lang ni Gerald si Sarah o Isa lamang itong panira ni Ronnie para kusa siyang magparaya?
At sino ang lalaking kamukha ni Aga na lagi na lang nakakakita kay Sarah na umiiyak?
Ano ang magiging parte sa buhay ni Sarah? siya naba ang magiging shoulder to cry on ni Sarah?

Salamat sa malupit kong kaibigan sa pagtulong pero ka ano-ano kaya @mallowfitt sir Brad fitt?
Mag pinsan kaya sila? lol

Kung nais niyo balikan ang mga unang bahagi ng serye na ito sundin lamang ang mga links sa baba:


Steemitserye 2nd Edition - Part 1Dear @jemzem: Ipaglalaban Ko Pa Ba?


Steemitserye 2nd Edition-Part 2 (Dear @Mallowfitt Bromance...Di ko kayang Tanggapin)


Steemitserye 2nd Edition-Part 3(Dear @iamdeth: Bromance- Puso o isip? )

Sa wakas natapos ko din, Pasensiya kung medyo mahaba...ngayon lang ako nakagawa ng ganito. Muli, ako'y taos pusong nagpapasalamat sa inyo Ma'am, @sunnylife, @jennybeans, @akoaypilipina, @shikika ,@lunamystica, @jemzem, @mallowfitt, @iamdeth..

At ngayon ay ipapaubaya ko ang ikalimang bahagi ng steemit serye 2-edition sa aking Kaibigan at Master @shirleynpenalosa. damay damay lang to. Dumami ang puting buhok ko dito sa kaiisip hehehe

Thank you for stopping by:-)
Peace and blessings, God bless us all :-)

Please support @surpassinggoogle as a witness, Please vote him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.

If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.


(logo created by @bloghound)


(credits to @jhunbaniqued)

Sort:  

naku.... abangers nnaman tayo sa susunod na kabanata... ano nnaman kaya ang dahilan bakit magkasama yung dalawa????...clap clap sir @fherdz =) ... galing po,, palaisipan din ano ang role ni brad sa buhay nla =)

Salamat Madam @iamdeth. abangan natin kung ano role ni brad fitt sa buhay ni sarah

Kunak no professional writer, ni @fherdz met gayam. So taray, so astig and so very good. Nakakaloka!

hahaha thank you ate @jap60.

Galing! Itakderak pay!!!!

@bloghound ingatum duwa ima pati saka haha😂😂

hahaha adda pay kasjay na.

Intakderam w matching palakpak at kembot pa ah.. dayta ni joe the mango

Ang galing mo naman Joe!! Mr. president yan ang pinagpupuyatan mo hahaha.. bwelo ka sa sunday pag nkita mo si mallowfitt— the left and the right kunana.. brad-fitt na kamaong pacman pa..
oh master @mallowfitt habaan mo ang bangz mo ha? Hehehe.. wait natin si master shirly dnt worry mega kwento yan.. naka move on na yan!! .. kwento nyan mula arianna hanggang wego-ccf!!
Mabuhay ang makulay na lovelife ni Sarah..

Mabuhay ang steemitserye!!
Mabuhay sina mam @sunnylife, @jennybeans, @akoaypilipina, @shikika ,@lunamystica, @jemzem, @mallowfitt, @iamdeth..@fherdz at ang inaabangan naming si Master @shirleynpenalosa
Mabuhay ang Pilipinas!

gumagawa na siya Joe. kitam dan post na damdama

ikaw ang susunod mam cathy bwhahahaha sa yo ko ipapasa ang korona bwhahahaha humanda ka :-D

Oh noh madik dyak masurutan. Balik mo k malow haha

Ate @catietan bakit mo ibabalik sakin?nagpapatubo palang ako ng bangz ko haha wag muna kayo Naman😀

ano na master @shirleynpenalosa, tapos na?

Haha!thank you at @catietan papahaba na nga ako ng bangz eh.anyayin na natin Ang finale nasa kamay ni @shirleynpenalosa magiging SOCO na ang tema ng steemitserye haha!

emeged et telegeng denemey nenye eke nenehemek eke neg eempeke ne ke gemet ke pepenteng menele pere se ekeng emeresyen hehehehe ayyyyy huhuhuhuh pele yen depet enebeyen kekeenes ke ferds mr. presedent ke pe nemen presshered nemen me mesyede detey hehehehe ayyyy huhuhuhu pele elet eyen .....geeeeeerrrrrrrr!!!!!!!

Gowo ko no kwonto mo mostor @shirleynpenalosa, noso soyo no ong korono.

Wahahaha. Ana na nangyara data. Nabaang na.ba lahat data? Nyahahaha. Damay damay na data. Waaahhhh. Ana mangyayari sa sasanad na kabanata? Makhang ata magkakaantandahan na taya. Wahahaha

ane dew yare seyo lols

Wow! @fherdz ang luuuuuppppiiiiitttttt mo rin. Wahahahaha. Mga walang hiyang malalalanding mokong na mga yun. Hahahaha. Puro iyak si Sarah. Puro naman tawa si Shikika. Wahahaha
Si Brad fitt pala ang prince charming ni Sarah. Si Brad fitt pala na pinsan ni @mallowfitt na sobrang lupit sa kagwapuhan at may bunos pang dimples. Wahahahaha
Wag ka na iyak Sarah. Ewan mo na ang mga mokong na yun ky Brad fitt ka na. Siguradong Prinsesa ka. Hahahaha

Clap clap clap @fherds! Naubos mo rin ang isang dosenang 3n1 coffee. Hahahaah

Salamat mam @shikika, sa mga papuri niyo hehehe.

Walang anuman @fherdz sobrang luuuuuppppiiiiitttttt mo talaga. Hahaha
Dahil diyan ikaw na magkapitan sa aming paglalakbay patungo sa dako pa roon. Hahahah

Meron na po tambayan ang mga steemitserye at dora explorer. Hahaha
Punta ka na dito.
Steemitserye & Steemitdora Full Force Discord Channel.

Oo pinsan ko si Brad Fitt @shikika,sana jombagin niya si Ronnie para ipaghiganti niya si Sarah kahit minsan Lang😬

Waaahhhh. Ang luuuufffffiiitttt nga ng angkan niyo kung jombagin niya. Hahahah

@shikaka kaso mabait siya Kaya Hindi niya kyinombagerz👊 Hindi siya nagmana sakin ayayayay!😁😛

OhMG! Sabi ko na nga ba xa yung nakapulot ng red shoes ni Sarah. At sana di nya sinuot,hahaha. Sarah jan ka na lang sa nakapulot ng red shoes mo, malay mo tunay na lalaki yan,hehe. Nice @fherdz, ang galing2 ng mga #steemitseryesistersbro 2nd edition.

hahaha maraming salamat @lunamystica. tunay yan. hahaha baka mamaya gawing ni master @shirleynpenalosa, alanganin.

Nakakaloka to..hahhahhah natatawa ako hahahahhaha..clap..clap..hahahahhaha..clap..clap..at inis na inis ako ni Ronnie hahahha...good job @fherds ..😀👍

sis nadala ka den kay Ronnie
hahaha gravee ito #steemitserye nakakdala ng emosyon haha
salamat sa supporta sis

Hahahha..nakakainis sis.. hahahahah nadala talaga ako sa halong emotion habang ako nagsubaybay sis ..😀😀hindi ako naka move on..abangan ang susunod kung ano ang mangyari sis hahahhah

Salamat mam @yennarido, ma-epal lang tong si Ronnie hehehe

Kakaloka to sir @fherdz khit wala akong bangs sumasakit sya sa mga kaganapan, gusto ko ng upakan tong si ronnie ang landi... at etong si gerald gusto kong sabubutan... anu kayang eksena ni bradd fitt... galing galing sir.... good luck @shirleynpenalosa can't wait sa mga susunod n kabanata...

Hahaha , malandi nga mam @avhyaceulip.. talo pa si sarah.

Hahahahaha excited na ako sa gagawin ni ms. @shirleynpenalosa kay ronnie at gerald...

hahaha gravee sis ang gleng nya sir! panalo!
sama ka next edition sis

Sure sis, sana kasing ganda ng story nila ang magawa ko...😊😊😊

mam @avhyaceulip, papatayin ko na mga karakters nila sa serye pra matapos ng bromance na yan bwhahahahahaha heyst herep telege nete mem eng herep herep telege...

Hehehehehe yakang yaka mo yan sis... go go go... excited na kami kay sarah

thank you sa suporta sis tapos na napost na bahala na kayo huhuhuh hahahahah naloloka na ako....

Wag mong patayin pinsan kong si Brad @shirleynpenalosa Wala siyang kasalanan wag po!maawa ka sakanya...he did not kill anybody!
Walang himala!Ang himala ay nasa puso ng tao! you're nothing but a second rate trying hard pussy cat!

wala po akong pinatay hindi po ako kriminal bwhahahaha tapos na po na post na po bwahahahah sakit sa bangz

Haha!yehey! Happy lahat love love Lang..
Sana nasampal ko na si Ronnie noon haha para nakaganti manlang😁
Sana napasampal ko Kay @fherdz haha😂
Congrats Sarah n my pinsan Brad fitt👍

Wala ba kayong mya kamay diyan???? Palakpakan na may kasamang hiyawan!!!👏👏 Yeeeeyy!?!Ang galing galing mo Mr. President @fherdz hahaha!
akalain mo Kung maka bruha ka Kay Ronnie? Hahahah! Dapat inupakan mo one time big-time Ang yabang mong manindak nung una tapos iiyak iyak Karin pala tsk.tsk. hay naku Sarah...
Si Brad Fitt! Haha! pinsan ko yan bakit nakisawsaw kapa say buhay ni Sarah? Hahah!

Salamat madam. sa suporta mo. hahaha.Mga Terms ng kabataan at mga parang Ronie. hehehe hirap mag isip nang mga ganyan.

Walang anuman @fherdz damay damay to eh Diba..at antayin natin si master @shirleynpenalosa na walang Malay nadamay haha😁😁

kaano ano mo ba kasi c brad fitt hahaha

Wow, pinsan mo pala si Brad Fitt @mallowfitt hahahaha... Ang lowfitt talaga ng pamilya nyo hahahha

Hahah! @jennybeans oo pinsan ko nga siya Kaya Hindi yan magppatalo sure yan si Brad hehe..I have 2 Fitt da lep n da ryt haha!

hahaha banat mo na naman.

clap Dem soply 123 klin li'l Fitt ar gud tu si haha😂

Hahaha hanep ... 😁😁👏

hahaha panalo sa comment ang lufet!!!

@sunnylife pwetmalu din yan di Brad este pet-malu pala haha😂😂

nyahahaha kulet bwaha

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.16
JST 0.032
BTC 59626.66
ETH 2519.04
USDT 1.00
SBD 2.43