You are viewing a single comment's thread from:

RE: Ang Pag-Lalakbay sa Dako Pa Roon ni @shikika: Timog Bulacan at Maynila (first ever written in Tagalog)

in #steemitdora7 years ago

Sa Season II ng sa Dako Pa Roon mas detalyado na dapat hehe. Hay naku! Hindi ko naman kasi noong una na puwedeng puwede pala atsaka ginanahan ako talaga mag-sulat kapag nababasa ko ang mga sinulat ni boss @jemzem taas ang mga kamay ko sa kanya. Ganoon naman talaga masarap ang mag-lakbay puwede natin ulit bisitahin si @reginecruz total malapit na naman ang bahay niya sa amin, tara't magkape tayo sa lugar ni Regine hehe. Mayroon "Lone District" ang Bulacan iyon ay ang San Jose Del Monte City na kalapit siyudad ko lang din, hindi na naten nadaanan kasi sa NLEX tayo dumaan LOL.

Huwag kang mag-alala sa dami ng bunga na iyan siguradong mayroon ka ng pasalubong saka chicharon, pagmamahal mula sa lalawigan ng Bulacan. Hindi ko na magawang kuhanan ng litrato ang aking sarili sa kadahilanang ang eye bugs ko ay malaki pa sa monay hehe. Sa totoo lang hindi ko talaga sakop ang mag suga ng mga hayop, manok lang hehe pero minsan pag inuutusan wala na lang nagagawa kung hindi sumunod hehe mas matanda kasi LOL. Akalain mo na pati mga palaka at lamok ay nakasali sa istorya haha pero seryoso kinakain ng mga kaibigan ko yung palakang bukid. Balak ko talaga pabo ang alagaan sobrang sarap kasi ng laman nito at malinamnam. Si Mike Enriquez ay tiga UP Univerisity of the Philippines hehe, gusto ko rin doon kaso ang mga marka ko o grado sa iskuwelahan ang pumigil sa akin para magaral doon haha kailangan kasi ng 90 ang suma total ng iyong grado sa H.S. Palagi palagi na akong sasama sa biyahe niyo simula ngayon at maraming salamat ulit sa pag imbita sa'kin, napakapalad ko Bb.Shikika. Mabuhay ang mga manlalakbay! Sa Season II hehe. Sana madami pa kayong maengganyo.

Sort:  

Hahaha buti na lang nadamay ka dahik kay @jemzem. Hahaha
Hindi ko alam kung saan patungo ang paglalakbay sa dako pa roon. Tuloy tuloy na siguro eto. Hahaha. Matatapos lang eto kung tayo'y mamahinga na dahil sa pagod sa paglalakbay. Nyahahaha.
Napatawa mo kami sa kajologans mo rin. Hahaha
Akala ko ikaw si Mike na ayaw lang pahalata baka ikaw ay dumugin. Hahaha

Gusto ko talaga ang mga lugar, kasi pangarap ko maging "geographer" hindi lang talaga ako maka pasok sa UP dati kasi mababa grades ko, Tatlong kurso sana gusto ko pagsabaysabayin dati kaya lang wala kaming pera hindi pa naman ganoon ka asenso mga ate ko hehe. Geography, Law at Mass Comm ang mga gusto ko talaga, sobrang hilig ko talaga sa mga lugar, kaya kabisado ko mga lahat ng lalawigan sa PH at US hehe.

Wahahaha. Ikaw na nga ang magaling @twotripleow! Ang dami mo gustong pagsabay sabayin. Hahaha.
Dapat pala ikaw un magiging taga-ulat ng #steemitdora kung saan tayo susunod na tutungo at kung anu-anong lugar ating pinupuntahan patungo sa dako pa roon. Iuulat mo sa amin ang pinagmulan ng bawat lugar. Hahahaha. Isasama mo rin sa ulat mo kung ano ang mga dapat at di dapat gawin para sa ikabubuti ng sankatauhan. Hahaha

Pwede natin pag usapan sa discord yan, kaso pag ako wala ako masyadong followers ikaw talaga dapat, pag tulungan natin maka buo ng magandang paglalakbay. Nasa Luzon na tayo ngayon diba? para hindi tayo mapagog sa paglalakbay haha parang tunay na buhay ang peg, unahin natin mga kalapit na lalawigan, Pag usapan natin sa discord.

Hahaha. Ang sa akin ay malayang paglalakbay. Un walang sinusunod na alituntunin. Hahaha. Para lahat ay pwedeng makisali. Hahaha. Hindi dapat ganito ang kinalabasan kaso dahil sa daming gustong sumama sa paglalakbay. Malayang paglalakbay na lang ang aking pinagpatuloy. Maganda nga un na maglakbay na wala talaga sa plano mas masaya. Hahaha.
Pwede mo naman gawan ng ulat ang lahat ng paglalakbay. Usap tayo sa discord. 😀😀😀

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 76065.61
ETH 2908.14
USDT 1.00
SBD 2.59