Ang Pag-Lalakbay sa Dako Pa Roon ni @shikika: Timog Bulacan at Maynila (first ever written in Tagalog)

in #steemitdora6 years ago

SMB.jpg


Maligayang pag-dating! Binibining @shikika sa aming bayan, bayan ng Santa Maria. Ang bayan ng Santa Maria ay matatagpuan sa timog Bulacan Gitnang Luzon. Ang mga bayan at syudad na kabilang sa Ika Apat na Distrito ay Marilao, Obando at Meycauayan. Ang San Jose Del Monte ay kabilang din sa Ika Apat na Distrito ng Bulacan dahil ang mga tiga San Jose Del Monte na tumatakbong "Board Member" ay nangangampanya sa mga nasabing lugar, bagamat sa pag-boto ng mambabatas ang San Jose Del Monte ay ang tinatawag na "Lone District" ang ibig sabihin ay hindi na sila kabilang sa Ika Apat na Distrito sa tuwing sasapit ang halalan para sa mambabatas. Ako ay lubos na nagagalak sa iyong imbitasyon na sumulat pa tungkol sa aking bayan, bagamat hindi ako pinanganak sa bayan ng Santa Maria, ako'y pinanganak sa syudad ng Meycauayan sa Bulacan. Gaya nga ng nasabi ko sa isang komento ako'y hindi isang manlalakbay, wala naman ako masyadong maraming napuntahang lugar kung hindi sa Bulacan at Maynila lang at ibang pang syudad sa N.C.R (National Capital Region), sabihin na natin nakaka-tungo din paminsan-minsan sa ibang lalawigan kagaya ng Bataan, Pampanga at Rizal sa kadahilan ng kasama ito sa aking trabaho. Salamat nga pala kaibigang @jemzem dahil sa'yo kaibigan napukaw mo ang nag-babagang kaalaman ko sa pag susulat sa wikang Tagalog. Ang masasabi ko, ikaw na siguro ang isa sa mga pinaka magaling na manunulat na Filipino. Ako nga pala'y dinaanan niyo na nang nag-tungo kayo sa bayan ng Angat sa bayang pinag mulan ng ating butihin na si @reginecruz. Ngayon tayo ay muling mag-balik sa lalawigan ng Bulacan.


Simple lang ang buhay sa isang kapatagan hindi mahirap bagamat nakaka-bagot kung iisipin sapagkat walang establisyimento hindi kagaya sa isang syudad na sa pag-labas mo ng bahay ay kaagad-agad na may makikita kang mga pagaaliwan o paglilibangan mo. Ang tanging makikita lamang dito sa amin ay mga hayop kagaya ng manok, baka, kalabaw, baboy (itim at puti), kambing at kung minsan ay kabayo, ang kabayo at ang kalabaw ay alaga lamang ng mga taong may kaya sa buhay, at syempre mawawala ba ang mga alaga nating mga pusa at aso. Mga taniman sa gilid at iba't ibang klase ng puno. Masasabi kong puno ng buhay ang aming lugar. Wala man gaanong mapaglilibangan masasabing kong masaya rin dito. Ang pag himas sa mga panlabang tandang at ang mga ginagawang pagsasanay sa isang tandang ay masasabi ko na ito ay pag-gayak sa napipintong laban o tagisan ng mga tandang. Hindi ko maipapakita ang mga alaga kong tandang o sabihin na natin na hindi ko pwedeng ipakita ang mga larawan ng mga nasabing tandang, sa kadahilanang baka ang mga ito'y mabigyan pansin ng aking mga kalaban.

manga.jpg

Makikita sa nasabing larawan na ang aming pambansang prutas Manga ay hitik na hitik ang bunga at syempre hindi mawawala ang mga naglalakihang mga "antik" at ang madagta nitong mga tangkay. Madami pa akong mga halaman na tanim at gulay ang problema lang ay wala akong mga larawan, hayaan niyo sa susunod ay kukuhanan ko ang mga ito ng mga larawan nang sa gayon maipakita ko sa inyo ang mga nasabing halaman at gulay.


O ha diba? Anong masasabi niyo? Nag mistulang "Manila Zoo" ba? Wala pa ngang kabayo, baka at kalabaw diyan. Madami din palaka tuwing gabi na makikita sa gilid gilid lang pero ayaw ko itong hawakan ayos lang kung ito'y "palakang bukid" kung ang nasabing palaka ay isang "BullFrog" ay huwag na lang salamat, mas nanaisin ko pang humawak ng isang ahas kaysa sa isang Bullfrog, sapagkat nakakatakot ang kanyang likod di mo mawari kung ano ang mga butlig sa kanyang likod. Mababait naman ang mga palaka, sila ang tinatawag natin na "mamamatay lamok" biruin mo naka tulong na sila sa kapaligiran tinulungan pa ang mga tao na maka iwas sa mga sakit dulot ng lamok. Ang mga kulig na naka ngiti ay masasabing kong masaya sila kasi malapit na sila paliguan hehe at ang mga kambing sa parang na mahiya mo mga sanggol na nagtatakbuhan sa gitna ng parang. Baka, kalabaw at kabayo na lang pala ang kulang.


Noong Ako'y Nag-Aaral Pa.

Halina't samahan ako sa aking iskuwelan noong ako'y kolehiyo pa. Ang University of the East ay matatagpuan sa Maynila sa tabing kalsada ng Claro M. Recto. Madali lamang ang byahe noong araw sapagkat ang trapiko sa Maynila ay hindi pa masyadong laganap. Isang sakay lang at kaunting lakad, kapag ika'y galing sa Santa Maria Bulacan ang iyong sasakyan na bus ay biyaheng Sta.Cruz para sa pag- baba mo ng bus ay kaunting lakad na lang. Madadaanan mo ang iskuwelahan ng F.E.U o Far Eastern University. Ang iskuwelahan ng babaeng nanakit nang sobra sa aking sumisibol ko pa lang na puso haha. Ganoon lamang ka simple hindi naman kalayuan mga 80-90 kilometers lang 30 minutong takbuhan lang kung walang trapiko (iyon ay kung mawawalan). Dalawang taon at kalahati din akong pumasok sa nasabing unibersidad at ang kursong kinuha ko ay "Mass Communication Major in Broadcasting". Hindi masyadong detalyado ang aking mga sinasabi dito dahil sa tingin ko hindi naman kinakailangan pang sabihin ang mga pinagdaananko at iyon sa tingin ko ay pribado na, atsaka hanggang Maynila lang naman talaga ang binabyahe ko hindi ako lumalayo gaya nga ng nasabi ko hindi ako pwedeng lumayo dahil baka matuyot at mamatay sa init ang mga alaga ko, kung ako man ay aalis sisiguraduhin ko muna na may taong hahalili sa'kin.
Ang larawang ito ay nag-mula pa sa opisyal na pahina ng U.E sa Facebook.


Saan nga ba ang Philippine Arena? Ang Philippine Arena ng Iglesia ni Kristo ay nasasakupan ng Tatlong bayan sa Bulacan. Marilao, Santa Maria at Bocaue. Ito ay makikita mo na agad sa North Luzon Expressway o NLEX, maari kang lumabas sa Marilao o sa Bocaue kung nais mong mag-tungo sa nasabing lugar. Dito ako madalas manood ng kung ano ano, kung minsan sabong, konsyerto at syempre basketbol. Ano pa hinihintay niyo tara na at manood sa Philippine Arena.

Phil Arena.jpg


Chicharon at Paputok

chicharon.jpg

Ang Santa Maria Bulacan ay kilala sa pag-gawa ng iba't ibang uri ng chicharon, mapa Chicharong Bulaklak, Chicharon Bituka at syempre ang pinaka sikat na "Back Fat". Mag-ingat lamang sa pag-kain ng Backfat sapagkat ito'y nakaka high-blood sabi ng mga doctor, marahan lamang na isawsaw natin ito sa suka, bawang, paminta at sili nang sa gayon ay hindi ito masyado maka apekto sa ating kalusugan. Minsan ko na sinubukan araw arawin ang pag-kain ng nasabing chicharon at nag-dulot ito ng pag-sakit o kirot ng aking tuhod. Dahan dahan lang sa pag-kain ng chicharon mga kaibigan ok? Mura lamang ang chicharon lalu kung dadayuhin mo ito mura na masarap pa, maaari niyo rin itong gawin na pang hanap buhay sapagkat malaki at kikitain mo kapag ibinenta mo ito sa syudad, hanguin mo lang sa Santa Maria Bulacan.


Sa tuwing sasapit ang tinatawag na "BER" months, nag-lipana na ang paputok dito sa amin lalu na sa Boacaue Bulacan. Ang hindi niyo alam sa Santa Maria halos lahat ginagawa ang mga paputok sa Boacaue lamang ito binebenta sapagkat maganda ang nasabing lugar malapit kasi ito sa Bocaue exit. Ang masasabi ko malayo pa lamang ay bumili na kayo ng paputok nang sa gayon di kayo magahol sa tuwing sasapit ang "ber months" hindi lang iyon mas mahal na ang mga paputok as nasabing panahon. Kaming mga tiga Bulacan ay masasabi namin na hindi kumpleto ang aming Pasko at Bagong Taon kapag hindi kami nag-paputok (ibang paputok naman yata ang nasa isip niyo kung ano man iyon hindi iyon ang tinutukoy ko ok?), syempre mayroon din mga ipinagbabawal na paputok kagaya ng Pla-Pla, Goodbye PH o Goodbye Marawi o kung ano pa man ang gusto niyong itawag. Sobrang kulay ng Bagong Taon dito at sobrang saya siguro maninibago ako kapag sa ibang lugar ako nag Bagong taon, lalu na sa mga lugar na bawal magpaputok. Ito kasi ay tradisyon na sa aming lalawigan, maaaring hindi kayo sumang ayon sa lahat nang sasabihin ko marahil ay dapat niyong aminin sa sarili niyo na ako ay mayroong punto, para sa amin ayaw namin ipagkait sa amin ang karapatan namin na magpaputok tuwing Pasko at Bagong Taon. O siya hanggang dito na lang pansamantala na akong magpapaalam magkitakita na lang tayo sa season II ng sa "Dako Pa Roon". Hanggang sa muli paalam.

paputok1.jpg
fireworks 2.jpg


Ibig ko sanang maki sali sa "Dako Pa Roon" ang aking mga matatalik na kaibigan na sina @ahna8911 @sheshebaylosis @iamqueenlevita @tarsivy @ninjace. Jace at Ana ipakita niyo na ang lakas ng mga tiga Bulacan. Levita pabalikin natin sila sa Cebu. Tars ipagmalaki ang Cavite at SheShe ilabas ang taglay na yaman ng Laguna.


GIF-180316_162802.gif

ana.png

Sort:  

Wow naman po na enjoy ko ang pag gagala sa Bulacan! Ang daming maaring pwedeng puntahan.

Yung chicharon ay pagka sarap-sarap! Yung zoo hahah ng walang kabayo, siguro pwedeng tawaging rancho nalang sya muna. Lubos kaming natuwa dito @twotripleow

Ay oo naman. Puwede mo rin pansamantalang ipalit sa Potato Chips mo Toto. Siguradong magugustuhan mo, huwag lang yung Chicharon na Bulaklak kas masakit sa bulsa iyon. Huwag na rancho lakas maka sosyal haha poultry na lang hehe.

@twotripleow hayan na si @tagalogtrail hindi rin nagalit sa pagkakalat natin kanina sa tambayan ni toto. Buti na lang meron ka pachicharon. Hahaha

Partida ate @shikika nakaka highblood ang chicharon pero dahil sa peborit ko yan palalagpasin.

Wahaha. Nakakahighblood talaga yan. Buti hindi na nahighblood sa amin. Wahahah

Nahiya naman ako sa pa-mention na magaling, boss @twotripleow. 😅
Pero ang ganda riyan sa inyo. Pinangarap ko rin kasing tumira sa ganyang klaseng kapaligiran. Yung maraming halaman, alagang hayop at lugar na napakapresko ang hangin. Kaya sa tuwing nagagawi ako sa ganyang lugar, namamangha talaga ako e. Laking siyudad kasi at puro establisyemento lang madalas ang nakikita. Kabaligtaran talaga ng iyo.
Ako'y tuwang-tuwa na makabasa ng tagalog na akda mula sa iyo, boss. Ang galing ng pagkaka-narrate mo rito. At saka maraming salamat din at sumama ka sa paglalakbay namin at dinala mo kami sa Bulacan. 😊

Hahaha. Maswerte pa pala ako dahil nagtatrabaho ako sa siyudad saka meron akong probinsiyang inuuwian. Hahaha
Marami pa tayong magagandang tanawin sa probinsiya na mapupuntahan @jemzem. Walang trapik doon di kagaya dito sa siyudad matagal tayong makarating sa ating paroroonan. Hahaha

Ang swerte mo talaga, sis @shikika. Kaya gala na lang ako nang gala kasi wala akong probinsyang mapasyalan. At nakakatuwa rin talagang nakakapaglakbay tayo sa iba't ibang lugar kahit sa imahinasyon na lang natin dahil sa steemitdora. Kapag nakapag-ipon, gagala ako sa mga lugar na naitampok ng mga manlalakbay. Pero lilibutin ko muna ang buong Cebu bago 'yon. 😂

Hahaha. Maswerte tayong lahat dito @jemzem dahil sa dami at layo ng ating nilalakbay mga #steemitdora na talaga tayo nito. Hahaha

Hay naku! Wala iyon nararapat lang na mabigyan ka ng break sa pag-susulat. Ang mga kaibigan pala nating mga hayop kung puwede sana maging magkaibigan sila hehe. Ibig din na makipaglaro ng mga kulig sa mga pawikan diyan at pati ra rin siguro ang mga kambing at baka. Nakakainip din talaga dito kasi maaga pa lang tulog na mga kapit-bahay mga ika 8 ng gabi pa lang, kapag nasa siyudad ka buhay na buhay medyo maingay din kasi maririnig mo hugong ng tren hehe. Gusto ko rin mag-bakasyon sa Cebu sana sana sana sana tumaas SBD at makaipon pa kahit mga 20K haha ambisyosong froggie lang ang peg.

Ako mas natutuwa sa totoo lang dahil nagkaroon ako ng inaabanga dito, kung mayroon man magaling dito ikaw iyon. Taas kamay ako sa mga sinusulat mo isama mo na rin pati paa ko hehe. Sana pala may season 2 para mas mahaba mas eksakto mas detalyado ang ating paglalakbay.

Sana nga mga magkaibigan ang mga pets natin. 😂
Babalikan ko yung mga pawikan at sardinas, sasabihin ko sa kanilang hintayin ka't parating ka na para makita sila. 😊
Ang sarap bumalik doon e.
Ang aga ngang matulog ng nga tao sa probinsya, saka ang aga rin gumising. Pero naa-appreciate ko pa rin talaga ang ganyang klaseng pamumuhay. Simple pero maayos.

Basta't nagpapasalamat talaga ako't may nag-aappreciate ng mga sinusulat ko. Isang malaking achievement na talaga yun sa mga gaya kong frustrated writer. Paulit-ulit akong magpapasalamat sa 'yo, boss. 😊
Sana nga tumaas ang SBD at nang makapunta ka na rin dito sa Cebu. Gagawan kita ng itinerary. Heheheehe.

Puwede rin tong mga alaga ko sa tubig iyon nga lang tuwing summer nga lang din haha. Hindi sila pwede sa tag-ulan kasi baka sipunin rin sila kagaya natin mga tao. Hindi rin naman puwede yong mga sardinas sa lupa haha. Tuwing tag-init lang talaga sila makakapag-laro, paki sabi mo na lang pala kapag nagawi ka ulit doon. Sa totoo lang pag-naranasan mo na ma traffic ng limang oras baka isumpa mo na ang NCR haha. Andyan yung naka tayo ka ng ubod ng tagal o kaya naman naka upo ka lang ng ubod ng tagal. Tapos kapag malakas na ulan naman laging baha haha kaloka! Sa amin talaga ayos lang, umulan bumagyo ligtas na ligtas siguradong walang kahit anong maiiwan, dadaan lang yan lahat.

Huwag kang magpasalamat kasi talento mo yan, dinaig mo ang lahat kahit ako na ganyan ang kurso ko pero aminado ako na mas malawak ang kaiisipan mo at hindi ko alam kung saan ka kumukuha ng ideya hehe kung baga "very versatile ka" ako talaga hindi pang patayan lang haha. Ako talaga ang dapat magpasalamat dahil kung hindi dahil sa'yo hindi talaga ako magsusulat ng tagalog hehe. Maraming maraming salamat ulit daghan salamat pa. Turuan mo pala ako magbisaya pag may time ka hehe sobra sobra na ba? Hehe. Gawaan mo na pala ako ng itinerary kasama ko pala silang lahat lol.

Ang dami mo talagang alaga. Mapa-lupa o sa tubig, hindi ka nauubusan ng alaga. Nakakatuwa naman. 😄
Nakapunta ako ng Maynila dati at buti na lang hindi ako nakaranas ng matinding traffic sa isang linggong pananatili ko roon. Kasi naiinis na nga ako sa 30 minutes traffic e, yung limang oras pa kaya. Hahahhahha. Baka hindi na talaga ako bumalik ng Maynila niyan. 😂
Natutuwa rin ako't naeengganyo kitang magsulat ng Tagalog. At aabangan ko pa ang mga isusulat mo pang tagalog na akda. At saka kung susubukan mo rin yung iba, baka maging versatile ka rin. Gaya na lang ng pagsubok mong magsulat ng tagalog. Posibleng-posible 'yan.
Sure boss. Kakausapin na kita ng bisaya para matuto ka. Hehehehe. Ilang alaga ba ang dadalhin mo? Nang makalkula natin ang magiging akomodasyon n'yo rito. 😂

Ang inaalala ko ang mga sardinas na kaibigan mo baka kainin sila ng mga pets ko haha. Alam nila kasi masarap ang sardinas lalu na yung kulay pula na maanghang hehe. Dati ganoon lang tinatagal ng traffic pero ngayon iba na talaga. Salamat sa pagpapalakas ng loob ko di ko talaga linya ang love story pero susubukan bahala ng panginoon sa'kin laging patayan lang kasi mga napapanood ko haha kung hindi man sci-fi, kapag tagalog talaga mas madali para sa'kin kaysa sa English hehe. Susundan kita palaga kapag naka gawa ka na ng tungkol sa patayan hehe, Ibig sabihin ko gagawa rin ako ng storya pa tungkol sa mga labanan at patayan hehe. Huwag lang yung romansahan kahit na yun ang pinaka madali nakakahiya parin syempre diba?

At oo pag nasa discord kausapin mo ako bisaya itama mo na lang kapag mali ang sagot ko, kasi barok talaga ako mag bisaya, ika nga kasabot pero gamay lang hehe. At mga 8 kami pala ako isang asko 2 pusa 2 na kulig at kambing haha. Magbabarko kami kasi tila hindi welcome sa eruplano mga alaga ko lolol.

Hahahahha. Kawawa naman pala yung mga sardinas kung gano'n. Pero ayos lang, hindi naman mauubos ang sardinas sa dami nila. Tiba-tiba ang mga alaga mo niyan. Wantusawa. Hahahaha.
Malay natin, kayanin mo talaga ang ibang genre lalo na 'yung love story. Saludo kasi ko sa mga lalaking nakakapagsulat din ng ganyan. Madalas kasi mga babae ang nagsusulat sa ganyang genre. Pero syempre gusto ko ring makabasa ng isinulat mong patayan. Nag-scan ako noon sa mga blogs mo at naghanap ng tagalog works, pero ito pa lang pala ang naisulat mong tagalog. Hehehehe. Alam kong marami kapang maisusulat at isa ako sa mga supporters mo. 😊👍
Sige, magbisaya ko nimo sa discord bahalag dili sila kasabot. Hahahaha. Kapag nahirapan ka, itatranslate ko na lang sa tagalog.
Ang dami mo pa lang kasamang maglakbay rito. Tiyak na mag-eenjoy kayong lahat. Lalatagan ko kayo ng red carpet kapag dumaong na yung sasakyan nyong barko. 😂

Kaunti lang naman sila kumain at baka manibago rin sila sa Cebu di pa nila gamay yung lugar kaya sure ako behave tong mga ito. Pasensya na kamo sa mga kaibigang sardinas mo. Grabe! yung wantusawa haha tagalog slang ka na magsalita haha. Sa totoo lang hindi ko talaga alam paano simulan ang pag gawa ng love story, puro kasi sakit lang nararanasan ko charot!

Lady Ninja sinusulat ko ngayon tagalog hehe isusunod ko sa ngalan mo kasi gusto ko magaling din ang bida hehe iibahin ko lang ng bahagya Jem-Jem hehe. Nyay! Napepresure na talaga ako kapag sinasabi mo ganyan haha pag-bubutihin ko talaga ang mga gagawin ko at pagiisipang mabuti. Gagawin kong inspirasyon mga sinulat mo nang sa gayon maka gawa ako ng ika nga nila ay "quality post".

Sige gusto ko yan para naman hindi ako mukhang tanga kapag napunta ako sa Cebu gustong gusto ko matuto ang tagal kasi ng proseso kapag translator ang gamit ko. Salamat kung pagtyatyagaan mo ako turuan haha.

Maraming salamat sa iyong mainit na pagtanggap @twotripleow. 😀 Nakakatuwang magbalik sa Bulacan. 😀 Akalain mo un, nagmula pa kami ng Timog Cebu biglang napadpad ng Timog Bulacan at Maynila. Ang bilis! Hahaha.
Nahiya ako dun sa first ever written in Tagalog. Hahaha. Kasama ka na rin sa kajologans ng #steemitserye at #steemitdora. Hahaha. Maligayang paglalakbay! 😀
Maraming salamat sa pag-unlak sa aming imbitasyon. Ngayon lang namin nalaman na meron pala tinatawag na Lone District. Pagdating sa heograpiya bagsak ako. Hahaha.
Kahit galing na kami ng Bulacan marami pa rin kaming nalaman at natutunan sa aming paglalakbay kasama ka kaibigan @twotripleow. 😀
Ang sarap ng manggang hilaw na maasim at manamis-tamis. Parang mga pera ang bunga ng ikalawang litrato. Hahaha. Mukhang pera anh ang peg. Nyahahaha.
Bakit di mo pinakita sa amin ang iyong gwaponh mukha na parang si Mark at Brad Fitt. Hahaha. Dapat pinakita mo habang nagpapakain at nagpapaligo ka ng mga alagang hayop. Ang dami nila. Ang lawak lawak ng kapatagan iyong pinagdalhan sa mga #steemitdora. 😀 Mukha nga zoo sa bukirin. Hahaha. Mga bida rin pala sa aming paglalakbay ang mga palaka at mga lamok. Hahaha
Salamat dinala mo rin kami sa paaralan mo sa Maynila. Masscomm pala kinuha mo. Baka ikaw si Mike na nag-uulat sa amin ngayon na Hindi namin kayo tatantanan! Hahaha
At meron pa talaga Philippine Arena. Patay ka talaga diyan sa mga kalaban mo kung magsasabong ka lang. Hahahaha
Ang pinakagusto ko sa lahat ay ang malulutong na chicharon ng Bulacan. Masarap pa pala sa Carcar Cebu chicharon. Paminsan minsan lang ako kumain ng chicharon kaya ok lang sabi ng aking kalusugan. Hahaha. Ewan ko lang sa mga kasama nating manlalakbay kung ok lang sa kanilang kalusugan. Hahaha
Ang dami pa palang paputok sa inyo. Paano yan hindi kami makakapagdala dahil bawal sa amin ang paputok. Baka magkaputokan habang tayo ay patuloy na naglalakbay patungo sa dako pa roon. Hahaha.
Maraming salamat @twotripleow at madami kaming natutunan saiyo. Salamat din sa pahdamay sa mga matalik mong kaibigan. Hahaha
Mabuhay ang mga manlalakbay!
😀😀😀

Sa Season II ng sa Dako Pa Roon mas detalyado na dapat hehe. Hay naku! Hindi ko naman kasi noong una na puwedeng puwede pala atsaka ginanahan ako talaga mag-sulat kapag nababasa ko ang mga sinulat ni boss @jemzem taas ang mga kamay ko sa kanya. Ganoon naman talaga masarap ang mag-lakbay puwede natin ulit bisitahin si @reginecruz total malapit na naman ang bahay niya sa amin, tara't magkape tayo sa lugar ni Regine hehe. Mayroon "Lone District" ang Bulacan iyon ay ang San Jose Del Monte City na kalapit siyudad ko lang din, hindi na naten nadaanan kasi sa NLEX tayo dumaan LOL.

Huwag kang mag-alala sa dami ng bunga na iyan siguradong mayroon ka ng pasalubong saka chicharon, pagmamahal mula sa lalawigan ng Bulacan. Hindi ko na magawang kuhanan ng litrato ang aking sarili sa kadahilanang ang eye bugs ko ay malaki pa sa monay hehe. Sa totoo lang hindi ko talaga sakop ang mag suga ng mga hayop, manok lang hehe pero minsan pag inuutusan wala na lang nagagawa kung hindi sumunod hehe mas matanda kasi LOL. Akalain mo na pati mga palaka at lamok ay nakasali sa istorya haha pero seryoso kinakain ng mga kaibigan ko yung palakang bukid. Balak ko talaga pabo ang alagaan sobrang sarap kasi ng laman nito at malinamnam. Si Mike Enriquez ay tiga UP Univerisity of the Philippines hehe, gusto ko rin doon kaso ang mga marka ko o grado sa iskuwelahan ang pumigil sa akin para magaral doon haha kailangan kasi ng 90 ang suma total ng iyong grado sa H.S. Palagi palagi na akong sasama sa biyahe niyo simula ngayon at maraming salamat ulit sa pag imbita sa'kin, napakapalad ko Bb.Shikika. Mabuhay ang mga manlalakbay! Sa Season II hehe. Sana madami pa kayong maengganyo.

Hahaha buti na lang nadamay ka dahik kay @jemzem. Hahaha
Hindi ko alam kung saan patungo ang paglalakbay sa dako pa roon. Tuloy tuloy na siguro eto. Hahaha. Matatapos lang eto kung tayo'y mamahinga na dahil sa pagod sa paglalakbay. Nyahahaha.
Napatawa mo kami sa kajologans mo rin. Hahaha
Akala ko ikaw si Mike na ayaw lang pahalata baka ikaw ay dumugin. Hahaha

Gusto ko talaga ang mga lugar, kasi pangarap ko maging "geographer" hindi lang talaga ako maka pasok sa UP dati kasi mababa grades ko, Tatlong kurso sana gusto ko pagsabaysabayin dati kaya lang wala kaming pera hindi pa naman ganoon ka asenso mga ate ko hehe. Geography, Law at Mass Comm ang mga gusto ko talaga, sobrang hilig ko talaga sa mga lugar, kaya kabisado ko mga lahat ng lalawigan sa PH at US hehe.

Wahahaha. Ikaw na nga ang magaling @twotripleow! Ang dami mo gustong pagsabay sabayin. Hahaha.
Dapat pala ikaw un magiging taga-ulat ng #steemitdora kung saan tayo susunod na tutungo at kung anu-anong lugar ating pinupuntahan patungo sa dako pa roon. Iuulat mo sa amin ang pinagmulan ng bawat lugar. Hahahaha. Isasama mo rin sa ulat mo kung ano ang mga dapat at di dapat gawin para sa ikabubuti ng sankatauhan. Hahaha

Pwede natin pag usapan sa discord yan, kaso pag ako wala ako masyadong followers ikaw talaga dapat, pag tulungan natin maka buo ng magandang paglalakbay. Nasa Luzon na tayo ngayon diba? para hindi tayo mapagog sa paglalakbay haha parang tunay na buhay ang peg, unahin natin mga kalapit na lalawigan, Pag usapan natin sa discord.

Hahaha. Ang sa akin ay malayang paglalakbay. Un walang sinusunod na alituntunin. Hahaha. Para lahat ay pwedeng makisali. Hahaha. Hindi dapat ganito ang kinalabasan kaso dahil sa daming gustong sumama sa paglalakbay. Malayang paglalakbay na lang ang aking pinagpatuloy. Maganda nga un na maglakbay na wala talaga sa plano mas masaya. Hahaha.
Pwede mo naman gawan ng ulat ang lahat ng paglalakbay. Usap tayo sa discord. 😀😀😀

Yan ang mga tiga Bulacan , napakagaling tumanggap ng mga panauhin. Mabuti naman at muli nakabalik sila agad sa Bulacan... nakkatuwa sa lugar nyo kapatid... napakadami mong alaga.may hayop may halaman at ang mangga ha ...bongga hitik na hitik sa bunga ...ang dami ang sarap...:) sa susunod lagi ka nang kasama sa paglalakbay ng mga # steemitdora para may kasama kami maskulado hahahaha!!!

Haha oo nga no ako lang pala lalaki ngayon ko lang din napansin. Sana maka gawa rin ibang mga kababayan natin sa una at ikalawang distrito ng Bulacan hehe, mayroon na kasi ikatlo at ikaapat, ipakita natin ang lakas ng mga tiga Bulacan heh. Bigyan kita Manga kung gusto mo pala.

May pananaghili akong naramdaman sa yumi at kapayakan ng iyong tinubuang lupa. Masasabi kong maswerte ka, kaibigan. Sa siyudad ako ipinanganak at nagkaisip kaya naman kapag ako'y nakakasilay ng mga larawang ipinapakita ang buhay probinsiya ay mas lalong tumitibay ang naisin kong manirahan nang payak sa mga lalawigan.
Oo nga pala, kung hindi ako nagkakamali, maaaring yung mga bagay bagay na nasa likuran ng bull frog ay yung mga itlog nya. Baka mali rin ako. Haha

Napatagalog mo rin tuloy ako @twotripleow
Haha

Naenganyo lang ako sa isa kong friend. Uy Rome sulat ka rin ganyan hhe. Tinatamad ako mag google kung ano yung nakaka diring butlig sa likod niya haha. Ako talaga mas gusto ko dito kahit nakaka inip kasi walang traffic at saka di gaano maiinit kahit mas mababa kaunti ang sahod sa Maynila ayos lang basta nalilibang hehe.

Sige. Susubukan kong sumulat nang 1.) Tagalog at 2.) Tungkol sa Maynila. Parehong mahirap gawin una, di ako sanay magsulat ng tagalog at pangalawa, extra challenge humanap ng maganda sa Maynila dahil sa kapal ng polusyon. Hahaha.

Bakit Fil Am ka kaya di ka sanay sumulat ng tagalog? Hehe. Kahit di madaming pictures lang yan yung buod ang mahalaga.

Oo. FeelAm. Feelingerang Ambisyosa. Hahaha. Sige. Subukan natin talaga. Sana mabigyan o ng hustisya ang natatagong ganda ng Maynila. Hahaha

Taguig NCR ka e di ka naman Maynila hehe. BGC dami maganda dyan haha yung dating Embassy Valkyrie na yata ngayon, Sm Aura saka Market Market picturan mo. Tas yun na yun hehe.

Lugar ng asawa ko yung Taguig. Di ko pa kabisado pero oo, marami akong photowalk na ginawa sa BGC. Ipapakita ko rin sa mga susunod kong sulat.

Ang bilis ni @romeskie. Wahaha. Di ko kinaya. Nahihilo ako sa paglalakbay. Wahahah. Balikan ko un mamaya.

Hahaha. Samahan mo na rin kami @romeskie sa aming paglalakbay. Magkikita tayo sa unahan. 😀😀😀

Haha. Nakakatuwa. Kakatapos ko lang ibahagi ang kinalakhan kong lugar at sobrang natuwa ako!! Tingin ko, magsusulat pa ako ulit tubgkol naman sa iba pang byaheng ginawa ko. Haha. Sige.. sama sama tayo @shikika

Hahaha. Mabuti naman at natuwa ka sa ating paglalakbay. Hahaha. Nakita ko na paglalakbay mo. 😀😀😀
Mabuhay ang mga manlalakbay! 😀

May natutunan ako sa iyong isiniwalat - ang Bulacan pala ay Chicharon capital. Sa aking buong akala, ang Carcar ng Cebu ang Chicharon capital.

Wala akong ma ikokomentary sa paputok, takot ako dyaan.

Santa Maria hehe dito lang ginagawa nang maigi yan, mantakin mo isang kalsada gawaan ng chicharon hehe. Masarap din siguro mga Chicharon dyan pero di ko natitikman, padalhan mo ako hehe papalitan ko special chicharon yung pampabata hehe backfat saka chicharon bulaklak idolestEST. Bakit ka takot sa paputok? Naputukan ka naba? LOLOL.

Juice ko Lord, akala ko ang dami kong alam. Mantakin mo, mali ang aking akala... marami talagang nadadale sa maling akala. Huwag kang mag alala, papadalhan ka nami ni Queen Levi.

Takot ako sa paputok, lalo na pag sa puso sumabog. Joke!

Haha. Hindi ko alam iyan. Ang masasabi ko hindi ka nag-iisa Melai idolestEST. Sabi niya laro kami akala ko naman surfing iyon pala feelings ko paglalaruan niya haha. Madami talaga nasasaktan sa maling akala haha.

Wow...panibagong lugar nmn to ang nilakbay ...

Salamat @twotripleow 😀👍

Oo hehe naglakbay na rin ang aking kaibigan na si @romeskie hehe. Walang ano man salamat sa maganda niyong adhikain ang sa "Dako Pa Roon".

You got a 1.08% upvote from @upmewhale courtesy of @shikika!

Earn 100% earning payout by delegating SP to @upmewhale. Visit http://www.upmewhale.com for details!

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63314.98
ETH 3233.91
USDT 1.00
SBD 3.88