@Donkeypong's Reflections and Tips for International Steemit Members and Growth Communities : A Filipino Translation

in #steemit7 years ago

Source : Tom's Blog.

I read the blog of Tom @donkeypong, and made me motivated to post more quality contents here in Steemit. Before, my goal is to reach around 4 blogs per day without looking at the quality of my blogs. Fortunately, his post made me realize Steemit's platform isn't like that. My goal now is to translate this post to reach @teamphilippines community, that we need to unite. Thank you Tom for this amazing post, made my soul ignite! <3

These ideas are originally from @donkeypong 's post, I just translated it to Filipino so credits to this awesome man! Much love!

Ito ang limang mga payo para lumago ang komunidad sa inyong lugar.

1. Bumoto at maglagay ng komento sa mga sulat ng isa't-isa.

Ang mga tao na nasa isang komunidad gaya ng Nigeria ay pwedeng tumulong sa isa't-isa sa pamamagitan ng pagboto sa mga magagandang sulat na galing sa mga awtor sa kanilang lugar. Ang paglagay ng komento na nakakapagbuo ng matalinghagang argumento/konbersasyon. Kung gaano karami ang mga pag-uusap sa inyong komunidad (sa pamamagitan ng pagboto at pagkomento sa isa't-isa), ay ganoon din ang magiging resulta na makakuha ng suporta at donasyon para sa mga aktibidad gaya ng pagtitipok at mga patimpalak.

May mga taong binabalewala ang pagkokomento sa kadahilanang hindi ito nakakapagbigay ng kita ng malaki di gaya ng pagsulat ng mga artikulo. Pero ang pagkomento sa mga sulat ng iba ay nakakapagbigay sayo ng tagasunod at mga botante sa hinharap sa iyong mga sulat. Nakakatulong ka din sa iba na tutulong, na nagbibigay ng mas maraming konbersasyon at mas malagong komunidad sa Steemit.

1.jpg

2.) Hikayatin ang mga kababaihan na sumali at magsulat.

Maraming mga bansa ang nahahati dahil sa kasarian. Naiintindihan ko na may mga tradisyong nagbibigay ng pribilheyo sa kasarian sa komunidad, pero sana hindi natin ibalewala ang oportunidad na ang mga kababaihan sa mundo na dapat magsulat, magkomento, bumoto, at kumita gaya ng ginagawa ng mga kalalakihan sa Steemit. Paki-imbita sa ating mga kapatid na babae, ina, kasintahan, anak, at ibang mga babae sa iyong buhat na sumali rin sa Steemit.

Simula kay @sykochica at kay @stellabelle, hanggang kay @sweetsssj ang mga primyadong kababaihan na tumulong na malagyan sila ng lugar sa Steemit. Mataas ang proporsyon ng kababaihang miyembro sa Steemit di gaya ng ibang online sites, pero nananatili ang plataporma ng Steemit na karamihan ay kalalakihan. Pareho ang Steemit (ang media site) at ang Steem (ang currency) ay makakatulong ng malaki sa mga tao saan mang panig ng mundo. Maraming mga kababaihan sa maraming bansa ay kulang sa mga oportunidad na makakuha ng sapat na trabaho o makapagsimula ng negosyo. Ang Steemit ay nagbibigay ng oportunidad sa mga tao na kumita sa pamamagitan ng pagsulat at pakikibaka. Ang Steem (ang cryptocurrency) ay nagbibigay sa mga tao ng pamamaraan ng pagpapadala ng pera sa mga taoo saan mang panig ng mundo na libre, mabilis, at sigurado ang seguridad.

Hindi siguro alam ng mga tao na si @sweetsssj dati ay isang mapagkumbabang kurado para sa mga Chinese na mga sulat kasama ang Steem Guild, noong hindi pa siya isa sa mga sikat na bituin ng Steemit. Hanggang sa ngayon, walang makakapantay sa sipag niyang magsulat dito sa Steemit. Ang kanyang tagumpay ay testamento sa kanyang sipag at pag-aalaga ng kanyang mga gawa at pagsulat. Siya ay natatangi at karapat-dapat na makauha ng lugar sa mga trending na pahina, walang sulat sa Steemit na gusto kong ipakita sa mga bagong miyembro kundi ang kanyang mga sulat.

Dapat nating palakasin ang mga kababaihang miyembro sa Steemit saan mang panig ng mundo. Tulad nila @jumaidafajar (Indonesia), @gloglo at @ogoowinner (Nigeria), @aishwarya at @travel-cuisine (India). Isa't isa sa kanila ay nakatulong ng malaki sa kanilang sulat at ibang mga tao na nanghihikayat na sumali. Kung maari, mag-imbita kayo ng mga kaibigang lalake at kamag-anak, pero wag ding kalimutan ang mga kababaihan.

3.) Ano ang gusto ng mga English language readers at viewers sa iyong mga sulat?

Maraming mga miyembro sa international community ang nagnanais na maabot ang mga English-speaking readers. Ito ay madaling maintindihan, dahil ito ay makapagbibigay ng mas maraming boto at rewards. Ang ilan ay gumagamit ng Google Translate para matranslate ang kanilang mga sulat. Ang ilan ay gumagamit ng Google Translate para matranslate ang kanilang mga sulat. Ang iba ay nagpapatranslate sa kanilang mga kaibigan at ang iba ay sila na mismo ang nagtratranslate ng mga sulat, mapa-pagsulat man sa Ingles o sa dalawang linggwahe.

At sa ibang mga bansa, galing pang Netherlands hanggang sa Nigeria at aling Israel papuntang India, ang wikang Ingles ay ginagamit. Kaya halos lahat ng mga miyembro galing sa naturang mga bansa ay nagsusulat sila gamit ang Ingles at wika.

Subalit, ang paggamit ng universal na linggwahe gaya ng Ingles ay hindi nakakagarantiya na ang lahat ng mga nagbabasa ay makakarelate sa iyong topic o ang iyong sulat. Kaya ano ang gusto ng mga mambabasa galing sa mga bansang nagsasalita ng Ingles?

Original dapat ang sulat gawa mo dahil dito ka nakakalikom ng malaking halaga sa rewards kaysa sa muling isinulat na mga sulat. Pwedeng tula, kwento, o isang larawan na iginuhit mo. Pwedeng mataas na artikulo o maliit na deskripsyon kung anong kinain mo sa simbahan.

May mga taa na gusto ang reflective, self-help posts (halimbaya, "Paanog tayo Manatiling Kumilos at Magsipag?"). Pero ito ay posible lamang sa ibang paksa, perop pakiusap sana mapagtanto natin na nakikita natin ang maraming mga sulat sa ganitong uri. Maliban sa ito ay nakakapagbigay ng reward sa mga ibat ibang uri gaya ng mga larawarn o mga sulat-lakbay, ito ay posible na ang mga mambabasa ay makararating sa punto na hindi na nila gustong bumoto sa mga sulat ng iba. Hindi ito ginawa para madiscourage ka na gumawa ng mga magagandang mga sulat sa ganyang lugar (sana nga) at makita kung ano ang maganda.

4.) Mga idea para sa mga sulat.

Gusto kong malaman pa ang iyong buhay at kung ano ang mga natatangi at mga nakaka-interes na mga bagay. Siguro makikita mo ang iyong buhat na boring. Dahil sa mga nakikita mong mga sulat ng iba na napakaganda at natatangi, maiisip mo siguro na hindi mo pa nagagawang gumawa ng mga magagandang bagay. Pero malaki ang interes sayo ng publiko.

Gusto ko pang matuto kung ano pa ang meron sa iyong bansa, siyudad, kultura, mga walang pasok, iyong pamilya, at magulang, at mga kapatid at kamag-anak, iyong asawa o kasintahan, at ang iyong mga anak kung meron man.

At, gusto ko pang mabasa ang iyong mga sulat tungkol sa paborito mong guro o anong natutuhan mo sa eskwelahan na hindi mo malilimutan.

Ang kinain mo sa umagahan at anong kaibahan nito sa mga kinakain namin. Saan galing ang pagkain? Meron bang sikat na merkado o umahan na malapit sa lugar mo?

Pagkatapos ng umagahan, anong ginawa mo? Kung meron kang trabaho o sa eskwela, anong klaseng transportasyon ang ginait mo para makarating sa kinaroroonan mo? Anong nakikita mos a tuwing magbyabyahe ka?

2.jpg

Gusto mo ang muska? Anong uri? Ano ang mga pinagkakaabalahan mo? Nakabasa ka naba ng mga libro o nakapanood ng palabas o nakalaro ng isang laro o nakakain sa pagkainan na gusto mo at masasabi mo ba sa amin?

Kung meron mang isang tao na pwede mong pasalihin sa Steemit, sino? Kung meron mang negosyo na pwede tumanggap ng Steem o Steem Dollars, saan at bakit?

Kung meron ka mang maraming Steem, anong gusto mong gawin diyan sa hinaharap? Anong dapat mong gawin para mas mapabuti ang mundo? Anong magandang mga gamit ang gusto mong bilhin para sa sarili mo? Gusto mo bang bumyahe - saan at bakit?

Kung meron ka mang abilidad na kumuha ng magagandang larawan, kahit simple lang at hindi maganda ang kalidad, makakatulong ito sa mga mambabasa na maisip nila ang iyong subjek sa iyong sulat. Ang mga sulat na may mga orihinal na mga larawan (drawing o painting!) ay mas makakauha ng maraming boto at reward kaysa sa mga sulat na wala ito. Pero kung hindi ka makakagamit ng mga larawan, ipakita mo saamin gamit ang iyong sulat.

5. Sumulat, eratipika, at suriin ang iyong sulat.

Sa mga maraming mga umuunlad na mga bansa, ang mga tao ay nagpupublish galing sa mga phones nila gamit ang eSteem. Mahirap man itong ma edit ang mga sulat, pero sana magbigay ka ng saktong oras para i edit at masuri ito ng maayos. Mas maganda na sumulat ng isang magandang sulat na walang mga kamalian kaysa magsulat ng dalawa o tatlo na mahina naman ang kalidad sa isang araw. Ang isang napakagandang sulat ay mas makakauha ng maraming boto at makakuha ng mga maraming premyo.

Ang isa sa mga kamalian dito sa Steemit ay hindi sila gumagamit ng eksaktong kapitalisasyon o kahit ang salitang "I". Ito ang dahilan kung bakit mahirap maintindihan at mabasa ang iyong mga sulat (halimbawa, "this is what i think those sentences look like). Napaka-unpropesyonal tignan. Ang iyong mga sulat ay iyong produkto, kaya dapat pagbuhusan mo ng sipag at tiyaga.

3.png

Si @sweetsssj ay hindi pa nagsulat ng hindi propersyonal na sulat. Tingin ng mga tao ito ay orihinal na mga ideya niya, napakagandang mga sulat, nakakamanghang mga paglakbay, at napakagandang babae na nakakapagtala sa kanya ng napakaraming boto, lahat yon ay totoo. Pero bawat sulat niya ay napakapropesyonal tignan, kung titignan mo sa instruktura ng mga larawan at ang estilo nya sa pagsulat. Kung gusto mong makakuha ng magagandang resulat, pagbuhusan mo ng panahon na suriin bago mo ito isapubliko. Kung napakahirap nito sayo, humanap ka ng kaibigan na tutulong sayo na i proofread ito.

Hope you appreciate my translation, your comments and suggestions will be highly appreciated. Please note that all photos and ideas came from @donkeypong post. Thank you Tom!

Sort:  

Thank you so much for translating and posting this!

I should be the one to thank you Tom @donkeypong. It made me realize so much things - and you made them all in just a single post. I am deeply overwhelmed by your support. Much love! <3

That's great!
:)

Also, I just posted a request for a new "expats" topic on Steemit. Us expats have no congregation. Please help if you will.

Ahh. I will do my best to help you with that. Thank you! :)

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by JassennessaJ from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, and someguy123. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows and creating a social network. Please find us in the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you like what we're doing please upvote this comment so we can continue to build the community account that's supporting all members.

diba? sakto ko. haha nice @jassennessaj

Yepeey <3. I need to reach you out on Facebook!

Congratulations! This post has been upvoted and resteemed by @philippinetrail. We thank you for any support that you can give (Upvote, resteem, donate, delegate, or even comment). Please support #steemit-charityph tagged posts.

Please upvote this comment so we can continue to build this account if you like this initiative.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 66779.99
ETH 3503.24
USDT 1.00
SBD 2.70