Nasapian ng masamang Espirito?

in #question6 years ago

Bago ang lahat, nais ko lang sabihin na ito ang unang beses na magpahayag ako dito sa Steemit gamit ang ating sariling wika. Ang pagpapahayag ko dito ay isang paraan ko para masanay at mahasa ang aking kakayahan sa pakikipag - usap gamit ang wikang Filipino. Sa mga ngtataka kung bakit ko ipinahayag ito kung pagsasanay lang ito kasi nais kong malaman ang inyong opinyon kung paano ko pa mapapaunlad ito. Lahat ng mga mungkahi ay malugod kong tatanggapin.Maraming salamat.

Kahapon ay araw ng Linggo at nakasanayan na naming magkamag-anak ang pagsisimba. Bago pa nagsimula ang misa ay may dumating na mga tao kasama ang isang binatilyo na diumano ay nasapian ng masamang espirito. Salaysay ng isa sa mga kasama na ang binatilyo ay kakauwi lang galing sa siyudad. Matagal-tagal na siyang hindi nakakauwi dahil abala siya sa pagre-review para sa LET (Licensure Exam for Teachers) at nakikituloy lamang pansamantala sa bahay ng kanyang nakatatandang kapatid. Pagdating diumano sa kanilang bahay ay bigla itong nangisay at nagsisigaw kaya agad agad tinawag ng kanyang ina ang kanilang kapitbahay upang magpahatid sa ospital. Nang nakasakay na sila ng motorsiklo (nasa liblib na bayan kami at motorsiklo lang ang paraan ng transportasyon) ay ayaw raw umandar ng motor kaya bumaba ang ina ng binatilyo at bigla daw sumigaw ito ng "Pahawa mo diri. Dili ko mukuyog ninyo.Tabang ma. Dad - a ko sa simbahan. " Matapos raw sabihin ng binatilyo ang mga katagang iyon ay bigla na lang itong nagsalita ng mga salitang hindi nila maintindihan at bigla itong nagkaroon ng kakaibang lakas na hindi kayang pigilan ng 2 tao. Kaya minabuti ng isang kapitbahay na gamitin ang kanyang sasakyan at dalhin na ito sa simbahan. Nang nasa simbahan na sila ay parang normal lang ang kinikilos ng binatilyo kaya hinala ng pari ay stressed lang ito.

Nasapian nga ba o stressed lang ang binatilyo?

Sa aking palagay, totoo ang hinala ng pari na STRESS ang sanhi ng kakaibang ikinikilos ng binatilyo dahil katatapos lang ng LET at stressed siya sa kahihintay ng resulta. Gustong - gusto niyang makapasa sa exams upang matulungan ang kanyang naghihikahos na pamilya. Dahil sa tagal ng paglabas ng resulta ay may tendency na magiging pessimistic siya kasi atat na siyang matulungan ang pamilya niya. Isa pa, hindi gugustuhin ng masamang espirito na makakita ng krusipiho, eh bakit normal lang siya ng ilapit sa kanya ito? Nasapian man o stressed lang, ang binatilyo lang ang nakakaalam.

Sa inyong palagay, totoo pa kaya ang sinasabi nilang "nasapian ng masamang espirito"? Ipaabot ang inyong mga opinyon.

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by leysonrye from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Congratulations @leysonrye! You have completed the following achievement on the Steem blockchain and have been rewarded with new badge(s) :

You received more than 1000 upvotes. Your next target is to reach 2000 upvotes.

Click here to view your Board of Honor
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do not miss the last post from @steemitboard:

SteemFest3 and SteemitBoard - Meet the Steemians Contest

Support SteemitBoard's project! Vote for its witness and get one more award!

Congratulations @leysonrye! You have completed the following achievement on the Steem blockchain and have been rewarded with new badge(s) :

You made more than 300 upvotes. Your next target is to reach 400 upvotes.

Click here to view your Board of Honor
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do not miss the last post from @steemitboard:

SteemFest3 and SteemitBoard - Meet the Steemians Contest

Support SteemitBoard's project! Vote for its witness and get one more award!

Congratulations @leysonrye! You have completed the following achievement on the Steem blockchain and have been rewarded with new badge(s) :

You got your First payout

Click here to view your Board of Honor
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do not miss the last post from @steemitboard:

SteemFest3 and SteemitBoard - Meet the Steemians Contest

Support SteemitBoard's project! Vote for its witness and get one more award!

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 62915.59
ETH 2542.92
USDT 1.00
SBD 2.63