TULA : Mukha ng Kahirapan

in #poetry5 years ago (edited)

BgxWBRxjvNhnbM9DiyHtCptYaDNF3xx85r8if8spuMjfmbFwaBDni8SyaH7gwnPBKkoZida6eKEzZGaJz1UhaBkfCKTb6gcYLdQnSUekBB8TNtkAympZR2Pbc9Ciya74DrHPF6qhwmaLaTY5Pr1S82FH2sE6neziuDrTKgsB1CM7UCE.png


Araw araw ikaw ay tinatalakay
Minsan sa labas o loob ng bahay
Na para bang itoy parte na ng buhay
Di namamalayan ikay sumasalakay


Anu nga ba itong aking tinutukoy
Huwag na tayong magpaligoy ligoy
Katumbas ito ng yong mga panaghoy
Sa kabila nitoy kailangang magpatuloy


Bakit nga ba mayroong kahirapan
Maraming taong nakikipagsapalaran
Minsan hindi mapalad ang kapalaran
Ang paghihikahos walang hangganan


Anu nga ba ang tunay na dahilan
Kung bakit may taong nahihirapan
Ito ba ay dahil sa kanyang katamaran?
O sadyang siyay napapagsamantalahan


Ika nga nilay buhay ay di perpekto
Minsan ikay talo , minsan ikay panalo
Pero dapat tandaan huwag manloloko
Maging mabait ang maging totoong tao


Marahil tayoy may ibat ibang opinyon
Mayroong kokontra at may sasang ayon
Anupaman sa buhay ang yong pagdadaanan
DIYOS ay nariyan yan ang lage mong tandaan




ORIHINAL NA LIKHA

NI

Sort:  

Hang ganda! Dama ko nilarawan mo...

Posted using Partiko Android

salamat sa appreciation ate . miss kita sa up-gage hahaha. kaso overqualified ka na

Nasa kamay mo ang pagbabago. Ahon! Bangon! Kabayan. 😊

Galing mo talga magtagalog. Nagtuturo ka ba ng tagalog?

nyahahha. thanks kabayan, wit ako nagtuturo , housewife lang peg ko. siguro pag poem lang talaga nagana utak ko hahaha. medyoedyo hehe. pero tipong translate ko english to tagalog nosebleed , mas madali tagalog to english hahaha

Muntik na akong napaluha buti nalang napigil ko pa.😊

Posted using Partiko Android

hahaha. nadala ka ba ng emosyon hahaha.

Thanks for using eSteem!
Your post has been voted as a part of eSteem encouragement program. Keep up the good work! Install Android, iOS Mobile app or Windows, Mac, Linux Surfer app, if you haven't already!
Learn more: https://esteem.app
Join our discord: https://discord.gg/8eHupPq

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63688.35
ETH 3125.30
USDT 1.00
SBD 3.97