Poetry #4 - Kumusta Ka Kaibigan?

in #poetry7 years ago (edited)


Source

Kumusta Ka Kaibigan?



Hindi kayang bigkasin ng mga labi ko

Kaya sa tula ko na lang idadaan

Bawat titik nito'y totoo

Yan palagi'y iyong pagkatandaan



Hindi ko na patatagalin pa

Mensahe koy akin nang sisimulan

Kaya ikay maghanda na

Buksan ang puso at isipan



Kumusta ka kaibigan?

Ibig ko lang naman mabatid

Di ka siguro makasagot

Sa simpleng tanong na aki'y inihatid



Pero huwag kang mag-alala

Di naman ako nangangagat

Tanging gusto ko lang sana

Masagot mo lang, iyon na'y sapat



"Okay lang naman",

yan siguro'y sagot mo

Okay ba talaga yan

Yan kasi noon ang sagot ko



Baka kasi ika'y kasali sa tinatawag nila na statistika

Statistika ng mga taong mapagkubli

Sa harapan ng madaming tao'y grabi makatawa

Pero ibang iba pala sa huli



Kaya gusto ko sanang tanungin ulit ito sa'yo

Sana'y ikay maging tapat

Kumusta ka ba talaga kaibigan ko?

Huwag mong ikahiya yan sa lahat



Baka naman kasi ika'y natatakot

O sadyang di ka lang makasagot

Kasi kahit na ika'y nalulungkot

Di parin kita sa ganda ng maskara mong suot



Ikaw siguro ay nagtataka

Ba't ba gustong gusto kong malaman

Ako kasi dya'y nanggaling na

Ni ayaw ko sanang pag usapan



Pero sa sarili ko'y napagtanto

Bakit di ibahagi itong dalang kasagutan

Kasagutang nagbigay tono

Sa buhay kong ang hirap solusyonan



Alam mo na siguro kung ano

Pero hindi mo lang siguro pinapansin

Wala iba kundi si Kristo

Ayaw mo man, Kasaguta'y Siya parin.

Other Poetry Work:

Poetry #1: Labimpitong Taon!
Poetry #2: Am I Doing it Right?
Poetry #3: Satisfying the Unsatisfied


Markaparre.png

Sort:  

Your Post Has Been Featured on @Resteemable!
Feature any Steemit post using resteemit.com!
How It Works:
1. Take Any Steemit URL
2. Erase https://
3. Type re
Get Featured Instantly – Featured Posts are voted every 2.4hrs
Join the Curation Team Here | Vote Resteemable for Witness

Superb message @markaparre.... As I read your poem is seems that it is talking to all the people who felt sadness in life. You have a good way of telling stories through your poem.

I am also fond of making poem and I have posted some of my poem written in tagalog and english in my account. Feel free to visit.

Upvoted and followed!

Keep steeming!

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 76383.30
ETH 3039.98
USDT 1.00
SBD 2.62