"Kinabukasan" : An Original Filipino Poetry

in #poetry6 years ago

Magandang umaga Steemians! Nais ko lang gumawa ng aking sariling katha. Kathang layuning mapaglinang at nais maging dalubhasa sa larangan ng tula.

Kinabukasan.png



Susulitin ko na ang araw na ito,
Ang araw na ika'y nasa piling ko.
Baka kasi bukas wala ka na,"
Baka nasa piling kana ng iba.

Mahal na mahal kita aking sinta,
Kahit ika'y sobrang nagbago na.
Dati rati tayo'y sobrang saya,
Ngunit ngayon nagbago ang ihip bigla


Anuman ang mangyari sa "Kinabukasan",
Iyon ay hinding-hindi ko matatakasan.
Kaya ngayon ibubuhos ko na ang lahat,
Lahat ng meron ako kahit hindi sapat.


Dahil bukas baka wala na akong makita pa,
Baka sa paggising wala ng mahagilap na.
Kaya ako'y di na magpaligoy-ligoy pa,
Ibubuhos ko na ang lahat aking sinta.


Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)

Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.

Sasusunod Uli. Maraming Salamat!

@jassennessaj

Sort:  

Thanks for using eSteem!
Your post has been voted as a part of eSteem encouragement program. Keep up the good work! Install Android, iOS Mobile app or Windows, Mac, Linux Surfer app, if you haven't already!
Learn more: https://esteem.app
Join our discord: https://discord.gg/8eHupPq

Congratulation @jassennessaj! Your post has been recently featured on Myach's Daily Pick Series!

Have a nice day and STEEM to the moon!

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 62907.73
ETH 2531.30
USDT 1.00
SBD 2.62