Para sa Pera Unang Bahagi.

in #pilipinas6 years ago

"Tropa! Ikaw na ang bahala diyan sa kabilang kotse, medyo abala ako sa pag ka carwash nitong kay Ginang Repollo" Malakas na sigaw ni Wilmer kay Lawrence na sa ngayon ay tinatapos ang kaniyang pagkain ng tanghalian.

"Sige Par! Maghinaw lang ako ng kaunti at umpisahan ko na iyan" yan ang kaniyang tugon.


Pinagkunan ng larawan

Maraming kustomer ang "carwash shop" na pinagtatrabahuhan ng dalawang binata ng araw na iyon kaya't tuwang-tuwa sila. Bagama't pagod pinagbuti nila ang pag seserbisyo, kanilang inisip na dapat masiyahan ang kanilang kliyente para sila ay umulit. Natapos ang nakakapagod na araw at ito na ang kanilang pinaka hihintay na sandali, ang pag-uwi at pagkuha ng kanilang kinita sa araw na iyon.

Pumasok sila sa opisina ni Ginoong Bolivar na sa mga sandaling iyon ay tuwang-tuwang binibilang ang kanilang kita. Mababanaag sa kaniyang mukha na malaki ang pumasok na pera ngayon, kumpara noong mga nakaraang araw. Hinanay niya ang mga pera ayon sa halaga, mula isang libong papel hanggang sa bente pesos. Ang mga barya ay naka kalat pa sa kaniyang mesa at parang hindi pa siya tapos magbilang.

Lumunok ng laway si Lawrence at inayos ang kanyang lalamunan, siguro naman ay ayos na siyang abalahin ngayon. Madalas silang bulyawan ng matandang negosyante sa tuwing sila ay papasok at hihingi na ng sahod para sa araw na nagdaan. Sana ay iba ang araw ngayon dahil pumatok ang kanilang serbisyo.

"Ah.. Ginoong Bolivar, kukunin na po namin ang aming sahod ngayong araw" wika ng binata

Sa mga tig bebente, kumuha ang matanda, binilang at ng may hawak na siyang bente piraso ng tig be-bente pesos ay agad niya itong inabot kay Wilmer at sinabing...

"Mahusay ang inyong trabaho, pag-igihan nyo pa bukas para makarami. Ito ang dalawang daang piso para sa iyo at para kay Lawrence. Pumasok kayo bukas ng maaga at baka may mga bago kayong kliyente na seserbisyuhan"

Tinanggap ng binata ang halagang inabot ng matanda, ngunit si Wilmer ay nagtataka, kung bakit gayon nalang ang kanilang sinahod, sinabihan siya ni Ginang Repollo na nagdagdag siya ng tip na isang daang piso para sa kaniyang ginawa.

"Boss, parang may mali ata sa pasahod ngayon. Sabi ni Ginang Repollo, ay mayroon daw siyang ibinigay na tip para sa akin dahil sa aking maayos na trabaho" ani ni Wilmer

"Oo meron nga pero dahil sa wala naman kayong ginawa noong mga nakaraang araw ay kinuha ko ang tip na iyon. Lugi ako sa pagpapasahod sa inyo panay kayo nakatambay lang"

Wala ng nagawa ang binata kundi tanggapin ang pasahod ng swapang na amo. Masama ang loob niya, ngunit wala na siyang magagawa amo niya si Ginoong Bolivar at siya ay isang car wash boy lang. Padabog niyang nilisan ang munting silid. Ang matanda naman ay nag-umpisa ulit sa pagbibilang ng kinita, inamoy amoy ang mga perang papel na parang si Mr. Krabbs ng Spongebob Squarepants at tumawa ng malakas.


Pinagkunan ng larawan


Ang tatay ang haligi ng tahanan, siya ang nagiging kalakasan ng pamilya at sinasabing tagapagtaguyod nito. Ang kwentong ito ay mula muli sa malikot na pag-iisip ni @tpkidkai at anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay pawang nagkataon lamang.

Literal na lusaw ako habang sinusulat ko ito, at isang mabilisang update lang muna medyo abala talaga. hindi ko alam kung gagawin ko itong isang linggong serye o mga dalawa o tatlong araw lang.


Pinagkunan ng larawan

Sort:  

Hey, just wanted to let you know I gave you an upvote because I appreciate your content! =D See you around

Hey there! You were featured on the #96th edition of steemitfamilyph's featured posts. Congratulations!

Isang kaabang-abang po na panimula ito ginoong @tpkidkai. Palagian pong nakakaaliw ang iyong mga akda, lalo po ang mga minsan nyong pakwelang bitaw. Ngayo'y di ko alam kung dramahan ba o lokohan ang aabutin ng kwentong ito hahaha.

Si Junjun po ito ng @tagalogtrail, nagliwaliw po ang makulit na bata kaya naman po't maagang nakatulog si Toto. Salamat din po sa pakikigulo sa aming "discord channel". Sa mga manunulat ng wikang Filipino na gustong sumali, eto po ang imbitasyon https://discord.gg/DjrySR5

Nako Junjun hanggang ngayon nag-iisip parin ako kung drama ito. Basta ang sigurado ako hindi ito love story hahaha. Lutang pa ako sa mga pinagsusulat ko ngayon.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.12
JST 0.028
BTC 64275.63
ETH 3502.79
USDT 1.00
SBD 2.51