Mga Alaala (an Original Filipino Poetry)steemCreated with Sketch.

in #pilipinas6 years ago


APDC0990.JPG

MGA ALAALA



Naaalala mo pa ba ang una nating pagkikita?
Ang araw na kailanma'y di malilimutan sa tuwina
Tinawag mo ang aking pansin kasabay ng 'yong mga ngiti
Puso ko'y napatalon; di mapigilang tumili

Naaalala mo pa ba ang unang beses tayong lumabas?
Punong-puno ng tuwa; tawa nati'y napakalakas
Kahit kasama natin ang barkada ay binigyan mo ng halaga
Ang isang "ako" na nahuhumaling sa'yo tuwina

Naaalala mo pa ba ang mga simpleng araw
Na walang ginawa si "ako" at si "ikaw"
Ngunit ating nababanaag ang hinaharap
Na tayo'y puno ng ngiting pagkasarap-sarap

Naaalala mo pa ba ang una nating tampuhan?
Akala ko talaga yun na ang katapusan
Ngunit ang isa't-isa'y di natin sinukuan
Kaya bagong pahina ng buhay, ating sinimulan

Naaalala mo pa ba nung kailangan na nating magpaalam
Mga luha sa mata mo'y pumatak at walang agam-agam
Aking napagtanto sa kaibuturan ng aking puso
Ayaw kitang mawala; ako'y kakapit hanggang sa dulo

Naaalala mo pa ba ang mga pangakong binitawan?
Na kailanman ay walang mang-iiwan
Na kahit nasa malayo, tayo ay konektado
Konektado ng pangakong kailanma'y di mapapako

Ang mga alaalang ito ay mananatili
Kahit anong landas man ang ating mapili
Umaasang ikaw at ako ay muling magtatagpo
Upang tuparin ang ating mga pangako


@tegoshei




This Filipino poetry piece is actually a translation of my English poem called "Memories". If you wish to read the English version, you ma CLICK HERE. This isn't a word for word translation, but I tried to stick to its original meaning as much as possible. I just wanted my poetry piece to rhyme. hahaha...

I hope you like this piece!!! <3 Have a great day~!!!! ^o^

Sort:  

You got a 3.11% upvote from @upme thanks to @jhunalvarado! Send at least 3 SBD or 3 STEEM to get upvote for next round. Delegate STEEM POWER and start earning 100% daily payouts ( no commission ).

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64359.90
ETH 3105.50
USDT 1.00
SBD 3.87