Penitensya : A Filipino Short Story in Prose

in #philippines6 years ago




Buo na ang loob niya. Isang matinding buntong hininga ang pinakawalan at mariin siyang pumikit para indahin ang sakit na mararamdaman. Magkakasunod na ulos ng martilyo sa matalas na kalahating dangkal na pako. Bawat baon ng pako sa kanyang palad ay nagpapaalala sa kanya ng mga nagawang kasalanan.


"Blag!"

Isang pukpok pa lamang ngunit ramdam na niya ang hapdi at kirot na parang kumakalikaw sa kaibuturan niya. Katulad na lang ng kirot na nadama nang masampal sa magkabilang pisngi. Tadyak at bugbog. Hampas at batok. Gulpi de gulat na inabot niya sa taumbayan nang mahabol siya sa pagtakbo at mahuli. Kinuyog siya habang nakabulagta sa kalsada. Tinangay niya ang hikaw mula sa tenga ng isang babaeng pasahero sa jeep. Habang nakasabit pa sa tenga, hinablot na lang niya basta. Kumikinang sa liwanag. Jackpot! Malaking halaga ang katumbas nito kapag naisangla niya. Mapapagamot na niya ang anak na nakaratay sa ospital. Mataas ang lagnat ng anak nito dulot ng dengue. Wala na siyang maisip na paraan para makabayad sa panggastos at matustusan pa ang mga gamot nito.
Kumaripas siya ng takbo. Makailang beses na siyang muntik matalisod dahil sa kakamadali. Sumisigaw ang babaeng duguan pa ang tenga. "Snatcher! Magnanakaw! Habulin nyo!" Na-korner siya sa eskinitang nilusutan. Wala na siyang kawala. Pumikit na lang siya habang tinatanggap ang mabibigat na kamaong dumudurog sa kanyang mga kalamnan.

"Blag!" "Bla~gag!

Sinikmuraan siya ng pulis na dumampot sa kanya. "Punyetang 'to! Nahuli na nga, ayaw pa ibalik ung ninakaw." Nagmamatigas siya. "Leche ka! Iluluwa mo ung hikaw o pasasabugin ko bunganga mo gamit 'tong kwarenta 'y singko?!" Nilulon niya ang hikaw na hinablot kanina. Ayaw niyang isuko ang sarili. Kailangan niya ng mapagkukunan ng pera. Kailangan niya makabayad sa gastusin sa ospital. Kailangan niya maibili ng gamot ang anak na nakaratay. Bahala na! Makulong na kung makulong. Dadalawin ako sa bilangguan ng aking asawa tapos iaabot ko na lamang ang hikaw matapos ko itong maidumi, naglalaro sa isip niya habang nakayukong kinakausap ng pulis. Nagmamatigas pa rin siya. Pinipilit niya na nabitawan niya kanina ang hikaw habang nananakbo.
"Boss, hindi na daw magsasampa ng kaso ung babae. Sapat na daw ung gulpi na naganap. Isa pa, peke naman daw ung natangay sa kanya." pabulong na sabi ng dumating na pulis.
"Totoy, maswerte ka pa rin. Sige na, lumayas ka na sa harapan ko, baka samain ka pa sa akin!"
Agad siyang lumayo sa istasyon ng pulis. Dali-daling umuwi sa bahay at uminom ng madaming tubig. Ngumata ng mani, sangkaterba. Sabay inom ng tubig. Kalahating oras ang lumipas at nailabas na niya ang hikaw na kanina pang lumulutang sa sikmura kasama ng mga nakain niya. Agad siyang nagpunta sa pinakamalapit na sanglaan. Ipinakita ang hikaw. Ininspeksyon ng may-ari. Peke. Laking gulat niya na ang natangay pala ay walang katumbas na halaga. Bagsak ang balikat na naglakad siya pauwi. Himas himas ang pasa at sugat niya. Hinihilot ang sikmura na lugmok dahil sa bugbog na tiniis. Nahiga siya sa kama pagdating na pagdating niya. Nakatulog agad siya dala na rin ng matinding kalbaryo.

"Blag!" "Blag!" "Bla~gag!"

Mabibigat na kalabog mula sa kahoy na pinto ang gumising sa kanya. Agad na binuksan at inalam kung sino ang kumakatok. Kumpare niya, humahangos. Hingal kabayo pa ito nang magbalita sa kanya.
"Pre, si Ana... wala na siya... wala na si Ana!"

"Bog!" "Bog!" "Bog!"

Tatlong magkakasunod na suntok ang pinakawalan niya sa kahoy na pintuan. Tatlong suntok na halos dumurog sa kamao niya. Hindi niya matanggap. Ang anak na pinakatangi sa kanya. Ang anak na pinaglaanan niya ng buhay. Wala na ito. Tanging hikbi na lamang niya ang maririnig mula sa tahimik na kalaliman ng gabi. Aandap-andap pa ang liwanag mula sa kalapit na poste. Sinasabayan ang pananangis niya. Pakiramdam niya pinaglaruan siya ng tadhana. Ang pagkakaugbog sa kanya mula sa pekeng alahas, ang kawalan niya ng pagkakakitaan, ang pagkamatay ng anak niya. Pakiwari niya pinarurusahan siya ng Diyos dahil sa mga kasalanang nagawa. Magdamag niyang ginugunita ang nagdaang taon ng kanyang nakalipas. Kung paanong natanggal siya sa trabaho dahil nagsara ang kumpanyang pinapasukan. Kung anong hirap niya na makahanap muli ng trabaho dahil elementarya lang ang tinapos niya. Kung paanong nasikmura na sumama-sama sa kapitbahay niyang tirador ng sidemirror ng mga sasakyan. Inuusig siya ng kanyang kunsensya. Parusa nga sa kanya ang lahat ng nangyari. Parusa nga na maituturing. At ang kabayaran sa mga kasalanan niya, ang anak na pinakamamahal.

"Pok!" "Pok!" "Pok!" "Pok!"

Bumaon na ang ikatlo at huling pako sa kanyang paanan. Iaangat na siya mula sa lupa. Ibabandera ang kahubdan niya habang nakapako sa krus. Bilad mula sa matinding sikat ng araw ang mararanasan niya. Ang hapdi ng palad mula sa mga nakabaong pako na lalo pang humahapdi dahil sa kirot ng paggunita sa namatay na anak. Pero aniya, huli na ito. Mahuhugasan na ang kanyang mga kasalanan. Pagkatapos nito, makakapag-bagong buhay na siya. Magsisimula siyang muli. Pinapaniwala niya ang sarili na ang sakripisyo niyang ito ang magpapawala sa bigat ng mga nagawa niya. Dumaloy ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata. Humilamos sa kanyang pisngi. Umiiyak siya. Pero hindi na siya nalulungkot. Nagagalak siya. Umiiyak siya sa kagalakan. Buo ang kanyang pasya na sumailalim sa ganitong sakripisyo upang mahugasan ang mga kasalanan. Panibagong pag-asa. Panibagong buhay. Panibagong pagkatao na lilikhain sa kanyang pagbabalik-loob. At kanyang nasambit...

"Panginoon, patawarin po ninyo ako sa aking mga kasalanan!" at hinimatay na siya.






Penitensya also called penitence or penance is an act of remorse showing repentance from guilt of their sins. It is practiced during holy week here in the Philippines depicting the life of Jesus Christ and representation of his sacrifices. Devotees seeking for atonement of their sins voluntarily submit themselves to be nailed in the cross they carry while walking and parading themselves. Both hands were pierced by iron rustproof nails and letting themselves hanging on the cross. Others practices include flagellation. Whipping their backs with bamboo strapped metal-ends. Applying some water to bleed more and soften their skin as to let the blood flow freely. Despite the condemnation of flagellation by the Catholic church, many of its devout still practice this extreme form of self mortification every Good Friday.

Sort:  
  1. No hell. Our species to die. Forend. images (11).jpeg

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by jampol from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Salamat @johnpd sa pag tag sa akin. Kahapon ko lang na ayos si Ginabot kaya di ako masyadong nakaka check ng mga tags.


Lubos kong nagustuhan ang kwentong ito, tamang tama ang timpla nya gaya, kung paano ang karakter ay nakaranas ng isang malaking kamalasan. Habang binabasa ko sya naramdaman ko ang lungkot at pighati nung mismong karakter.


Naluha ako dahil sa sobrang ganda nitong piyesa at kaunti lang ang nakakabasa. Sa hinaharap kung papalarin baka magkaroon din ako ng account sa Facebook para naman ma showcase din ang mga ganitong likha.

Salamat muli sa paglikha ng Tagalog at nawa'y di ka magsawa sa pagku kwento :)

sana patuloy pang mapansin at maikalat ang magagandang akda. at sa tulong mo @tagalogtrail nabibigyan ng halaga at pag-asa ang mga katulad namin na baguhan pa lamang. salamat ulit. mabuhay ang iyong mga adhika. 😊

Wala pong anuman 😊 nga po pala kakagawa ko lang ng FB page. Pwede ko po bang gamitin ang post niyo para ilagay sa FB page ko? Yung naunang gawa niyo na Ama : A Filipino Short Story in Prose at ito din pong bago?

Salamat po :)

opo. isang karangalan po para sa akin ang mapabilang sa mga isinasama mong koleksyon ng mga akda. salamat po ulit @tagalogtrail 😊

sobrang ganda and sarap basahin ng article na to @johnpd, you almost there kailangan mo nalang ng crowd :D

maraming salamat sa walang sawang suporta. kapag nakakalap ako ng madami pang followers, marahil dumami pa ang mga akda ko na maiikling kwento.

Ang ganda ng pagkaka-twist ng kwento, kumbaga sa pagkain ay tamang timpla ng pinaghalong alat at tamis.

Sayang di ako umabot sa contest ni @tagalogtrail para dito. Tsk pero this one's really good! Plus the fact that na dinala lang ako dito ng post ni @rodylina ang gagaling nyong gumawa.

Can't resteem this post anymore tsk. Wala na yung button for resteeming.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.13
JST 0.027
BTC 58664.80
ETH 2569.75
USDT 1.00
SBD 2.42