Ikalawang Edisyon ni Tagalog Trail

in #pilipinas6 years ago

Bagong araw at bagong mga Tagalog araw muli! Maraming salamat sa mga nagsusulat ng Tagalog sa steemit! Yehey bagama't maliit lamang ang aking halaga o ang halaga ng aking upvote ako ay lubos na nasisiyahan sa inyong mga likha.

Ngayong araw narito ang mga akda na aking nakita na sadyang nagbigay saya sa aking adhika.



Literaturang Filipino : Ang Paglalakbay ni Pedrong Pagong

Ang likhang kwento ni @thonnavares para sa patimpalak ng @steemph.cebu isang piyesa na nagsasaad na minsan hindi mo na kailangan maglakbay sa malayong lugar upang makita ang iyong inaasam. Maaring nandito lamang, dagdagan ng sipag at tiyaga isama narin ang pananalig sa sarili at ikaw ay siyang magtatagumpay din sa huli.



Tula para kay SBD

Masyadong na antig ang aking puso sa tulang ito para kay SBD. Kahit ako man din ay naiiyak sa kaniyang halaga sa ngayon nawa'y tumaas pa siya. Mas mataas pa sa pangarap ko at sa pangarap ng aking mga magulang.



Simpleng buhay / TULA

Ang tulang simpleng buhay ni @athenabree08 ay lubhang maganda dahil sa ipinapakita nito ang mayroon sa payak na pamumuhay. Kung ikukumpara sa ngayon na kung saan ako naisilang tanging gadgets at tablets na ang aking kailangan.



Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib - Unang Bahagi (Nobela)

Hindi lamang tula ang ginagawa ni @xorexman ngayon naman ay mayroon siyang nobelang isinulat sa Tagalog. Subaybayan natin ang kwento ni Juanito at alamin nating sabay-sabay kung mapapa sagot nya ba ng Oo ang kanyang sinisinta o siya ay titiklop at nga nga nga. Buti nalang si Tatay hindi torpe nako kung nagkataon malamang wala ako dito!



"Lihim na Pagtingin"

Sinimulan ni @xorexman at ngayon naman ay ipapatuloy ni @ortorres1123 ang pagiging torpe. Basahin ang tula nyang nagsasaad sa lihim na pag-tingin.

Maraming salamat sa pagbabasa ng aking munting lathala. Para mas madali kong makita ang inyong likha mangyari lamang na gumamit ng mga tags na #tula, #pilipinas, #kwento, #literaturang-filipino o kung mayroon kayong link o kahit hindi sa inyo na nakita nyong likhang Tagalog. Maliban sa kontribusyon sa utopian mangyari lamang po na i komento nyo po ang link sa post na ito.

Muli ako po si Toto, isang alagad ng wikang Tagalog na nagpapasalamat sa inyong panahon at subaybayan nyo po ang aking mga susunod na edisyon ng Tagalog Trail.


Nagpapasalamat din po ako sa @steemph.davao dahil ang ibang likha nila ay nasa Tagalog din pag nagkaroon ako ng iba pang "Voting Power" ayan ay aking i a upvote para pang suporta sa inyong adhikain.

Sort:  

SALamat po sa pag feature 😊

Wala pong anuman! Maraming salamat sa pag gamit ng Tagalog sa Steemit 😍

Maraming salamat po sa pag feature sa aking gawa :)

Wala pong anuman! Patuloy lang po tayo na mag sulat ng mga likhang Tagalog makaka asa po kayong may suporta kayo mula sa akin.

Salamat sa pag sali ng tula ko :)

Wala pong anuman 😉

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 67467.65
ETH 3470.01
USDT 1.00
SBD 2.71