Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib - Unag Bahagi (Nobela)

in #kwento7 years ago (edited)

Unang Bahagi

Tulak ng bibig, kabig ng dibdib, ito'y kasabihang aking nabatid, lalalala." Isang napakagandang tinig na nagmumula sa unahan ang aking nadinig. Mula sa init ng panahon at sa pagod ng aking pamamasada ng aking motorsiklo ay bigla kong naramdaman na para bang hinihila ako papunta sa isang napakagandang tinig.

Pinaandar ko ang aking motorsiklo at dahan- dahang pinapatakbo. Nang ako ay makarating sa paroronan ng isang mala- dyosang tinig ay agad akong napatulala...

"lalalalalala" I sang dalaga na napakaamo ng mukha ang aking nakita. Kasalukuyan itong nagsasampay ng mga damit na kanyang nilalabhan. Sa napakainit na panahon, ay kitang- kita mo na hindi siya takot na masunog ang kanyang balat. Napaka puti nito. Napakaganda ng korte ng kanyang mukha, ang kanyang mga mata ay napakaamo na para bang pag makikita mo siya ay mabibighani ang lahat. Ang kanyang magandang itim na kulot na buhok ay bumagay sa kanyang mukha. Medyo may katangkaran rin ito.

"Juanito! oh, nariyan ka pala! Kanina ka pa ba???" Hoy! Juanito???" aniya ng babae, habang kinakaway -kaway ang kanyang mga kamay na halos malapit na sa mukha ng lalaki.

Bigla akong nagulat! Hindi ko napansin na nariyan na pala siya sa aking harapan. Kinabahan akong bigla, at di ko malaman kung ano ang aking sasabihin.

"Ah ano kasi, ahhhh sige Carmella alis na ako" yan na lamang ang nasambit ko at agad na pinatakbo ang aking motorsiklo.

"Hay, naku si Juanito talaga! Minsan di ko maintindihan, gagawi dito sa bahay di naman makausap! Ano ba problema nun!" Umalis muli si Carmella at nag patuloy sa kanyang ginagawa.

Si Carmella, isa sa pinakamagandang dilag sa kanilang nayon. Laging nanalo sa paligsahan ng pagandahan. Napakaamo ng mukha at napakabait pa. Napakasimple lang ng pamumuhay ng kanilang pamilya. Isang kapitan ng kanilang barangay ang kanyang ama, samantalang ang kanyang ina naman ay mabuting may bahay. Sa tuwing may humihihingi ng tulong ay sa kanila ang takbuhan ng kanilang mga kanayon. Magiliw naman nilang tinatanggap ang lahat ng pumupunta sa kanila. Kung ano ang kanilang kayang maitulong ay nagbibigay sila.

Nag-iisang anak lamang si Carmella at kasalukuyang nag - aaral sa kolehiyo. Isang taon na lamang at magtatapos na siya sa kanyang kursong Edukasyon. Gusto niya maging isang titser dahil gusto niyang turuan ang mga bata sa kanilang nayon na makagpag basa, at makapag- sulat na walang kakayahang makapag- aral dahil sa kahirapan ng buhay.

Samantala....

Di namalayan ni Juanito na nakarating na pala siya sa kanilang bahay. Sa sobrang pagkabighani niya sa dalaga ay palage niya nalang itong tinatakbuhan.

"Naku naman Juanito! napaatras ka nanaman! Kailan ka pa ba magkakaroon ng lakas ng loob na sabihin sa kanya ang nararamdaman mo?" Sambit na lamang ni Juanito sa kanyang sarili.

Abangan ang ikalawang bahagi ng Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib.

Ipagpaumanhin niyo po ang aking nalikhang kwento, sapagkat ako po ay kasalukuyang ineensayo ang aking talento sa pagsusulat. Ako po ay baguhan at lubos ko pong ikakagalak ang inyong mga komento upang mahasa ang aking pagsusulat.
Gayunpaman, maraming salamat sa inyong pagbabasa. Nawa ay kahit papano ay matutuwa kayo.

Ang litrato ay galing sa: Pixabay

28058695_1938802442797169_8994975818706150523_n.jpg

Sort:  

Grabe @xorexman iba ka na ngayon! May pa series ka na din! Ang galing!


I nominated your post to 61st @steemitfamilyph daily featured post. All the best!

aha..slamt @tpkidkai ehe..nainspire lang talaga ako sayo..alam mo yon.. iba ang dala ng steemit sa buhay ko ehe..

This post has received a 0.08 % upvote from @drotto thanks to: @banjo.

The struggles of a torpe guy :D Hahah

Torpe ka Juanito! Torpe ka! Kaya mo yan lakasan mo lang ang iyong loob!
Ang galing nito pagpatuloy mo ang kwento @xorexman

Salamat sa paglikha ng akda sa Tagalog pagdamutan mo nalang ang aking munting upvote, resteem at pag feature sa iyong gawa sa aking arawang "curation"

Sulat ka pa ng mga Tagalog na likha! dadami din tayo dito sa Steemit.

Para makita pa ang ibang likha na tagalog maari mong tignan ang
Ikalawang Edisyon ni Tagalog Trail

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.17
JST 0.028
BTC 68746.72
ETH 2456.17
USDT 1.00
SBD 2.43