Ika Animnapu't na Edisyon ng Tagalog Trail
Kamusta mga Katropa!
Ako po si Junjun ng @tagalogtrail na pansamantalang maghahatid sa inyo ng mga akda na aming naibigan sa araw na ito. May date lang po ata si @lingling-ph ngayon kaya ako po muna ang totoka ngaung Miyerkules at Huwebes.
Ngayong araw, narito ang mga akdang aming naibigan at nais naming ibahagi sa inyo
He loves me no more. Pinnay Ang Ikalawang Bahagi
Kaya naman bansag sakin nila @toto-ph at @lingling-ph ay hugotero, kasi naman ay hulog na hulog ako sa mga akdang malalim ang hugot 😅. Gustong-gusto ko itong gawa ni ate @ristinay. Naging matagal man ang karugtong ay sulit naman sa hintay dahil panalo talaga sa emosyon. Heartbreak is real 💔
FILIPINO FICTION: UNANG KATAUHAN NI IAN PAUL. IKALAWANG BAHAGI
May napapansin ako sa ating mga manunulat sa tambayan. Bakit parang marami na ang papunta sa #teamMabusisi 😂. Isa na po dyan si kuya @twotripleow. Ang pulido po ng umaatikabong kwentong ito, pero syempre di pa rin mawawala ang mga nakaka-aliw na hirit na markang 2k. Winner ang kwentong ito.
Ano ba ang batas ng Pag ibig at Paghihiwalay?
Isang nakakagulong tanong ang ibinagsak ni ate @reginecruz. Malayo man sa isip ko ang paksa (eh, single pa kasi 😆), pero dama ko ang bigat nito. Nakakabighani ang kanyang pagkakalarawan sa emosyon. At higit sa lahat, panalo po ang payo sa huli.
TULA (POETRY #18) PAGTANGKILIK NG MADLA (Hango sa totoong buhay(obserbasyon))
Ang sigaw ng sambayanan - "guitly!". Huling-huli nga kami @tinkerrose, wala pong lusot 😂 Pero medyo nagbagong-buhay na po ako ngayong parating na kolehiyo na. Bawas na po ang DOTA, atbp. Nakakrelate na lang po ako sa palagiang pag-Spotify, syempre ang playlist ay #hugot.
Tatlong daan at apatnapu't dalawang pisong dangal mula sa bangketa
Nagpasiklab po si lodi @johnpd sa bago nyang akda. Grabe, napagulong po talaga ako nang mabasa ko ito kanina. Ang lakas po at ang ganda ng mensahe. Nakakalungkot 😢 Pero nabusog naman ang aking diwa sa kanyang obra.
Siksik po ang ating edisyon ngayong araw. Marami po tayong naitampok na mga akda. Patunay po iyan na maraming manunulat na po sa Steemit ang mas tumatangkilik sa ating wika. Ang cool lang po talaga 😎.
Kung naghahanap ka ng matatambayan sa discord na kung saan naguusap-usap ukol sa paglikha ng Tagalog na akda sa steemit.com maari mo kaming bisitahin sa Tropa ni Toto.
Maliban sa tula at kwento nakasuporta at naka-antabay din ang @tagalogtrail sa mga akdang nasa kategoryang sining, kanta atbp.
Get your post resteemed to 72,000 followers. Go here https://steemit.com/@a-a-a
Ay salamat Jun-Jun, pero siguro ganoon talaga hindi ko talaga kaya sumulat kapag sobrang seryoso haha.
Pawer. Trademark nyo na po yan kuya 2K at talaga namang inaabangan na ng inyong mga fans gaya naming curators ng #tagalogtrail 😊
Salamat sa iyo Junjun.
Salamat din sa palagiang suporta! Ipupush din po namin ang mga akda sa edisyong ito sa @c-squared para sa karagdagang upvote at exposure.
Ito ay napakalaking bagay na iyong gagawin para sa akin. salamat talaga. Pagpalain ka Junjun.