Ano ba ang batas ng Pag ibig at Paghihiwalay?
Hindi ko inaasahan may lumapit sa akin na isang kaibigan , nagtatanong tungkol sa diborsyo (divorce) kung ito daw ba ay legal na sa ating bansa. Nagtaka ako bakit kaya sumagi sa isipan nya ang ganung katanungan, samantalang alam naman nya na wala pang ipinapasang batas tungkol dito.
Tinanong nya akong muli, kaibigan may sukatan ba ang pagmamahal ? Paano kung kailangan nang putulin ang isang sumpaan ng kayo ay pinagbigkis at hindi maaring paghiwalayin ninuman? Wala bang batas ng puso na pwedeng magsabi na hindi na kaya ? Na pwedeng huminto sa pagtibok ang puso at sabihing pagod na pagod na ako?
Nagitla ako sa mga salitang kanyang sinambit. Hindi ko sukat akalain na masasabi nya ang mga bagay na iyon? Ang tanong ko lang sa sarili ko kung bakit kaya ? Ano kaya ang nagyayari sa kanila?
Gusto kong buksan ang puso nya at basahin kung ano ang nasusulat duon? Kung kaya ko lang tanungin sa kanya sana ginawa ko na. Pero hindi sya ganung klase ng tao. Napakalihim nya , hindi nya kayang sambitin lahat ng nais nya. Naisip ko na kaya siguro ganun mga tanung nya marahil gusto na nyang bumitiw subalit hindi nya din makayanan? DAhil siguro alam nya sa puso nya na maaring sa ngayon pagod na pagod sya , pero bukas ay panibagong umaga , may bagong pag asa. Maaaring mabago ang takbo ng mundo , ang ngayon ay iba kaysa bukas.
Hanggat may liwanag tayo na nakikita , hindi natin kailangan mawalan ng pag asa... Yan lamang ang mga salitang nabigkas ko sa kanya matapos ang kanyang mga salita ...at sabay nag buntunghininga at para bang may malalim na inisip.
Marahil , bukas may sagot na sya sa kanyang mga katanungan....
Thanks for dropping by!!!
❤Regine❤
#steemph, #steemitpowerupph, #gratefulvibes, #steemph-bulacan, #steemitfamilyph
Please support @SURPASSINGGOOGLE as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.
Ang magandang akdang ito ay naitampok po namin sa arawang edisyon ng @tagalogtrail. Ang bigat ng tema pero nagustuhan ko po ang payo ninyo sa inyong kaibigan. Nandyan pa rin po ang happy ending.
salamat kaibigan @tagalogtrail, ...naniniwala ako na sila pa din ang makakapgdesisyon para sa kanilang relasyon, handa akong makinig para sa kanila...salamat muli sa pagtampok naw'y kapulutan ng aral.!!!mabuhay po kayo!!
Ano ang pipiliin...ituloy ang miserableng pagsasama or if abusado ang isa, sa ER sya pupulutin
or
hiwalayan na meron pang natitira na respeto sa isa't isa. Hinde sapat ang pag-ibig lang.
Respeto ang mas importante. Personally.
Tama po @immarojas, dapat may respeto pa din sila sa isa't isa , importante po yun na sangkap sa isang relasyon bukod sa tunay na pagmamahal. :)!!!
Mas malakas ang dating ng respeto, mawala man yan inlababo☺