Orihinal na Tula | Bukang-Liwayway Mula sa Durungawan

in #pilipinas7 years ago (edited)

Mala-bolang apoy na sinisilaban,
nagaalab pa lang at wala pang kulay.
Luntiang bukirin sa di kalayuan,
mga magsasaka'y puno na ng buhay.
Dumalagang manok ay humahalinghing,
tilaok ng tatyaw ay maririnig din.
Mula sa bintana ng aking silipin,
mga kapit-bahay nagbangunan na rin.

Dinaing na bangus at pritong itlog,
naamoy ko na; naway di masunog.
Sa bintana pa rin sulyap sa 'king irog,
maagang bumango't naglaba sa ilog.
Iba't ibang puno sanga'y kumakaway,
inaanyayahang ikaw ay sumabay.
Gising na, bangon na, sigla na't mabuhay;
sa bagong umaga ikaw di'y dumamay.

Hudyat ng simula mula sa Bathala,
may dalang ligaya at bagong pagasa.
Biyaya na naman ng buhay-probinsya,
puso at isipa'y punuin ng saya.

images-5.jpg
Image Source

steemitph logo 1.jpg

Sort:  

Naglalarawan ng isang payak na umaga sa probinsya. Tila naaamoy ko ang 'mainit na pandesal' mula sa naglalakong naka-bisikleta. Magandang umaga! @steemph

Ang galing ng tula, parang gusto ko na ng pritong bangus. :P @steemitph

Maganda talaga tanawin sa probinsya, sariwa hangin. :)

omg! ang ganda... keep it up :)

@OriginalWorks Mention Bot activated by @steemitph. The @OriginalWorks bot has determined this post by @steemitph to be original material and upvoted it!

OW2.gif

To call @OriginalWorks, simply reply to any post with @originalworks or !originalworks in your message!

For more information, Click Here!

This post recieved an upvote from minnowpond. If you would like to recieve upvotes from minnowpond on all your posts, simply FOLLOW @minnowpond Please consider upvoting this comment as this project is supported only by your upvotes!

This post recieved an upvote from minnowpond. If you would like to recieve upvotes from minnowpond on all your posts, simply FOLLOW @minnowpond Please consider upvoting this comment as this project is supported only by your upvotes!

Sarap talaga ng buhay probinsya.

ang galeng naman!
Buhay sa probinsya ay hindi mapapantayan:)
Simpleng buhay kahit walang ulam ay ok lang:)

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 69460.30
ETH 3372.77
USDT 1.00
SBD 2.74