Tama na ang Pagkukunwari, Panahon na para Magpakatotoo :-)

Ano nga ba ang nangyari sa ating dalawa?
Sa aking pagbabalik-tanaw sa nakaraan
Tayo'y masaya sa lahat ng ating ginawa
Maraming mga pagsubok ating nalagpasan.

Tandang-tanda ko pa, minsan tayo'y naglalakad
Magkahawak kamay at nagkadaupang palad
Kislap ng iyong mga mata'y nakakasilaw
Katapat nito'y sinag ng palubog na araw.

Nangungusap ang iyong mga buntung-hininga
At tinugon ko ito ng mga katanungan
Wala ka ni isa man lamang na kasagutan
Kaya't minabuti ko na lang na magpahinga.

Napakabilis ang paglipas ng mga taon
Simbilis ng pag-ikot ng kamay ng orasan
Ang iyong pagbabago'y hindi ko namalayan
Huli na ang lahat, wala ng pagkakataon.

Ang mga nagdaang araw akala ko'y tunay
Dahil pinaramdam mo na ako'y iyong mahal
Nilinlang ako ng pag-ibig mong hindi tunay
Kaya't pinilit kong ikaw ay di na mahalin.

Pakiusap ko, tama na ang pagkukunwari
Dahil panahon na para magpakatotoo.
Dapat tigilan na ating pagbabalat-kayo
Upang maiwasan ang masaktan ang sarili.

Dalangin ko sa Maykapal, na ako'y gabayan
Upang hindi na ako muling iyo'y masaktan
Sadyang ating buhay minsan ay matalinghaga
Kaya ang pag-ibig ay ating bigyang-halaga.

Tama na ang pagkukunwari,
Panahon na para magpakatotoo.

I am @sashley a.k.a. shirleynpenalosa, a recipient of God's love, mercy and grace. ❤️

Have a blessed Summer month of April 2018 everyone :-)❤️

I am forever grateful to God every day of my life for giving me everything that I need and praise Him all the more for not giving me everything I want. To God be all the honor, praise and glory ❤️ :-)

@surpassinggoogle is such a generous person and has a very big heart for all of us here. Please support him as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.


(Photo credits: from sir @surpassinggoogle's post footer)

If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

@paradise-found is a wonderful person, a very humble and generous encourager, let us also support him by voting and typing in "gratefulvibes" at the search box


(Photo credits: mam @sunnylife)

Other good witnesses to recommend:

@yabapmatt
@teamsteem
@bayanihan
@jerrybanfield
@hr1
@acidyo
@blocktrades
@curie
@cloh76.witness
@rcarter.witness
@reggaemuffin
@arcange

They need our support

Follow us on #gratefulvibes discord channel (positive and uplifting attitude)
https://discord.gg/7bvvJG


(logo created by @bloghound)

Sort:  

Tama na ang pagkukunwari,
Panahon na para magpakatotoo.

da koma bagak ngem bday met ngamin hahaha baka kontra pilo nak manen hehehe

Uy anya dijay sir? haha! Makichismis nak man lol!

hahaha haanen sir baka marurod kanyak hehehe

Magpakatotoo ka na,mahal mo pa rin sya???

Grabeh ka!!@mavicalipda
Ang harsh mo Naman santanong na yan.next question plizzz hehe

Wow kahanga hangang isang dakilang tula ng pag asa at pagmamahal. hinihikayat kita sumali sa pa poem(poetry) contest ni @margarethwise kaibigan. alam kung ikaw ay may talentong kaalaman sa paggawa ng magagandang tula, maging sa ano mang uri ng angkop nito.

maraming salamat po sa napakaganda at nakaka inspire na komento mo @jie28 ... :-) God bless po... opo subukan ko pong sumali thank you po :-)

Inararangal ko na mabasa at mapagtanto sa paglingap ang akdang binuo mo ng angkop na talata, ng bawat katagang nililay mo ng paglikha. datapuawat akoy nagagalak makita pang muli mga tula mo at pitaga. aking aabangan mga paksang kanais nais na bawat siphayoy derimdimin sa paghayo. kaya naman kaibigan pagpupugay sayong mga tula akin ay ibinibigay. hayaan mong dalisay mong husay sa paghabi ng tula kapanapanabik bawat letra na aking mababasa. sapagkat sa panahong ito nabibilang na lamang angking mong makabayan at talino aking kaibigan, isang pilipinang huwaran makabayan makadiwa mapagmahal sa sariling wika.

ay!!! sobrang lalim po nito at ang hirap arukin ngunit ako po ay taos pusong nagpapasalamat sa inyong mga nawika, sisikapin ko pong paghuhusayan ang aking mga komposisyon mabigyan man lamang ng kaunting hustisya ang inyong pagpuri sa aking gawa. Muli maraming maraming salamat po at very humbling po ang bawat katagang namutawi sa inyo habang ito po ay aking binabasa, nakaka overwhelmed po...God bless po :-) <3

May mga pagkakataon na kailangan mong kumapit at magkunwari..
Mahirap,masakit ang malaman na Wala na Ang pag ibig na tinatangi...
Ako ay tao Lang may pakiramdam,nasasaktan mahirap itago Ang pusong sawi...
Ako ba'y magpapatuloy na aasa na ikaw ay magbabalik?Kung ikaw ay diko na pag mamay Ari?
Ayaw ko ng magkunwari at umasa sa tulad mong diko mawari...
Panahon na para ako ay tumayo,bumangon at humarap ng nakangiti...
Panahon na para magpakatotoo sa damdaming nkakalito...
Ako ay taas noo na magsasabing ayos na ako
Dinako papaloko sa puso Kong ito...

Hwe..hwe...lumalabas Ang pagkamakata madam hahah!

o di ba bwhaahhaha go madam mag post ka ng tula mo daliiiii :-D taob naman ang tula ko dito madam hehehehe :-D

Di maarok ng aking damdamin haha!
Nalaing an lng nu kalukwan madam

darsem ketdi bauten ka ditan la bwhahhahaha :-D

Sandali Lang pipigain ko lng maliit Kong utak ..hehe

Aww heartbroken ka ba sis?

hello sis sorry late na reply ko...nag hugut-hugutan ako sis bwahhahaha :-D God bless you and your family <3

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 60268.51
ETH 3201.96
USDT 1.00
SBD 2.43