Sana'y Iyong Dinggin - Philippine Poetry

in #pilipinas7 years ago (edited)


dinggin.jpg


Sa bawat oras mahal na ika'y wala
Parang ako'y isang naglalahong bula
Mga ala-ala natin na kay tamis,
Simbilis ng hangin kung ito'y umalis.

Puso ko'y dumaranas ng sobrang sakit
Iniwanan nang dalamhati't pighati
Tanong ko sayo mahal, Ba't nagkaganun?
Bakit iniwanan lang ng ganun-ganon?

Isipan mo ba ay nagkauntog-untog?
O' pagmamahal mo'y sa iba inihandog?
Dinggin mo sana itong aking hinaing
Na sana'y pagbigyan ang aking hiling

Masasaang araw sana'y maibalik,
Pagkat' puso ko sayo'y sabik na sabik
Dinggin mo sana ang aking hiling
Na sana'y ikaw sa akin ay magbalik.



Thanks for Reading
Salamat sa Pagbasa

Photocredit: ichef.bbci.co.uk
aclenx


Sort:  

napaka madamdamin ng iyong tula. panalangin ko sana bumalik na ang iyong minamahal ng ikaw at siya ay maging masaya na..

Sana nga magbalik na siya @willow1114. Salamat sa iyong panalangin.

This post recieved an upvote from minnowpond. If you would like to recieve upvotes from minnowpond on all your posts, simply FOLLOW @minnowpond Please consider upvoting this comment as this project is supported only by your upvotes!

This post has received a 0.78 % upvote from @drotto thanks to: @banjo.

This post has received a 10.00 % upvote from thanks to: @aclenx.
For more information, click here!

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.13
JST 0.028
BTC 65975.42
ETH 3308.11
USDT 1.00
SBD 2.69