Lingguhang Ulat ni Tagalog Trail : Abril 15, 2018

in #pilipinas6 years ago (edited)

TagalogTrail

Kamusta mga tropang Pinoy!

Ako po si Junjun, pansamantalang humahalili kay Toto upang dalhin ang isang mahalagang anunsyo para sa inyong lahat. Hayaan na muna natin magliwaliw si Toto ngayong Linggo 😋

Layunin ng @tagalogtrail na mapanatili ang ganap na patas at tapat na pagboto at pagsuporta sa mga likhang Filipino. Kaya naman naisipan namin ni Toto na ilathala ang aming bagong lingguhang istatiska ng mga boto.

Mga Kasalukuyang Proyekto

Arawang Pagtampok sa mga Likhang Filipino

Patuloy pong ginagalugad ni Toto ang Steemit para maghatid ng saya (at mumunting boto) sa mga likhang Filipino. Araw araw po ay masipag na nagbabasa si Toto ng mga akda at nagiiwan ng mga nakakaaliw o mga nakakaantig na mga komento. At para sa ilang sulating lubos na naibigan ni Toto, naitatampok pa ang mga ito sa arawang edisyon ng @tagalogtrail, na may kasama pang “resteem”.

Promosyon sa Facebook

Sa mga hindi pa po nakakaalam, nasa Facebook din po si Toto! https://www.facebook.com/tagalogtrail
Ang batang gala ay lumalagi rin kadalasan sa FB upang makipagkwentuhan at makipagbatuhan ng opinyon sa mga taong babad sa FB 😋. May mga ilang akda na po ang natampok ni Toto sa aming “FB page” para makakuha ng mas maraming mambabasa para sa may-akda.

Patimpalak sa Biglaang Kolaborasyon

May mga pagkakataon po talaga na nagpapabibo si Toto. At isa sa mga naisip nyang proyekto ay masasabi ko na tunay ngang malikhain at kapaki-pakinabang. Ito ang arawang Patimpalak para sa Biglaan Kolaborasyon. Dahil po sa patimpalak na ito, mas nadadagdagan ang mga mambabasa ng napiling akda na itatampok. Bukod sa parangal at pabuya, napakalaking saya ang naidudulot ng sari-saring interaksyon sa pagitan ng mga manunulat dahil sa kolaborasyong ito.
Maraming Salamat Po sa Lahat ng Mga Sumuporta
Tunay pong nakakagalak ang suporta nakamit ng @tagalogtrail sa nakalipas na buwan.

Istatistika para sa nakaraang linggo (Abril 8-14, 2018)

Distribusyon ng boto

63 akdang nasuportahan na may 38 iba-ibang may-akda (unique authors)

May - AkdaBilang ng Boto
@racheleecious6
@christyn4
@filipino-poetry4
@beyonddisability3
@jemzem3
@jssll2
@llivrazav2
@rodylina2
@shirleynpenalosa2
@tagalogtrail2
@tpkidkai2
@carpieeew2
@aiyeecanoy2
@dontryme22
@fherdz2
@dearjyoce1
@deemmosqueda1
@hillaryaa1
@itsmejayvee1
@jamesanity061
@jayparagat1
@alfren1
@athenabree081
@aaronplando1
@aboutart1
@cejero0211
@christianyocte1
@themanualbot1
@steemitdavao1
@sunnylife1
@ryancalaunan1
@mallowfitt1
@miriklir1
@morken1
@mryuss1
@nikkabomb1
@khat.holanda231
@kitkate1
63

Istatistika ng Halaga ng Akda (Post Payout Stats)


Karamihan ng mga nasuportahang akda ay mas mababa sa $3 (87.3%)

Istatistika ng mga Naibahaging Gantimpala

May - AkdaGantimpala (SBD)
@beyonddisability0.57
@johnpd0.373
@racheleecious0.12
@fherdz0.108
@aiyeecanoy0.073
@jenel0.07
@thonnavares0.07
@tpkidkai0.035
@wanderlass0.025
@ortorres11230.025
@jmaeunabs10.025
@christyn0.025
@dexter240.025
@jayparagat0.023
@rruubbiie0.023
@xorexman0.023
@phantum040.015
@dontryme20.015
1.643

Taus-pusong Pasasalamat

Kami po ni Toto ay lubos na nagpapasalamat sa mga nagpahatid ng donasyon:
@steemph.antipolo
@shirleynpenalosa
@fherdz
@xorexman

At sa mga taong patuloy pong nakasunod sa aming “vote trail”:
@smafey
@masterbot
@xorexman
@jazzhero
@ortorres1123
@racheleecious

At pati na rin po sa lumikha ng aming "banner" na si bb. Dayanara @dyinkfinity

At Para sa Mababait Na Nais Pa Pong Sumuporta

Kung ibig nyo pong suportahan ang @tagalogtrail at ang orihinal na likhang Filipino, maari nyo pong sundan ang aming “vote trail” sa SteemAuto: https://steemauto.com/

Kung mas nakakaluwag naman po, maari rin po kayong magpataw ng “Steem Power” delegasyon sa @tagalogtrail. I-push po natin na magkaboto tayo na aabot o lalampas sa $1 😋

Sa panghuli, inaanyayahan din po namin kayo na iboto ang aming mga “curation” lodi na Curie at OCD. Pumunta lang po kayo sa https://steemit.com/~witnesses at piliin ang curie at ocd-witness sa listahan para bumoto.

At para sa palagiang suporta ni ginoong @surpassinggoogle sa mga likhang Filipino, iniimbitahan rin po namin kayo na iboto ang steemgigs bilang “witness”.

Sa mga tropang Pinoy at hindi Pinoy! Mabuhay po kayong lahat!
Suportahan po natin ang Orihinal at Totoong Likhang Filipino!

Sort:  

Maligayang bati sa lahat ng mga manunulat na nakatanggap ng pabuya 😊 maraming salamat din @tagalogtrail sa walang sawang pagbabasa ng mga akda namin.

Wala pong anuman. Gaya nga ng aking sinasabi palagi kung wala kayong mga post wala akong babasahin kaya patas lamang po. Dapat talaga may spotlight kayong mga Filipino authors.

wow ang galing. Sana ay dumami pa tayo at maging organisado.
BInabati ko ang @tagalogtrail. Naniniwala ako at nararamdaman kong malayo ang mararating ng iyong adhikain.

Maraming salamat sa suporta @beyonddisability. Iyan din ang hiling ko - ang mas dumami pa ang akdang Filipino dito sa Steemit. At patuloy din po dumadagsa ang suporta :) Eto nga at napalaban na rin kami sa Inglisan - introduceyourself po namin hehe - Junjun ng #tagalogtrail

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 60202.34
ETH 2423.33
USDT 1.00
SBD 2.43