Ama : A Filipino Short Story in Prose

in #poetry6 years ago

Inunat niya ang leeg na kanina pang nakatungo at nagbabantay. Masakit at kumikirot pero hindi niya alintana dahil mataman niyang pinagmamasdan ang larawan ng kasiyahan na gumuguhit sa mukha ng natutulog na sanggol. Puyat na naman siya katulad ng dati. Katulad ng lagi. Dahan-dahan, umiba siya ng pwesto. Kanina pa ngalay ang mga binti na hindi naigagalaw mula sa pagkakaupo. Kalung-kalong sa mga bisig ang bigat na nararamdaman. Hindi lang ng bigat ng sanggol. Kundi ng bigat ng responsibilidad. Dati na siyang meron. Dati ng mabigat. Nadagdagan pa lalo nang isinilang ang ikalawa. Hindi siya nagsisisi. Hindi siya nakakaramdam ng panunumbat sa sarili. Pinili niya papanagutin ang sarili dahil sa kanyang karupukan. Dala ng kapusukan, sinubok niya sa sarili kung saan aabot ang bugso ng damdamin. Hindi siya inosente sa ganitong kamalayan. At ang pagtatangi niya sa babaeng kinakasama, naudyukan ng pansariling kaligayahan. Hindi na niya mabilang kung ilang beses niya itong inangkin. Naulit pa. At naulit muli. Hindi siya nagsasawa. Hindi siya napapagod. Hindi nauubos ang kanyang pagnanasa. Lalake siya. Mahina sa tukso. Madaling nagpatianod sa tawag ng laman. Madaling iminulat ang sarili mula sa kamusmusan. Hindi na siya bata para pigilan. Hindi na siya bata para pangaralan. Hindi na siya bata para turuan. At hindi na siya bata para gawin pa ang mga larong pambata. Iba na ang hilig niya. Iba na ang libangan niya. Iba na ang nagpapasaya sa kanya. Dahil iba na din ang liwasang kanyang pinaglalaruan. Hindi na ang nakamulatan. Hindi na ang nakagisnan. Iba na ang mundo niya. Pinili niyang ibahin. Ang babaeng pinangakuan na sasamahan sa hirap o ginhawa, sa saya o dusa, sa lahat ng pagsubok ng panahon. Ang babaeng sumisimbolo ng kanyang pagiging matikas, ng pagiging matapang, ng pagiging matapat. Ang babaeng nagpatunay sa kanyang pagiging ganap na lalake. Pinili niyang makasama habang-buhay ang babae na iyon. Lilikha ng mundo na kung saan puno ng kasiyahan at pagmamahalan lamang. Walang galit, walang pighati, walang kagutuman o kasalatan. Pinili niyang makapagbigay ng asensado at marangyang buhay sa babae na iyon. Pinili niyang arugain at kalingain ang magiging pamilya. Pinili niyang tumayong tagapagtanggol sa anumang hamon na kanilang kakaharapin. Pinili niyang mamuhay pasan ang reponsibilidad na kailanman ay hindi niya maaaring bitawan. Pinili niya maging bayani sa sarili niyang paraan.
Pinili niya maging ama.

received_m_mid_1462959006783_eb9d165ba87615da62_2.jpeg

Sort:  

thank you @tagalogtrail for resteeming my post. 😊

Wala pong anuman. Lubos kong naibigan ang inyong likha maliban po sa upvote at resteem isinama ko rin po ang inyong gawa sa aking arawang featured post.

Ika Sampung Edisyon ni Tagalog Trail

Maraming salamat sa pag-gawa ng akdang Tagalog at isang mapag palang araw po.

Hi po! I'm your follower of your content po. Mapatagalog o Mapaenglish galing niyo po gumwa.(◠‿◠✿)

thanks @acinad natutuwa ako at nagugustuhan mo mga gawa ko. saLamat po. 😊

Welcome po sana mameet ko po kayo sa 26

Wow naman po sobrang sweet ng dating ng sulat mo, how i wish i have a father like you :) your family is so blessed having you. Galing nyo din magsulat in Fil, nawa matuto dn ako ng ganyan.

subok Lang po @rodylina makukuha mo din un. atsaka maLaking impLuwensiya din ung nakakapagbasa ka ng mga Libro gawa ng mga fiL authors. 😊 saLamat po paLa sa papuri 👍

Try ko nga yan magbasa ng gawa ng fil authors para matuto din ako. Welcome po

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 59836.36
ETH 2365.02
USDT 1.00
SBD 2.47