Pagsusuri ng Pelikulang Maala-ala Mo Kaya ( episode: Tungkod )
Nilalaman ng Pelikula
Ang nilalaman ng pelikula ay tungkol sa isang ina . Isa siyang guro na puno ng pagsubok sa buhay. May anak siyang napakabulakbol, na kinalauna'y nagrebelde sa kaniya. Galit na galit ang anak na si Anton nang malaman nito na napilitan lamang ang ina niyang ipanganak siya. Sinabihan siya sa dahilan kung bakit napilitan lamang siyang ipanganak. Pinagsasamantalahan kasi siya. Ngunit, nang naipanganak na siya ay mahal na mahal siya nito ng kaniyang ina. Pinag-aral si Anton sa kolehiyo matapos siyang grumaduate sa hayskul. Sa kasamaang palad, sinayang lang niya ang perang pinag-iponan ng kaniyang ina para siya ay makapag-aral. Hindi siya nag aral ng maayos at laging nasa inuman.
Ang aking natutunan sa pelikula
Ang pelikulang ito ay napakaganda talaga, tiyak na marami kang mapupulot na aral. Ang mga natutunan ko: "Masama ang magrebelde sa magulang." Nagrebelde si Anton sa kaniyang ina dahil pilit siyang nagbulagbulagan sa katotohanang mahal siya ng kaniyang ina at ang kahihinatnan ng kaniyang pagrebelde, naging salat ang buhay niya at nakulong pa. "Mahalaga ang Edukasyon." Hindi pinahalagahan ni Anton ang kaniyang pag-aaral, hindi man lang niya naisip na may mga taong gustong mag-aral ngunit kapos sa pera , tapos siya, sinayang lang niya ang lahat. "Laging mapagkumbaba." "Nasa huli ang pagsisisi." May mga bagay sa ating buhay na sa huli na natin mapagtanto. Katulad ni Anton, saka pa siya nagsisi na huli na ang lahat. Sa sinabi pa nga ng isang pari sa kanyang sermon, "Tayo lamang mismo ang kumukulong sa sarili natin. Ayawa kasi nating kalimutan at hayaan ang mali ng tao, at minsan ay ayaw nating magpatawad."
Ang kuwento talaga sa MMK ay nagbibigay sa akin ng inspirasyon. Nakakaantig sa puso at isipan. May senaryo sa kuwento na napaluha talaga ako. Ang pinakamalaking bagay na natutunan ko sa pelikula ay yung kasabihang " Always love your mother because you will never get another."
Kung ako ang bida sa pelikula
Maraming Salamat sa pagbasa ng post ko!
Manatiling nakatutok.!
Manatiling nakatutok.!
Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by ryancalaunan being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!
Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.
@therealwolf 's created platform smartsteem scammed my post this morning (mothersday) that was supposed to be for an Abused Childrens Charity. Dude literally stole from abused children that don't have mothers ... on mothersday.
https://steemit.com/steemit/@prometheusrisen/beware-of-smartsteem-scam