ang tulang pang-kaibigan( BaKaiLang)

in #literaturang-filipino7 years ago (edited)

images.jpg

source

Tatanungin kita ng bakit
alam kong sasagutin mo ako ng masakit.
Isang kutsilyo na alam ko nang matalim at matalas,
pero ako pa rin ang nag tuhog at nagtarak.
Tinitiis ko lahat ng kirot sa harap mo
makita mo lng na maayos ako at sasabhin ko sayo diinan mo nasisiyahan ako
.

download.jpg
source

Naaaliw ako sa lahat ng oras na nabibitawan mo ako.
Pakiwari ko isang bisyo na mahirap nang iwasan,
isang sugal na lagi talo pero pumupusta pa din ako
wala nang laman ang bulsa pero parang hindi ko matakasan.

240_F_192417230_GRzXT8E8c6Z5T4XfktpH2wIO35UBtHtz.jpg
source

Titiisin ko lahat ng bagay na di mo
pinapansin na masakit sakin
masisiyahan ako sa mga salitang
lumalabas sayo halos dumudurog sa
puso ko MISMO !!!

Lalanghapin ko
Oo lalanghapin ko ang sakit ng talim
pagbalewala ng nararamdaman at
pagkawala ng asim
upang malaman mo ano ang pakiramdam pag wala ako.

images (1).jpg
source

Pag wala ako hindi mo ko hahanapin
aasa ka ba pag nalaman mo na sa iba ako’y sumasaya na rin,
di mo kaya makalimutan lahat ng bagay na
pinagsama sama ng bawat karanasan?
katulad sa isang taong nasisiyahan
habang nalalaglag sa sariling patibong
Oo, di kita masisisi dahil sa umpisa pa lang
ako ang gumawa ng sarili kong kalungkutan.

images (2).jpg
source

Kalungkutan na kumukubkob sa ulap ng liwanag ng pagmamahal
na maiipon at magbibigay ng maraming ulan
tubig at hangin na matatangay sa
natigang na sakit sa lupa
na magbibigay sigla sa bawat namatay na
puso ng halaman paniguradong hindi uubra,
hindi uubra kahit anu pang pataba ang ilagay
hindi sasapat sapagkat nilason mo na.

cloud tifa.jpg
source

nalulungkot ako pag naiisip ko ang
nakaraang masaya ako pero darating yung araw ng katapusan
Tatanungin kita ng BAKIT , wag mo kong sasagutin ng Ano.
Dahil umpisa pa lang sinagot na kita ng oo !
Tatanungin kita ng BAKIT wag mo kong sasabihan ng kahit
anong bagay na alam mong masakit,
isang salita lang ang gusto kong marinig
masaya ba pag kaibigan mo lang ako?

Masakit malaman na ang turing sa iyo ng taong mahal mo ay hanggang kaibigan lamang, pero mas magandang gumawa ng hakbang para mapatunayan sa kanya na maari ka rin nyang mahalin. Tandaan "WALANG MATIGAS NA TINAPAY SA MAINIT NA KAPE".

Ito ang aking pangalawang spoken poetry, kung gusto mong mabasa ang aking unang tula maari mo itong bisitahin post.

maraming salamat kay @tagalogtrail at jay @tpkidkai sa pagbibigay inspirasyon sa akin.

mapagpalang araw sa inyong lahat.

jhayve[1].jpg

FB_IMG_1518087930891[1].jpg

Sort:  

Ang ganda po ng piyesang ito @itsmejayvee. Napatanong tuloy ako sa kapatid mo kung ano hugot mo haha. Sadya naman punong puno ng emosyon tong akda, kaya't di nakakapagtaka na naitampok ito ni Juan Miguel Severo sa kanyang Facebook page.

Ah oo nga pala. Mas angkop na gamitin ang #tagalogtrail (at hindi tagalog-trail). Paging @tagalogtrail na din hehe.

Tama ka po jan @jazzhero napansin nga po ito sa page ni juan miguel severo. Sya knya ako natutong gumawa kapapanuod ng mga palabas nya. Minsan din akong nanuod ng tula nya.

Salamat sa pag paalala haha namali ako ng tag

Salamat sa patawag @jazzhero. Pero kahapon ka pa po ito nabasa, nahuli lang ng kumento haha. Sang ayon ako kay tito Jazz, sadyang puno nga ang akda na ito ng emosyon. At dahil nabanggit na rin natin si JM Severo, parang gusto ko rin tuloy ito marinig :D

Puno itong akdang ito ng hugot. #wasakan po talaga. haha.
Salamat din sa pakikibahagi sa kaguluhan sa aming "discord channel". Sa mga manunulat ng wikang Filipino na gustong sumali, eto po ang imbitasyon https://discord.gg/DjrySR5

  • Junjun (tulog na po kasi si Toto)

Haha grabe naman sa wasakan @tagalogtrail. Nais ko lang namang ibahagi ang akin nalalaman sa pag gawa ng tula. May part 3 pa nga yan hahaha
Pakiinggan nyo po at siguradong matutuwa kayo dahil sya ang mas madameng emosyon haha idolo ko po iyon

Congratulations @itsmejayvee! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes received

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.

To support your work, I also upvoted your post!
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!

Ramdam ko ang sakit at pighati, kaibigan. Mahusay mahusay!

Maraming salamat po sa papuri @chinitacharmer

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.25
JST 0.040
BTC 95549.51
ETH 3352.09
USDT 1.00
SBD 4.37