‘Di Mo Ba Pansin | Isang tula

75007B39-626F-4635-BEA7-B9DBF66B58BD.jpeg
Photo Source

“Di Mo Ba Pansin“

Isang orihinal na akda

Heto na naman ako
Nakaupo habang nakatitig sayo
Ewan ko ba
Ako’y tinamaan na talaga

At heto ka na naman
Tumatawa ng walang kaalam alam
Walang alam na may isang katulad ko
Na nagnanakaw ng tingin sayo

Sapat na rin ito sa akin
Na ako’y hanggang tingin
Kaya nga nung lumapit ka sakin
Parang nanalo na rin

Ano bang ginawa ko sayo
Bakit ba pinapadali mo ang pagtibok ng puso ko
Sandali lang pwede bang itigil ang mundo
Gusto ko sanang kuhanan ng litrato ang pangyayaring ito

At yun nakakuha nga ng litrato natin sa aking isipan
Ngunit bigla nalang pinalitan nang ako’y nasaktan
Meron ka palang gustong iba
Kaya ako’y nagdesisyong ilusyon ko’y iwala

Heto na naman ako
Nakaupo habang nakatitig sayo
Nagtatanong ng palihim sa iyong puso
Di mo ba pansin ang mga tingin ko?

Di mo rin ba pansin ang pagtibok ng puso ko nung lumapit ka?
Di mo rin ba pansin na mahal kita matagal na?
Di mo rin ba pansin ang pusong lumuluha nung nalaman kong may gusto kang iba?
Di mo rin ba pansin na ako’y lilisan na?

Isang orihinal na akda ni @gg-joegi, sana’y naibigan niyo.

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64093.86
ETH 3123.80
USDT 1.00
SBD 3.94