Pag-ibig Serye: Ang Masayang Simula

in #literaturang-filipino6 years ago (edited)

Ang kwentong inyong mababasa ay hango sa totoong pangyayari sa aking buhay. Nasulat ko na sa wikang Ingles ang una at pangalawang bahagi nito, naudlot nga lang dahil sa mga di inaasahang mga ganap sa aking buhay.

Di ko sigurado kung marami parin ang nag-aabang sa karugtong ng aking masalimuot na buhay pag-ibig. Pero sa lahat ng sumubaybay at nabitin sa istorya, narito na talaga! Ngunit, bago ko dugtungan ang kwento, ay akin munang isasalin ang una at ikalawang bahagi sa wikang Filipino.

Disclaimer: Ang ginawa kong pagsasalin ay hindi literal. Kaya bahagyang may pagkakaiba sa istilo ng pagsulat ang dalawang bersyon.

IMG_20180224_101313-01.jpeg

Hugis puso talaga yang kamay ko, mukha lang burger.

Nagsimula ang lahat dahil sa isang desisyong aking ginawa labing-apat na taon na ang nakalipas.

Bata pa lamang ako ay nais ko nang maglakbay sa kung saan saan. Ninais ko talagang manirahan sa ibang lugar, makatikim ng iba't ibang espesyalti mapaulam man o kakanin, matuto ng iba't ibang linggwahe o diyalekto, at maka-experience ng ibat't iba kultura at tradisyon. Marahil nananalaytay talaga sa aking dugo ang pagiging isang explorer.

Pinagkunan

Kaya naman nung ako'y nagtapos sa hayskul, alam ko na agad kung saan ko gustong mag-aral, sa Mindanao State University sa bayan ng Marawi. Dito nag-aaral ang aking dalawang pinsan na siyang nag impluwensya sa akin na piliin ang paaralang ito sa aking kolehiyo.

Tutol siyempre ang mama ko sa aking desisyon. Gusto niyang sa UP o Unibersidad ng Pilipinas ako mag-aral dahil maliban sa pumasa ako rito, isa ito sa pinaka-prestihiyosong unibersidad sa buong bansa.

Sa huli, ako ang nasunod, at nagsimula na nga ang aking eksayting na adbentyur!

Malayo ang Marawi City mula sa Davao, ang aking probinsya. Kinailangan kong magpalipat-lipat sa tatlong bus at isang dyip na aabutin ng labindalawang (12) oras ang byahe bago makarating sa lungsod na ito. Ngnunit kahit pagod sa byahe ay napaka excited ko pa ring makarating sa bayang magiging bago kong tahanan.

Pinagkunan

Noong una akong nakatungtong sa MSU, ako ay sobrang namangha sa kagandahan nito. Pagpasok ko palang sa loob ng paaralan ay bumungad na sa akin ang naglalakihang puno na nakahilera, at nagsisilbing lilim mula sa sinag ng araw.

Pinagkunan

Bumungad din sa akin ang napakagandang golf course na overlooking naman sa buong siyudad ng Marawi at may view pa ng Lake Lanao at bundok na tinatawag nilang Sleeping Lady dahil sa mistulan itong babaeng nakahiga.

Sobrang lamig din ng klima rito, yung tipong Baguio o Tagaytay feels. Feeling ko rin nasa ibang planeta talaga ako dahil ibang iba ang lugar na ito sa aking kinalakihan. Lahat ng tao ay nagsusuot ng kumbong (hijab o veil), at ang kanilang salita ay nakaka aliw pakinggan. Gusto ko na agad matuto ng mga salitang Maranao!

Ang kanila namang mga pagkain ay halos puro kulay dilaw - mula kanin hanggang sa ulam. Pero in fairness, sobrang sarap ng kanilang mga pagkain lalong lao na ang aking paboritong chicken piyaparan (manok na niluto sa niyog kasama ang sapal nito), parang chicken curry kung sa atin pero mas matapang at mas malasa ito.

Nagustuhan ko rin ang aking bagong cottage (tawag ng mga taga MSU sa boarding house) at mga bago kong housemates na Kristiyano lahat.

Mabilis na nagdaan ang mga araw at nagsimula na ang klase. Madali naman akong naka-adapt sa kultura ng mga Maranao, at may mga salita na rin akong natutunan mula sa kanila. Hindi ko namalayan, natapos na pala ang unang semester. Masaya naman ako sa naging resulta ng aking pagpupuyat at pagsisikap dahil na-maintain ko ang aking skolarship.

Dahil gusto kong matapos agad sa pag-aaral, nagdesisyon akong mag-enrol sa summer kahit wala naman akong bagsak na marka. Mejo hectic ang skedyul ko, kasi pag summer buong araw ang klase dahil nga maikli lamang ang araw ng pasukan. Dahil dito, mejo bumigay ang aking katawan. Araw na ng aming pagsusulit, at kahit mejo hilo pa ako at masakit ang katawan, pinilit ko paring makasali sa pagsusulit. Saktong pagka-submit ko ng aking test paper, ako ay natumba. Ang mga sumunod na nangyari ay parang eksena sa pelikula!

Pagkagising ko mula sa aking pagkakatulog, nasilayan ko ang maamong mukha ng isang binata. Siya ay matangkad, makisig, maputi at mapula-pula ang pisngi at mga labi, at mejo "wavy" ang buhok. Oh my gosh, siya yung classmate ko sa History 3 na ninanakawan ko ng tingin kasi nga ang pogi! Sobra akong kinilig nung nalaman kong siya pala ang nagdala sa akin sa infirmary, at talagang hinintay niya akong magising ha.

Siyempre, mabait tayo at medyo may kaharutan din, kaya inaya ko siyang kumain sa labas pag naging sobrang okay na ako. Yun nga lang di ko naman nakuha ang numero niya, kaya waley rin.

Natamaan talaga ako ng virus, kaya dalawang araw akong nakalubog sa higaan ko. Nung ako'y naging okay na, naisipan kong lumanghap ng sariwang hangin. Habang ako'y naglalakad sa commercial center ng campus, napatigil ako sa aking kinatatayuan ng makita ko ang kaniyang gwapong mukha! Mukhang destiny talaga itey! Tinanong niya ako kung available pa raw ba yung offer kong ililibre siya. Di na ako nagpakipot, sinunggaban ko na agad ang moment, at baka mawala pa!

Kumain kami, nagkwentuhan, at nagtawanan! Di namin namalayan dalawang oras na pala kaming nag-chichikahan. Hinatid niya ako sa cottage, at kinabukasan ay sinundo, at naulit muli ang masayang kwentuhan. Siyempe naman iba na talaga ang nararamdaman ko non, pero di lang nagpapahalata ang ate niyo, para kunyari chill lang at may mysterious effect din. Cheret!

Naulit ng naulit ang aming pagkikita at pag-uusap. Ngunit kinailangan ko nang umuwi sa aming probinsya. Siyempre miss na rin ako ng aking pamilya at mga kaibigan. Nalungkot ako nung ako'y lumisan, buti na lang may teknolohiya, salamat sa mga siyentipikong naka-imbento ng telepono at ang aming kaharutan ay hindi naputol. Pero mahirap pa rin kasi wala pang unli-call at unli-text noon (oo matanda na ako)! Pero ika nga nila, kung gusto maraming paraan, kung ayaw maraming dahilan. Basta nagharutan parin kami kahit limited lang ang load at signal.

Matapos ang halos tatlong linggo, bumalik na ulit ako sa MSU. Sabik na sabik kami sa bawat isa, at ng kami'y muling nagkita, naramdaman ko talaga ang kakaibang tibok ng aking puso. Iyon na ata talaga ang tinatawag nilang pag-ibig. Pero siyempre, pa-demure pa rin si ate. Kunyari di masyadong naka-miss.

Napansin na ng aming mga kaibigan na tila hindi na kami mapaghiwalay. Marami na rin ang tumataas ang kilay sa akin dahil sa inggit (cheret haba ng hair teh?). Medyo peymus kasi siya sa campus dahil isa siyang officer sa kanilang college, at maliban sa gwapo ito ay matalino rin.

Nagdaan ulit ang mga araw at linggo, at sa wakas, dumating na rin ang araw na pinakahihintay ko. Huling linggo ng Hulyo iyon, tandang-tanda ko pa. Kami ay nakatayo sa may tennis court ng paaralan upang hintayin ang pagtila ng ulan. Tumigil ang tibok ng aking puso at kirap ng aking mata nang bigla niya akong hinarap, ng sobrang lapit, at sinabi ang mga katagang “Pekababaya-an ko seka!” na ang ibig sabihin ay "Mahal kita!".

Ang taray ni ate girl! Parang eksena lang sa K-drama yung moment! Biglang nagdampi ang aming mga labi, cheret lang! Hindi pa noh, siyempre nagpabebe muna ako. Pero di ko narin mapigil ang tibok na aking damdamin, sinagot ko siya nang "Mahal din kita!". At kami ay nagyakapan sa ilalim ng ulan!

Subalit may malaking problemang nakaambang sa aming pagmamahalan. Siya ay isang Muslim, ako ay isang Kristiyano, at nakatakda siyang ipakasal sa iba!

Pinagkunan

Itutuloy...

U5dtkxR5jWuo6F4m19MqyPyx9i8HjVp_1680x8400.png

Tuwang-tuwa ako sa pagsalin ng kwentong ito. Napakaseryoso pala nang ginawa kong beryson sa Ingles! haha. Nawa'y nagustuhan ninyo ang unang bahagi ng aking pag-ibig serye. Ang susunod na bahagi ay ipopost ko naman bukas. Sa mga gustong makabasa sa naunang bersyon i-click lamang ang mga links sa baba.

Short Story # 1 - The Beginning

Short Story #2 - The Conflict

Sort:  

Haha. Naiba ng timpla ng kaunti, dala ba yan ng pagbabasa at pagsuuslat sa #tagalogserye? May Cheret na ngayon haha. Talaga naman inaabangan ko na yun kwento na ito nuon pa. Salamat sa intensyon ng pagtuloy ng talambuhay mo, Maine :D

Hahaha, impluwensiya ng chareret gurls ng #tagalogserye! Narealize ko na mas madali palang laruin ang Tagalog kesa English. Salamat sa impluwensya ninyo! haha.

Welcome Jazz. Sana mapanindigan ko na this time. hehe

Wow 💕 Nakakatuwa na mabasa ang bersyon na ito sa wikang Tagalog. Mas mahaba nga talaga ang buhok ng karakter mo dito @chinitacharmer :) Nakakaaliw rin ang mga bago mong bitaw na naidagdag sa bersyon na ito. Excited kami ni Toto mabasa ang kasunod.

  • Junjun ng TagalogTrail

Maraming salamat Junjun at pati narin kay Toto. Mas nagugustuhan q na ngaung gumamit ng wikang Filipino kasi nacha-charot ko xa!😅 Di gaya sa Ingles na mahirap lagyan ng "kwelang" istilo. Nagiging sobrang seryoso tlga kc aq pag Inglesan na 😅 Ang saya magsulat ng chill ka lang. Kaya ka -careerin q na tong pananagalog q. 😂

binasa ko talaga hangang sa huli..ako ay namamangha sa mga salitang ginamit mo dito. ako ay excited na sa susunod na kabanata..gusto ko ung tagalog kasi nakakapukaw ng damdamin...

Maraming salamat sis! Aq ay nagagalak at nagustohan mo ang aking maikling kwento, na hindi naman talaga maikli kc sumobra sa 1000 na salita 😅 salamat sa pasensya mo at hanggang sa dulo ay iyo itong tinangkilik. Nakakapukaw talaga ng damdamin ang wikang Fililino, kaya napagtanto q na dapat rin akong magsulat gamit ang ating sariling wika. Bukas, mababasa nyo na ang karugtong nito. Sana ay patuloy nu itong suportahan :)

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 63149.00
ETH 3156.91
USDT 1.00
SBD 3.85