Ang Sakit Na Dulot Ng Unang Pag-ibig

in #kuwento6 years ago (edited)

Ang kuwentong ito ay hango sa tunay na buhay, itago na lang natin ang sangkot sa kuwentong ito sa pangalan ni Katrina, Ronald, Troy at Ann.
Nagsimula ang kuwento ng lumipat si Katrina ng Unibersidad sa Lungsod ng Davao. Doon niya nakilala ang kanyang unang pag-ibig.
Unang araw ng klase ni Katrina bilang nursing kaya nagmamadali siyang umalis sa kanyang boarding house upang hindi siya mahuli sa kanyang klase. Sa kanyang pagmamadali ay may nabangga siya na isang lalaki at ng tingnan niya biglang kumabog ang dibdib at natulala at nasabi sa kanyang isipan" oh my dreamboy". Nakabalik lang siya sa reyalidad ng magsalita ang lalaki, oh miss? Nagmamadali ka yata? By the way, I'm Ronald and you are? Katrina ang tanging nasambit ng ating bida. Doon nagsimula ang kanilang pag-uusap habang naglalakad sila patungo sa iisang unibersidad na kanilang pinapasukan.
Ronald: So Katrina pala pangalan mo? Astig ha
parang palaban.
Katrina: di naman mabait kaya ako sa taong ma
bait din sa akin
Ronald: Dumating na pala tayo
Katrina: Oo nga, di man lang natin napansin
Ronald: Oh ano? Friends na tayo?
Katrina: Of course para may makasabay na ako
sa pagtitipid ng pamasahe.
Nang matapos ang klase ni Katrina, ibang saya ang nararandaman niya ng hapon na yon. Nagmamadali siyang umuwi para ibalita niya kay Ann ang nangyari kaninang umaga.

Katrina: Ann, halika may ibabalita ako sa iyo
Ann. : Ano yon?
Katrina: Alam mo bang may nakilala ako kani-
nang umaga lang?
Ann. : Sino?
Katrina: May kakilala ka bang Ronald dito kasi di
ba nuong isang taon ka pa rito?
Ann: Ah si Ronald yung maputi na pogi?
Katrina: Siya na nga
Ann. : Suwerte mo dahil diyan lang siya nakati
ra sa tapat natin, tita niya yung may
ari ng tindahan.
Katrina: Talaga? Oh my dreamboy
Ann: : Inlove agad?
Katrina: Siguro
Ikalawang Pagkikita
Kinaumagahan, maagang nagising si Katrina kahit napuyat siya sa kakaisip kay Ronald. Dali dali siyang nagmumog at nagsuklay dahil bibili pa siya ng shampoo sa tapat ng kanilang boarding house ni Ann. Hindi akalain ni Kat nandoon pala si Ronald kumakain. Medyo nagulat pa si Ronald ng lumingon siya dahil pamilyar ang tinig ng babaing gustong bumili sa tindahan ng tita niya.

Ronald: Ikaw pala Kat? Ang aga mo yata? Saan
ka pala nakatira? Hindi ko kasi nata- .
nong kahapon sa pagmamadali natin.
Katrina: Diyan lang ako sa tapat Ron
Ronald: Oh really? Ang suwerte ko naman
Katrina: Bakit ka naman masuwerte?
Ronald: Dahil di ko na kailangan hanapin ang
babaing unang nagpatibok sa pihikan
kong puso.
Katrina: Wow Ron ang aga pa ha, nanliligaw ka
ba?
Ronald: Bakit hindi ba puwede?
Katrina: Baka kasi may magagalit sa akin?
Ronald: Di ba sabi ko unang pagkakataon? So
ibig sabihin wala.
Katrina: Hay naku Ron, pakisabi nga sa tita mo
bibili ako ng shampoo at baka mahuli
pa ako sa klase ko.
Ronald: O sige na nga ako na lang ang magbibi-
gay sa iyo, ilan ba bilhin mo?
Katrina: tatlo lang muna
Nang ibigay na ni Katrina ang byad, biglang hinawakan ni Ronald ang kamay ni Katrina sabay sabing hintayin mo ako ha sabay tayong papasok simula sa araw na ito, ang tanging nasambit Katrina ay ikaw ang bahala. Lumipas ang araw at buwan, nagpahayag na si Ronald kay Katrina na mahalniya ito at dahil mahal din siya ni Katrina agad niyang sinagot si Ronald. Doon nagsimula ang makulay na mun-
do ni Katrina ng maging magkasintahan
na sila ni Ronald. Ramdam na ramdam ni
Katrina ang pagmamahalan na parang wa-
la ng katapusan. Mahal na mahal niya si
Ronald sa oras na yon, kaya ng magbukas
ang isang oportunidad na puwede siyang
umalis ng bansa ay tinanggihan niya ito
dahil hindi niya kayang iwan si Ronald, ga-
non niya kamahal ang nobyo.
Tumagal ang kanilang relasyon ng i-
sang taon at dalawang buwan, sa pana-
hon na yon ay parang may napansin si
Katrina na parang nanlamig na si Ronald
sa kanya lalo nuong lumipat ito ng
boarding house. Kaya kahit nakakahi-
ya ay sumama siya kay Ronald ng yayain
Siya nito na pumunta muna sa kanyang
boarding house dahil may nakalimutan
daw ito. Nang dumating na sila sa
boarding house ni Ronald, pasimpleng
tumabi ang pinsan ni Ronald na si Troy
Katrina at sinabing may pumupuntang
babae doon at halatang may gusto kay
Ronald. Naisip ni Katrina kaya pala nan-
lamig na si Ronald sa kanya. Kaya ang
nangyari ay hindi sila natuloy ng panu-
ng sine sana, sinabi niya na lang kay Ro
nald na ihatid na lang siya sa kanyang
boarding house at doon na sila mag-
uusap ng masinsinan.

Ang Pag-uusap ng dalawa

Katrina: Totoo ba na may pumupuntang
babae sa boarding house nyo?
Ronald: Oo inaamin ko pero wala yon Kat.
Katrina: Ah okey, kaya pala nanlalamig ka
na sa akin dahil pala sa babaing
yon.
Ronald: Kat, puwede ba putulin na natin
ang pinag- usapan natin?
Katrina: Bakit Ron? Siya na ba ang mahal
mo?
Ronald: Wala akong sinabing ganyan
Katrina: Okey ganito na lang, bumalik ka
dito pagkatapos ng dalawang ling-
go kung napagtanto mong ako pa-
ang mahal mo.
Ronald: Okey Kat, bye
Katrina: bye Ron

Natapos ang dalawang linggo
walang Ronald na bumalik kay Katrina.
Sobra siyang nasaktan sa pangyayari kaya
natuto siyang magyosi at uminom ng alak
dahil akala niya ito ang makakatulong sa
kanya. Mabuti na lang at nandoon si Ann
para pagsabihan at alalayan siya sa oras na
yon. Sinabi ni Ann kay Katrina na mas ma-
buti focus ka muna sa pag aaral natin dahil
lalaki lang yan baka mkakita ka la ng mas
higit sa kanya.
Aminado si Katrina, mahal na mahal niya
si Ronald pero ayaw niya rin ipilit sarili niya,
kaya nagfocus na lang siya sa kanyang pag -
aaral.
Ang Pagbabalik ng minamahal
Hindi akalain ni Katrina ng umagang yon ay biglang dumating si Ronald sa kanyang boarding house at sinabing ikaw pala ang mahal ko; sobrang natuwa si Katrina ng marinig ang katagang iyon kay Ronald, pero
ang nasambit niya tama na Ron, masyado kasi akong nasaktan, kung tayo talaga ang
itinadhana gagawa ang Diyos ng paraan para tayo ay magkita muli, sa ngayon focus muna
sa ating pag aaral. Sa oras na iyon ay doon naisip ni Ronald na dapat pala ay pinahala-
Lgahan niya si Katrina pero nagkamali siya
kaya heto ngayon ang nangyari sa kanya
nasa huli ang pagsisi.

20180313_154215.png

Imahe: Mula sa google
Wakas
Magandang Aral: Huwag tayong padadaig sa
sa tukso dahil baka ang ipi-
nagpalit mo ay siya palang
mong mahal.

Sort:  

Nasa huli talaga ang pagsisisi ayos lang yan Katrina kung tapos ka na sa pag-aaral mas marami pang lalaki ang magkakagusto sa iyo. Ako elementary palang kaya bawal pa daw mag nobya, magagalit pa si Tatay.

Talaga lang ha Sir tagalog, sna mkahanap cia ng higit p ky Ronald, paano kung iba ang epekto sa knya? Paano if magiging " Playgirl"na cia sa susunod kong kuwento? Sana abangan nio po ang mga " True to life Story ni Katrina

Sayang dko mapasa sa dscord, nkalimutan ko password ko doon

Naka subaybay po ako sa inyong mga gawa basta't iyan ay tagalog :)

Aabangan ko po ang kwento ni Katrina.

Salamuch po, sa wakas nailabas ko rin ang hidden talent ko dto sa Steemit.

Wala pong anuman. Basta tuloy lang po kayo sa pagsusulat.

Wow, galing dami na pla vote sa story ni katrina, salamuch guys for voting my post

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 59479.71
ETH 3174.48
USDT 1.00
SBD 2.44