Hugot Contest: Hahanapin Mo Din Ako

in #hugotcontest6 years ago (edited)

IMG_20180525_213626.jpg

Minsan sa buhay natin may makikilala tayong tao na akala natin hindi tayo iiwan. Yung tao na yun siya yung nagsisilbing gabay sa madilim na daan, siya yung nandyan para damayan ka sa lahat ng problema, siya yung naghahanap ng paraan para sa lahat ng dinadaing mo at siya yung taong handang magsakripisyo para sa kasayahan mo… pero bakit ganon? Ni hindi niya man lang nakamusta kung kumain na ba ako? Paano ba ang naging takbo ng araw ko? Maganda ba ang naging resulta ng report ko? O naging masaya ba ako ngayon? Madaming tumatakbo sa isipan ko. Nag-iisip ng mga dahilan kung bakit mo nakalimutan na anniversary pala natin ngayon. Baka nga busy ka sa trabaho? Baka pinagalitan ka na naman ng Boss mo? Baka masama lang pakiramdam mo? O baka… baka… baka…

Rrrrriiiiinnnnnnnggggggg!

Tumunog ang aking cellphone at nasa kabilang linya ang aking nobya.

“Hello, hindi ako makakapunta diyan ngayon. Tumawag Tita ko nagpapasama sa Salon. Bukas na lang tayo magkita.”

Sabay baba ng kanyang telepono. Yung hinagpis na nararamdaman ko ay kakaiba at hindi ko maintindihan. Mahal ko siya pero bakit ganito? Sinasabi ng utak ko na hindi kailangan na naming maghiwalay ngunit kumokontra ang puso ko. Kami pero bakit pakiramdam ko wala akong karelasyon? Pakiramdam ko label lang ang meron kami.

Ang daming tanong tumatakbo sa aking isipan. Ayoko na pero gusto ko pa. Ang lamig ng araw sa aking balat at ang init ng iiniinom kong halos umapaw ang yelo.

Baka busy lang siya. Hindi niya sinasadya at kailangan ako ang pumunta sa kanya, ito ang sabi ko sa sarili ko.

Kaya’t eto ako ngayon may hawak na tsokolate at bulaklak papunta sayo. Alam ko kung ano ang Salon na paborito mong puntahan at nagbaka sakali akong nandun ka.

Papasok palang ako ay nakita ko na sila. Kung makikita mo sila aakalain mong magkabibigan lang pero bigla silang tumigil maglakad, humarap sa isa’t isa, nagtitigan at biglang naghalikan. Halos gumuho ang mundo ko. Bakit mo ko ginanto. Hindi mo man lang pinalagahan ang pag-ibig ko. Hinayaan mong palitan ang kasiyahan ng kalungkutan at pait.

Nilapitan ko kayo at tinapik kita sa balikat. Nagulat ka ng nakita mo ko. Lahat ng sakripisyo ko at pagbalewala mo sakin. Nagalit ako at nasampal kita. Tinulak ako ng kabit mo at nasampal ko din siya ng malakas.

“Hayop kayo lalo ka na!” sabay duro sa kanya. “Ipagpapalit mo na nga lang ako sa katulad mong kasarian pa. Ayoko ng magpakatanga sayo, dyan ka na sa girlfriend mo tutal baka mas masaya ka naman sa kanya.”

Sabay alis na nararamdaman kong onti-onting dinudurog ang aking katauhan. Pinagmasdan ko kayo sa malayo habang magkahawak-kamay na naglalakad palayo. Masaya pa din sa kabila ng nangyari.

May isa lang akong hiling. Sabi nga nila, makikita mo ang halaga ng isang tao kapag wala na siya sa tabi mo. At sana, sana maging totoo ito.


Dahil hindi ko na ma-resteem itong orihinal na post ng patimpalak isasama ko na ang link ng pinakabagong post tungkol dito. Salamat @lhyn sa oportunidad na ito.

Sa akin ang imaheng ginamit.

Mayo 25, 2018 - 9:22 PM

emdesan (1).png

received_1899007856785127.gif

Sort:  

Entered! Good luck! ^_^

Please don't forget to upvote this post.

Upvoted madam :)

You just received a Tier 0 upvote! Looking for bigger rewards? Click here and learn how to get them or visit us on Discord
If you would like to opt out of receiving comments reply with STOP

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 65133.17
ETH 3480.37
USDT 1.00
SBD 2.52