Steemit Philippines Photography Contest Week 4-Black and White Photography: Bisekleta sa Umaga

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang umaga mga ka Steem! Natawa ako at natapos na ang DiaryGame week18, ang nasa draft ko ay di ko parin natapos.

Kamusta po kayong lahat? Sana'y ipagkaloob ng Mas Makapangyarihan na ilayo tayo sa mga sakit and trahedya.

Maaga akong nagising kaninang umaga at bumangon na para mag saing. Isinampay ko na din ang mga nilabhan ko kahapon na hindi natuyo dahila makulimlim ang panahon. Ilang saglit pa ay umalis na ako sa bahay para mag trabaho.

Maganda ang panahon, bughaw ang kalangitan at may mapuputing nga ulap, yan ang natanaw ko nang sumulyap ko sa kalangitan. Napag dasal ako at nagpasalamat sa Dios at bumaybay na sa daan gamit ang aking bisikleta.

IMG_20210906_084635-01.jpeg

Sampung minuto akong nag bisekleta para makarating sa trabaho. Di kasi ako maihatid ng asawa ko dahil ang pamangkin nya ay kumukuha ng modyul sa paaralan.

Mula nang mapabalita ang pandemya at nag lock down ay nagpabili ako ng bisekleta sa asawa ko. Dumoble kasi ang pamasahe ng sasakyan, mula sampung piso ay bente pesos na sa isang sakayan lang. Hindi lang dahil sa namamahalan ako ng pamasahe kundi takot akong makipag salamuha sa ibang tao o kayay maupo sa sasakyan na di na disinfect. Kung sinu sino lang kasi ang nakakasakay ng mga pampublikong sasakyan at napakadelikado kung makakakakuha ako doon ng virus at madala ko sa pamilya.

Ipinag pasalamat ko di ang sitwasyon ngayon dahil nakaka ehersisyo ako nang konti at nakakalabas din ang pawis ko. Sa uwian naman, minsan lang ako nag bibisekleta pauwi, ang sampung minutong pagbaybay papunta sa trabaho ay maging apat na pung minuto pag uwi. Naka incline kasi pataas kaya medyo mahirap talaga. Mabuti nalang at minsan nakakasakay ako at ang bisekleta ko sa sasakyan ng maing butihing manager. At laking pasalamat ko sa Dios sa kabutihan nya.

Sa pagkuha ko ng larawang ito ay nakatawid na ako sa highway, malapit na akong makarating sa. Trabaho ngunit huminto ako saglit para kunan ng litrato ang bundok sa malayo.

Hanggang dito nalang angbpost na ito. Maraming salamat at mabuhay ang Steemit Philippines!

Iimbitahin ko sina @jb123 @JuRich at @jewel89 na sumali s apatimpalak na ito.

Sort:  
 3 years ago 
Judge: @loloy2020
CategoryDetails (✅/❌)
Theme: Black and White Photography
Fully Verified
Correct Title and Tags
Used the #steemexclusive tag
At least 300 Words✅/342 Words
1 Photo per Entry
Mentioned 3 Friends
Write-ups RatingGood
Criteria for JudgingRatings/Score)
1. Relevance to the theme9
2. Creativity8.3
3. Technique8.3
4. Overall impact8.5
5. Quality of story8.8
Total Ratings/Score8.6
 3 years ago 

Hello ate @yoieuqudniram,

Maraming salamat sa pagbahagi ng iyong post at entry para sa week na ito. 😊😊

 3 years ago 

@yoieuqudniram

Relevance / Adherence to the theme: Black and White Photography - Current Events
30%
Score: 95% 28.5

Visual Impact

The distinctiveness of the photo if a person would actually take a second glance of it and how it stands out from the rest.
30%
Score: 94% 28.2

Photo Quality and Composition:

This applies the basic rules in photography. Subject, background, clarity, sharpness, technique, rule of thirds, etc.
40%
Score: 95% 38

Total Score: 9.47

 3 years ago 

Thank you

 3 years ago 
CriteriaScore 0-10
Relevance to the Theme.8.5
Creativity.8
Technique.8 .5
Overall impact.8
Story.8.5
Total.8.3
 3 years ago 

Thank you

 3 years ago 

Hello sis @yoieuqudniram gusto ko yang ginagawa mo sis ang mag bike everyday. Sabik ako sa bike 😅 hehehe
Stay safe always sis sa araw araw mong nsa high way.

 3 years ago 

someday sis, baka ipaakaloob ng May kapal na makaka bike ka araw araw.

Salamat sis, triple ingat na po ako pag nasa daan.

 3 years ago 

Maganda talagang exercise ang pag bisekleta..

 3 years ago 

Hello po,

Maraming salamat sa pagsalit sa ating Photography Contest Week 4.

Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.

Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at Social Media Accounts.

New Contest Alert:

God Bless po!!!

 3 years ago 

Maganda yang ginagawa mo sis aside na exercise ang pagbibisikleta eh nakakatipid ka din sa pamasahe araw araw plus iwas sa siksikan sa mga jeep or bus the great thing is araw araw ka nakakakita ng kagandahan ng iyong kapaligiran. Magandang tanawin sa kalangitan yon nga lang kapag uulan mahirap din. Ako din noon binibisekleta ko din ang aming office mga thirty minutes din na pagpapadyak. Pinahinto nalang ako ng aking asawa dahil maraming beses na akong ginigitgit ng mga bus sa hi-way. Pinagkakatuwaan lan gnila ako samantalang maluwag naman ang daan walang ibang sskyan sa daan pero sadyang niloloko nila ako na may insidente na natumba ako sa gilid ng hi-way sa shoulder kaya hinabol ko yong bus at pagdating sa bus station nireklamo ko yong driver ng Victory liner na reputasyong mga kaskasero ang mga driver nila. Simula noon ayaw na ng asawa ko mag bisikleta ako.
Kaya ingat din sis sa pagbibiyahe.

 3 years ago 

Thank you sis.oo, triple ingat po talaga ako sis, mahirap na kasi pag may mangyari, wala kasing rewind. Sinisikap kong dumaan sa gilid para iwas disgrasya na din sis. Natigil ako ng mga dalawang buwan kasi di na masyado kumakapit ang breaks. Mabuti at ginawa ng asawa ko

 3 years ago 

God bless all our husbands tlaga they are always there to support us. Always stay safe sa pagbike mo sis ha.

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 54166.76
ETH 2272.15
USDT 1.00
SBD 2.34