Steemit Philippines Photography Contest Week 1

in Steemit Philippines3 years ago

Isang magpag palang araw mga ka steem!

Ikalawang pagsali ko ito sa ating photography contest na pinangungunahan ng @steemitphilippines Community laking tuwaa ko nang nakapasa ang aking unang entry sa patimpalak na ito.

Halos lahat tayo ay mahilig sa mga bulaklak. Nag dadala kasi ito ng kaligayahan at kulay ng ating buhay.

Pansin ko nga na sa tuwing araw ng mga puso at undas, tumataas ang presyo ng mga bulaklak ngunit marami parin ang bumibili neto para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Noong magkasintahan pa lamang kami ng aking asawa ay ika isa nya lang ako nabigyan ng bulaklak, at pinitas nya pa yun sa gilid ng daan. Syempre nakakakilig yun. Kontento at masaya na kasi ako sa mga malilit na mga bagay. Ngunit ngayong mag asawa na kami, maraming mga bulaklak ang itinanim nya para sa akin. Mas sweet yun diba? At halos araw araw pang namumulaklak, kaya para naring binibigyan nya ako ng bulaklak araw araw.

Sa mga post naman sa mga social media platforms ay madalas mga nagbubukahang mga bulaklak ang makikita. Doon kasi makikita ang ganda ng bulaklak at doon din mas mabango ito. Oo maganda ang full bloomed flower pero iba kasi ako, ang weird ko. Gusto kong makita ang bulaklak bago paman ito bumuka. Kaya nang nakita ako itong vanda flower noong Agosto uno, na unexpected escapade namin ng asawa ko agad kong kinunan ng litrato. Sa tagal ko sa mundo, ngayon lang ako nakakita ng young vanda flower.

IMG_20210801_115549.jpg

Sana po ay makita nyo ang beauty na nakikita ko sa larawang ito.

Love,
@yoieuqudniram

Nasa link po na ito ang istorya ng aming travel escapade
https://steemit.com/hive-169461/@yoieuqudniram/the-diary-game-season-3-august-1-2021-ang-aming-di-inaasahang-pag-gala

Sort:  
 3 years ago 

Hello po @yoieuqudniram,

Maraming salamat sa pagsalit sa ating pinaka bagong Photography Contest.

Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktivo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.

Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account.

@steemitphcurator

God Bless po!!!

 3 years ago 

Kasiyahan ko po ang maging aktibo, sinubukan ko pong mag post palagi ngunit di pa makisama ang aking signal sa pag upload ng mga larawan. Humanap napo ako ng ibanv network na. Malakas ang data signal gamitin upang arawnaraw na akong makapag post sa ating komunidad. Marami pong slamat

 3 years ago 

Ang ganda ng orchids mo ate. Same sa amin tinatawag namin yang "vanda" 😁

 3 years ago 

Di yansa akin del. Nakalimytan ko palang i mention doon sa post na di ito sa akin

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 57983.59
ETH 3132.93
USDT 1.00
SBD 2.44