The Diary Game Season 3 (August 1,2021):Ang Aming Di Inaasahang Pag-Gala.

in Steemit Philippines3 years ago

Hello po sa lahat. Kamusta po? Ikinasiya kong pwede paring mag post ng DiaryGame sa @steemitphilippines Community. Marami pong salamat lalong lalo na sa ating Community curator, ako'y nakatanggap ng consolation price sa nag daang contest.

Ika-1ng Agosto, ako at ang aking asawa ay nangalakal doon sa aming kaklase noong kami ay elementarya pa lamang. Maaliwalas ang panahon, sa totoo ay mainit ngunit dahil naka mototsiklo kami,hangin ang mas naramdaman namin.
IMG_20210801_103131.jpg

Bibong bibo ang mga anak nila sa pagtulong sa pag hanap ng mga pwede naming bilhin dahil sa kanila na ang bayad ng kanilang makikita sabi ng kanilang mga magulang.

IMG_20210801_104423.jpg

Scrap na mga parte ng motor naman ang naibneta ng kanilang mg amagulang sa amin. Eto ang aking asawa, nag titimbang ng bakal.

IMG_20210801_105741.jpg

Nang matapos kami doon a napagpasyahan naming baybayin ang daang ito na bagong ginawa at di pa namin nadaanan ng aking asawa. Mula nang magkatrabaho ako at naging tatlo ang anak namin ay minsan nalang kaming makagala.

IMG_20210801_120310.jpg

Kinabahan na kami dahil sa aming pag iisa sa daan nang may dumaan ding naka motorsiklo at napagtanungan namin kung saan ito papunta. Laking tuwa ng aking asawa dahil pamilyar sa kanya ang aming mapupuntahan, nadaanan namin ang bahay ng kanyang kaibigan kung saan sila doon natulog minsan.

IMG_20210801_121946.jpg

Napuntahan din namin ang bahay ng aking tiyuhin, ngunit wala sila doon. Pinsan ko lang ang basa bahay nila at itong nakakatuwang langka ang nakakuha ng atensyon ko. Pinintahan ng kanyang mga anak ang bunga na ito at wala nadaw syang magawa dahil tapos na at wala nang mapupuntahan kung magagalit pa sya.

IMG_20210801_121151.jpg

At dahil mag aala una na ng hapon at wala pa kaming pananghalain ay di na kami nagtagal doon, umuwi na kami na baon ang kasiyahan at ang mga litrato ng mga magagandang tanawin na aming nadaanan.

IMG_20210801_125408.jpg

Mainit ang panahon ngunit di namin randam. At dito nagtatapos ang aming di inaasahang pag gala noong linggo.

Sort:  
 3 years ago 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

 3 years ago 

Thank you so much po. God bless our community

 3 years ago 

Wow, ang ganda naman ng lugar nyo ate. Ang lupa ay kulay pula, sabi nila nakakamansa daw ng damit. 😊

 3 years ago 

Napadaan lang ako dito Del, di ko kabisado ang lupa nila. Ang tanging alam ko ay ang lupang pula ay wala na masyadong nutrisyon para sa tumutubong mga halaman

 3 years ago 

Yan ang mahalaga nag enjoy amg pamikya sa buong linggo. Darsp kasama kapamilya.

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 58559.96
ETH 3156.41
USDT 1.00
SBD 2.44