The Diary Game Season 3 (10/22/21) | Paraan ng paglilibing sa isang yumaong Tsino
Hello Steemians!!!
Nung mga nakaraang araw nabanggit ko na din na may Chinese friend ako na nakaburol sa kanilang temple.Namatay sya dahil sa covid 19. At makalipas ang isang buwan, ngayon ay maililibing na sya sa kanyang permanenteng pahingahan.
Di ko alam kung paano ba ang mga ritwal na ginagawa dito pero ipapakita ko lamang sa inyo ang mga kaganapan sa loob ng templo.Makibahagi tayo sa kanilang tradisyon.
Ayan ang mga larawan sa loob ng templo may mga dasal din sila bago ilibing ang abo ng isang yumao.
Pagkatapos na mailagak ang kanyang abo sa kanyang permanenteng lalagyan o ang tinatawag na columbarium inilabas ang mga papel na pula at mga iba pang gamit sa ritwal at ito ay sinunog na bilang bahagi din sa kanilang seremonyas.
Matapos ang maikling pasasalamat,kami ay naglibot saglit sa loob ng templo at sa paligid nito .Dahil dito kinunan ang eksena sa pelikula na mano po kaya nilibot din namin ito.Narito ang ilang larawan na kuha sa templo.
Matapos ang aming paglibot sa paligid ng templo,kami ay namahinga sandali at nagpaalam na sa mga kaanak ng namatay.
Yan ang mga nakita ko na tradisyon ng mga Tsino na kung ihahambing sa ating mga Pinoy ay may pagkakatulad din.Magkaibang lahi pero may pagkakatulad sa mga tradisyon na pinapahalagahan.
Hanggang dito na lamang at mag ingat po ang lahat.
@reginecruz
Amorequeen
Nakikiramay po ako sa kaibigan nyu Ate sis @reginecruz 🌼🌼🌼
..thankyou po Ate sis shinare mopo dto ang templo nila..ang ganda po sa loob at labas.
Oo.nga sis.ganda.din dyan
Condolence sa friend mo Sis. Buti naka attend ka ng tradisyon nila.
Greetings to you @reginecruz,
I am inviting you to join and commit to #club5050 program, also dont forget to use the tag #club5050-philippines whenever you post here at Steemit Philippines community. For more information please refer to this link.
https://steemit.com/hive-169461/@juichi/how-to-get-a-membership-badge-of-club5050-philippines