Ang Aking Munting Tulong sa Kapwa Ko!|20% ay para sa @steemitphcurator|by @maris75
20% na reward ay para sa #steemitphcurator!
Magandang buhay sa ating lahat lalo na dito sa ating community Steemit Philippines.
Sana nasa mabuting kalagayan at kalusugan tayo lalo na ngayon na andito pa tayo sa gitna ng pandemya. Ang magandang balita ay lumiit na ang datus sa mga bagong kaso ng covid araw- araw. Sana dumating ang panahon na mawala na ito at malaya na tayong pumunta at magawa ang gusto nating gawin.
Nais kong ibahagi dito ang aking estorya at ang maliit kong nagawang tulong sa aking kapwa. Ako ay nagtrabaho sa isang export economic zone dito sa Cebu (MEPZ). Tuwing umaga dito ako dumaan at maglakad sa gate 1. Kadalasan may mga pulubi na nakaupo sa tabi ng daanan namin at talagang mapansin sila kase medyo maliit lang ang dadaanan. Binalewala ko lang sila ng maraming beses. Ngunit isang umaga medyo nagi guilty na ako at nagbigay ng kunting barya. At lagi ko na rin nagbigay na barya barya lang. Sa kabila mayron ding nagbenta ng mga kakanin at naisipan kong bumili ng suman at binigay ko sa batang pulubi kasama rin niya ang kanyang ina na pulubi din. Ang sarap ng aking pakiramdam ng makita ko ang masayang ngiti sa bata na tumanggap sa aking binigay na suman. Simula noon naisipan kong magbigay ng ulam at kanin sa umaga para naman sila ay makapag almusal.
Kaya kinabukasan naghanda na ako ng kanin at tubig nilagay ko sa plastic. Naisipan kong bumili ng dalawang fried chicken para sa ulam nila kaya sinamahan ko nalang din ng sawsawan para masarap ang kain nila. Doon nalang ako bumili ng fried chicken sa suki kong vendor.
At ito na ang kompletong almusal para sa kanila fried chicken, kanin at tubig na nakalagay sa plastic. Mas healthy ang tubig lang kaysa soft drinks o kaya juice.
SA pagbaba ko ng jeep, nakita ko na sila ang pulubi na may kasamang bata. Buti nalang di masyadong maraming tao sa oras na iyon. Laking pasalamat nila ng e abot ko ang pagkain sa kanya. Masaya din ko na kahit papaano ay nakakatulong ako sa lubos na nangangailangan. Nararamdaman ko ang tunay na kaligayahan sa loob. Totoo pala ang sabi na pag nagbigay ka ng buong puso, maramdaman mo ang totoong kaligayahan.
Sana marami pang biyaya na dumating para kahit kunti ay makatulong din sa iba. Maraming salamat sa inyong lahat sa pagbigay ng oras at sa pag bisita.
Sa mga namumuno sa community natin nila ni sir @juichi at sir @loloy2020 salamat sa pag supporta sa amin palagi.
God bless us all!
Taos-pusong Nagpapasalamat,
@maris75
God bless your good heart Maam.
Thank you mam.Maynalang nakatabang bisan ginagmay.
Congratulations @maris75!
This post has been chosen to be recommended for booming support today. Continue making quality posts here at Steemit Philippines Community. Remember to always follow the #club5050 rule for more chances of curators' upvote. Link
Show your support by delegating your steempower to our community.
Thank you so much 💞💕.