Club5050|| Diary Game Season 3|| August 7, 2022|| "Ginisang Kalabasa Recipé"
Edited By: Canva Application
Magandang gabi sa lahat..
👉 Kalabasa
👉 Bawang
👉 Sibuyas
👉 Mantika
👉 Tuyo
Bago ang lahat dapat, balatan ang kalabasa at hiwain sa maliliit na piraso. Nakakatulong ito para madaling lumambot at maluto ang kalabasa, pagkatapos nito ay hugasan ito ng malinis na tubig para matanggal ang mga dumi na nakakapit dito.
Dapat hiwain din sa pinong-pino ang sibuyas at bawang ang paghiwa-hiwa sa maliliit na piraso ay nakakatulong ito upang madaling maluto ang sibuyas at bawang.
Mag-init ng mantika sa kawali at kapag mainit na ang mantika ay agad ilagay ang bawang at sibuyas. Gisahin ito hanggang lalabas na ang bango at magiging kulay golden brown ito.
Isunod ang paglagay ng kalabasa sa kawali at haluin ito ng mabuti. Pagkatapos haluin ay lagyan ito ng kaunting tubig para sa sabaw, kung hindi naman mahilig sa sabaw ay pwede ring hindi lagyan, naluluto pa rin ito sa pamamagitan ng kanyang katas o tubig. Pagkatapos, lagyan ng tuyo o soy sauce at haluin uli ng mabuti. Takpan ito para madaling lumambot at maluto ang kalabasa.
Kapag malambot na ang kalabasa ay lagyan ng seasonings, nakapagbibigay ito ng magandang lasa sa ating mga linuto. Kapag naglalagay ng seasonings, dapat hwag nang maglagay ng vetsin at haluin ito ng mabuti.
Lagyan ng kaunting asin at haluin ito ng mabuti para maging balanse ang lasa nito. Hwag agad lagyan ng maraming asin para makontrol ang alat nito. Pagkatapos haluin ay takpan uli ito at hintaying maluto.
@tipu curate
;)
--
This is a manual curation from the @tipU Curation Project.
Upvoted 👌 (Mana: 3/7) Get profit votes with @tipU :)
Thank you very much..
Wow! Sarap Yan ahh, maganda pa sa mata Yan.
Tama ka ate.. salamat po. ☺️
ang healthy and nutritious netong recipe mo Del. Panigurado napakasarap din neto.
Salamat ate.. basta may lutong pagmamahal, masarap talaga ang niluluto. ☺️
fave ko talaga ang kalabasa.. thanks for sharing this!
Luzon Mod,
@junebride
Me too ate.. Thank you sa rate..☺️
Ay ang sarap niyan and nutritious pa.
Yes ate.. ☺️☺️ maraming sustansya ang nakukuha dito sa poso ng saging. ☺️☺️
sarap naman!
Yes ate , Thank you po.. 😊