The Diary Game Season 3|| Pagbisita namin sa dalawang Lungsod para makita ang nga Magagandang Christmas Lights Display 🎉🥳🎄

in Steemit Philippines2 years ago

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Ang buwan at season ng Pasko ay nararamdaman pa rin lalong lalo na ang pagmamahalan ng bawat isa. Para malalaman din nating lahat, ang tunay na diwa ng Pasko ay hindi lang mga handaan o kahit mga pagbibigayan ng mga regalo o pagsagawa ng mga reunion dahil ang tunay na diwa ng Pasko ay dahil meron tayong tagapagligtas na ipinanganak upang tubusin at tanggalin ang lahat ng ating mga kasalanan. Laking pasasalamat natin sa Dios dahil ibinigay Niya ang kanyang bugtong Anak para sa atin dahil sa laki at lawak ng Kanyang pagmamahal sa atin.

Ngayon naman, ibabahagi ko sa inyong lahat ang nagdaang pamamasyal namin sa dalawang Lungsod na kung saan meron silang mga Christmas Lights Display na napakaganda tingnan kasama ng aking kaibigan at ng aking minamahal.

20221228_133111_0000.jpg

Mga ilang araw nga ang nagdaan ay nagsimula ng binuksan para sa mga bisita ang plaza ng dalawang Lungsod dito sa amin na merong nga Christmas Lights Display at ito ay ang Lugait at ang Manticao.

IMG_20221215_201508_481~2.jpg

Ang kaibigan ko nga na si Sir Dan ang nag plano na kami ay magbisita sa dalawang Lungsod na ito dahil hindi pa siya naka bisita at dahil nga sa gusto ko ring maka bisita kasama ang aking minamahal, kaya ininyayahan ko siya at pumayag naman. Mga nasa oras na 5:00 ng hapon ako pumunta sa bahay ng aking kasintahan para kunin siya at humingi ng permiso upang maka bisita sa dalawang lugar kasama ng aming kaibigan. Nagkita nga kami doon sa unang lungsod sa lugait ng mga nasa oras na 7:00 ng gabi at agad din kaming humanap ng makakainan ng aming haponan dahil gutom na din kami.

photocollage_20221228143628789.jpg

Pagkatapos nga naming kumain ay agad kaming nagpunta sa plaza dito sa Lugait at nakita na din namin sa wakas ang kanilang mga Christmas Lights Display at masasabi naming maganda naman bagamat parang hindi pa tapos ang iba. Ang una nga naming pinuntahan ay itong napakaganda display na para bang nasa loob ng isang magandang capsule ng spaceship. Na enjoy talaga namin ang unang tanawin nila dito.

photocollage_2022122814419992.jpg

Pagkatapos ng una naming pinuntahan at nagpunta din kami agad-agad sa iba pang mga display nila dito na magaganda para ma sulit talaga namin ang aming pagbisita dito. Inisa isa talaga namin ang pwede naming makuhaang mga larawan lalong lalo na sa aming dalawa ng aking kasintahan para meron kaming mga memories na magkasama. Huling pinuntahan nga namin ay itong malaking word ng lungsod at ilang sandali lang din ay napagpasyahan na naming umalis at pumunta sa kasunod na lungsod, ang Manticao na kung saan sa lungsod na ito dito kami nakatira.

photocollage_20221228145424378.jpg

Ngayon naman ay nakarating na din kami sa wakas sa ikalawang lungsod, ang Manticao na kung saan masasabi talaga naming mas malawak at mas maganda ang mga Christmas Lights Display na ginawa nila dito dahil mas marami at mas malalaki at pinaghandaan talaga ng mabuti. Una talaga naking pinuntahan itong nga bilog-bilog na display na anggara at ang gandang tignan kapag ikaw ay nasa loob nito at kuhaan ng mga larawan. Hindi din namin pinalampas ng aking kasintahan na makapagpa pa picture kaming dalawa dito at ng kaibigan namin na ginawa naming tagapag picture, mabuti na lang mabait siya.

photocollage_202212281514559.jpg

Medyo mas naging matagal ang aming pagbisita sa plaza dito dahil nga sa mas marami ang mga tanawin nila dito at mas magagara at magaganda. Mga ilang minuto ang aming pag gagala dito at nilibot namin ang buong lugar para maka kuha ng mga larawan sa bawat display nila dito. Meron nga malalaking mga Stars dito at malaking Christmas Tree na mas nagdagdag ganda sa lugar.

photocollage_20221228156144.jpg

Mga ilang Christmas Lights Display na lang ang natira na aming pupuntahab dahil kailangan na din naming umuwi dahil medyo gabi na talaga. Isa nga sa huli naming pinuntahan ay itong magandang Water Fountain na meron dito dahil meron din itong lights na nilagay na mas nagbigay ganda dito at ang pinaka huli din bago kami umuwi ay itong apat na malalaking Stars na nagpapalit ng mga ilaw.

Talaga naman pong maganda at napaka memorable ng pag bisita namin sa dalawang lungsod na ito dahil nakita at nakapag picture ako kasama ng aking kasintahan at ng aking kaibigan, masayang masaya kaming lahat. Salamat sa Dios dahil naka uwi din kami ng masaya at ligtas.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  
Congratulations!
This post has been upvoted through steemcurator07.
We support quality posts anywhere and any tags.
Curated by : @steemdoctor1

TEAM 4 CURATORS

 2 years ago 

Merry Christmas ninyo Mel! Merry gyud ang imong Christmas! ❤️

 2 years ago 

Merry and sad at the same time kay ni larga na siya...pero dali ra lage ning panahon...wa ta kabantay maka balik na dayon sya...😁

 2 years ago 

Kanindot sa mga lightings. Merry Christmas ☺️

 2 years ago 

Ka maanindot sa mga Christmas decor sa duha ka lungsod. Happy New year sir.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 65697.93
ETH 3342.39
USDT 1.00
SBD 2.63