The Diary Game Season 3 || My Birthday Celebration kasabay ng aking Best Friend 👉#burnsteem25

in Steemit Philippines2 years ago

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Isa sa pinakahihintay kong kaganapan sa aking buhay ay ang pagdiriwang ko ng aking kaarawan dahil sa kabutihan ng Dios ay binigyan pa Niya ako ng karagdagang taon para maglingkod at magbigay papuri't pagsamba sa Kanya at mas naging espesyal ang tuwing magdiriwang ako ng aking kaarawan dahil kasabayan ko rin ang aking best friend at kapatid sa pananampalataya sa Dios.

20221017_174924_0000.jpg

Dumating na nga ang pinaka especial na araw sa aking buhay dahil ito ang araw kung saan ipinanganak ako at inenjoy ang kabutihan ng Dios. Mga gabi pa nga bago sumapit ang aking kaarawan ay meron ng iilan na nagbigay mensahe sa aking kaarawan kaya labis ang pasasalamat ko sa Dios dito.

photocollage_202210171889915.jpg

Mas naging maganda ang araw na ito dahil nga Linggo at araw ito ng aming pagsamba sa Dios kaya sa Church namin ako nag celebrate ng aking kaarawan.

Gabi lang ay naghanda na ako sa aking mga lulutuing mga pagkain na aking dadalhin para kinabukasan mga 5:00 pa lang ay nagluto na ako para maagang matapus. Salamat din ako sa aking ina na siya talagang tumulong sa akin sa pagluluto.

Mga 9:00 ng umaga na kami nakarating sa aming Simbahan at agad na sinimulan ang aming gawain sa araw na ito. Nagbigay kami ng mga papuri't pagsamba sa Dios sa pamamagitan ng mga pag awit at pagsayaw sa Dios. Napakinggan din namin ang mga Salita ng Dios na ang nagbahagi ay ang aming Pastora at asawa ng aming Senior Pastor, na nagbigay sa amin ng karagdagang kaalaman at paniniwala sa Dios kaya nararapat lamang pasalamatan ang Dios.

photocollage_20221017182336717.jpg

Pagkatapos nga na makapagbahagi ang aming Pastora ay tinawag din kami ng aming Senior kaming dalawa ng aking best friend para makapag pray at makapag declare ng mga blessings para sa aming dalawa at salamat sa Dios sa lahat ng mga dasal at declaration at tinatanggap namin itong lahat sa pamamagitan ng aming paniniwala at pagmamahal sa Dios. Pagkatapos ng aming Church service ay pinagsalohan na naming lahat ang mga pagkain na inihanda ko para sa kaarawan ko ngayon.

photocollage_20221017185445125.jpg

Pagsapit ng hapon ay meron din kaming ginawang Sunday Service dito sa Acmac Iligan City dahil meron kaming Outreach dito at mga nasa oras na 2:45 ng hapon na kami nakarating dito at nagsagawa din kami ng maikling birthday celebration dito. Nag order ako ng kaunting pagkain sa isang restaurant para salu-salohan naming lahat. Kahit papano ay nakapag salo-salo kami dito pagkatapos ng aming fellowship.

photocollage_20221017185913274.jpg

Ngayon naman, hindi pa rin natapos ang aming pagdiriwang ng aming kaarawan dahil pagsapit ng gabi ay meron din kaming ginawang Birthday Celebration kasama naman ang mga kaibigan namin at tinuturing ko na ring mga nakakabatang kapatid dito sa isang resort na malapit lang sa amin at ito ay ang La Conception Beach Resort at ang motif nga namin dito ay Hawaiian kaya bumili pa talaga kami at nilibre ang mga batang ito para lang makapag Hawaiian kaming lahat at mga bago.

Dito nga ay meron kaming ginawang munting programa, nag bahagi sila ng mga mensahe para sa amin at labis talaga ang pasasalamat namin sa Dios dahil dumating sila sa mga buhay namin. Pagkatapos ng maikling programa ay pinagsalohan na naming lahat ang mga pagkain na enorder namin sa isang restaurant, at busog na busog kaming lahat. Nag fellowship din kaming lahat, nag awit ng mga awitin para sa Dios at nag bigay papuri't pagsamba sa Kanya.

Sa resort na ito na lang din kami natulog dahil mag overnight kami dito. Sa kabuoan nga ay talagang nagpapasalamat ako sa Dios sa lahat ng Kanyang ginawa sa aking buhay lalong lalo na sa kaarawan ko ngayon dahil sa lahat ng aking pangangailangan ay ibinigay Niya sa akin, karagdagang taon upang maglingkod at magbigay papuri't pagsamba sa Kanya at sa lahat lahat, kaya pasasalamat lang ang maibigay ko sa Kanya.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  
 2 years ago 

Happy Birthday, bro.

 2 years ago 

Salamat bro...

Coin Marketplace

STEEM 0.23
TRX 0.12
JST 0.029
BTC 66758.87
ETH 3484.13
USDT 1.00
SBD 3.17