The Diary Game Season 3 || Ang panibagong Cell Group Fellowship at ang maikling Fellowship o Bonding naming Magkakaibigan 👉#burnsteem25

in Steemit Philippines2 years ago

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Sa bawat araw na nagdaan, masaya akong ibahagi ang mga magagandang kaganapan sa aking buhay na sana rin ay nakakapagbigay inspirasyon sa inyong mga buhay at ang lahat ng ito ay dahil sa pagmamahal at kabutihan ng Dios kaya nararapat lamang na Siya ay papurihan at pasalamatan.

Para sa araw na ito, ibabahagi ko sa inyo ang panibagong Cell Group Fellowship namin dito sa aming lugar at ang nangyaring bonding naming mga magkakaibigan.

jpg_20221012_223742_0000.jpg

Ang aming Cell Group Fellowship nga sa araw na ito ay gaganapin sa bahay ng isa sa aming membro na medyo nasa bundok pero hindi naman siya gaanong malayo kaya kayang kaya lang na lakarin. Mga 3:00 nga ng hapon kami nag simula doon dahil noong umaga ay naghanda pa sila.

photocollage_202210130268480.jpg

Ilang saglit lang pagkatapos kaming makarating ay sinimulan na din namin agad-agad ang aming gawain sa pamamagitan ng opening prayer at sinundan din ito ng mga testimony na kung saan bawat isa sa amin ay nagbahagi ng mga magaganda at nakakapagbigay inspirasyon sa amin na pagpapakatutuo ng Dios sa aming mga buhay. Pagkatapos ay sinundan din ito ng mga awitin para sa Dios bilang aming pagbibigay papuri't pagsamba sa Kanya.

IMG_20220923_152706_667~2.jpg

Sa aming fellowship din ngayon ay hindi ko inaasahan na ako pala ang magbabahagi ng mga Salita ng Dios kaya on the Spot akong nakapag hanap ng ibabahagi sa lahat pero nagpapasalamat pa rin ako sa Dios dahil Siya mismo ang makikipag usap sa bawat isa sa amin dahil instrumento lang ako na gagamitin Niya. Kaya ngayon ibinihagi ko sa kanila ang bunga ng Balaang Espiritu na siyang nagbibigay sa atin ng magagandang asal na magagamit natin sa pang-araw araw na pamumuhay at upang makapagbigay inspirasyon din sa lahat.

IMG_20220923_154806_166~3.jpg

Mga nasa oras na iyon na 5:30 ng matapos ang aming fellowship at oras na upang salu-salohan ang mga snacks na inihanda nila para sa aming lahat at talaga naman nakaka busog ang lahat ng ito dahil ito ay mga Saging at meron ding buko juice na nakakapatid uhaw.

photocollage_2022101304234399.jpg

Pagsapit naman ng gabi ay meron kaming bonding moments kasama ng aking mga kaibigan, anim kaming lahat na nag punta sa dagat upang makapag bonding at makapag usap-usap na rin sabay ang maikling fellowship.

Bago nga kami nag punta sa dagat ay bumili muna kami ng mga inihaw para aming uulamin sa aming haponan. Niramihan na din namin para busog na busog talaga kami. Para naman sa aming kanin ay bumili kami ng poso o kanin na nilagay sa dahon ng niyog na parang pormang puso.

Pagkatapos nga kaming mamili ay agad kaming nagpunta sa dagat at naghaponan. Pagkatapos ng aming haponan ay nagsagawa nga kami ng maikling fellowship at nagbahagi ng mga maiikling mga mensahe mula sa Salita ng Dios. Nagpapasalamat talaga kami sa Dios dahil masayang masaya kaming lahat kahit na kaunting oras lang ang aming fellowship ng aking mga kaibigan. Mga nasa oras na 8:30 ng gabi na iyon kaya oras na din na maka uwi na kami dahil malayo pa ang iba at baka mapagalitan pa sila ng kanilang mga magulang. Nagpapasalamat din kami sa Dios dahil naka uwi kaming lahat ng safe at masaya.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  

Upvote :) bye bye

TEAM 3 CURATORS

Congratulations!

This post has been upvoted through steemcurator06.
We support quality posts anywhere and any tags.
Curated by : @graceleon

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 63186.04
ETH 3392.68
USDT 1.00
SBD 2.50