The Diary Game Season 3|| Ang Pagtuturo namin sa mga Kapulisan at ang Pakikipag Meeting namin sa Principal ☝️🙌😇

in Steemit Philippines2 years ago

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Malaki ang aking pasasalamat sa Dios dahil sa walang sawa Niyang pagbibigay sa akin ng lakas sa bawat gawain na kanyang ipinagkatiwala sa amin. Ngayon nga ay ibabahagi ko sa inyong lahat ang unang pagkakataon na kami ay makakapag turo sa mga Police dito sa amin sa pangunguna nang aking Senior Pastor at ang pakikipag meeting namin sa Principal ng isang paaralan.

jpg_20230122_223130_0000.jpg

Ngayon nga ay unti-unti nang nagbabalik ang aming mga gawain para sa Dios na noong taong 2022 namin sinimulan at ngayon 2023 ay magbabalik, meron ding mga bagong gawain namin tanging sa Dios lamang namin ipagpasalamat.

Mga nasa oras na 6:00 ng umaga ay biglang nag chat ang aking pinsan at aking Senior Pastor na rin na meron kaming Mission ngayong araw at ito nga ay ang pagtuturo sa mga kapulisan sa isang Quarantine Inspection Checkpoint na malapit sa amin. Noong nabasa ko ito ay agad akong nag oo dahil nga sa ito na ang pasyon namin ang makapag bahagi at makapag turo ng mga Salita ng Dios.

Nasa mga oras na 8:30 ng umaga kami nakarating doon kasama ang isa pa sa aking pinsan na inembetahan ko din na sumama at salamat sa Dios dahil sumama siya. Pagdating nga namin doon ay nandoon na din ang aming Senior Pastor at ang mga Police ay naghahanda na. Ang ganda lang din tignan dahil hindi lang mga Police ang nandoon dahil pati din ang mga Vendors na nagtitinda doon a inimbetahan ng leader ng mga Police kaya pati sila ay nakarinig ng mga Salita ng Dios.

photocollage_202312313225889.jpg

Mga isang oras din kami dito sa kanilang baracks nagturo ng mga Salita ng Dios sa pangyayari ng aming Senior Pastor. Labis talaga ang aming pasasalamat sa Dios dahil sa opurtunidad na magamit kami dito sa mga kapulisan dahil para maging epektibu silang alagad ng Pamahalaan, kailangan nila ang Dios sa kanilang buhay. Masayang malaman lang din dahil ang gawaing ito ay aprobado ng pamahalaan dahil ito na nga ang kailangan ngayon ng mga kapulisan ang mas mapalapit sa Dios.

IMG_20230120_091147_736~2.jpg

Isa din sa hindi ko inaasahan na makita ko dito ang aking High School Classmate na isa nang Police. Matagal ding hindi kami nag kita at sa pagpasuk ko pa lang sa kanilang Baracks ay medyo familiar ang nakita kong mukha yon pala ang ka klase ko. Pagkatapos nga ng aming pagbahagi ng mga Salita ng Dios dito ay nagpa picture muna kaming dalawa kasama ng aking pinsan. Pagkatapos din ay nag kamustahan muna kami at nagtanong kung makakapunta siya sa nalalampit naming Grand Alumni Home Coming ng aming paaralan, at sabi niya na titingnan muna niya dahil nga sa busy siya sa trabaho.

photocollage_2023123134824585.jpg

Mga ilang minuto din kaming nag usap ng aking ka klase at ilang saglit lang din ay balik na sila sa kanilang duty habang kami naman ay aalis na din dahil meron kaming meeting sa isang Principal ng isang paaralan.

Mga nasa oras na 10:00 nakarating din kami sa paaralan na isang High School at pagdating namin ay wala pa ang Principal dahil merong inasikaso pero ang humarap sa amin ay ang assistant at sabi na mag hintay na lang kami, at nag hintay nga kami mga ilang munuto sa Principal. Sa wakas nga ay nakarating na rin ang Principal mga 10:50 ng umaga at dito nga ay nakipag meeting na ang aming Senior Pastor tungkol sa aming gawain dito sa paaralan na ito. Noong nakaraang taon nga mga Nobyembre nakapag simula kaming mag turo sa mga Students ng Senior High School at ngayon na bago na ang Principal, nagpapasalamat kami dahil ipinagpatuloy pa rin niya ang gawain namin dito at binigyan kami ng tatlong oras upang mag turo sa mga bata. Grabe ang buti talaga ng Dios dahil hindi Niya kami pinabayaan at nagpatuloy ang aming gawain sa paaralan na ito. Salamat sa Dios dahil naging maayos ang aming pakikipag meeting sa Principal at bago nga kami umalis ay nag alay muna kami ng mga dasal sa Principal sa pangunguna ng aming Senior Pastor.

IMG_20230120_110553_166~2.jpg

Pagkatapos ng aming pakikipag meeting sa Principal mga nasa oras na 11:40 na iyon ng umaga, sinabihan kami ng aming Senior Pastor na mananghalian muna kami bago kami umuwi sa aming mga bahay. Dito nga ay nagpunta kami sa isang karenderya na malapit lang at dito kami kumain at salamat sa Dios dahil busog na busog kaming tatlo. Pagkatapos na makakain kaming tatlo ay umuwi na din kami ng puno ng pasasalamat at ngiti sa aming mga labi sa matagumpay na mga gawain sa araw na ito.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  

TEAM 1

Congratulations! This post has been upvoted through steemcurator04. We support quality posts , good comments anywhere and any tags.
Curated by : @solaymann

Screenshot_20221130-164846_Canva.jpg

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.14
JST 0.028
BTC 59404.52
ETH 2610.92
USDT 1.00
SBD 2.41