The Diary Game Season 3|| Ang Pagtuturo namin sa mga Bata para sa Samaritan Purse OCC Children Ministry ☝️🙌😇
Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!
Sa bawat araw na nagdaan sa aking buhay, maraming mga magagandang kaganapan na tanging sa Dios ko ipagpasalamat. Ngayon nga ay isang masayang pangyayari sa aking buhay ang aking ibabahagi sa inyong lahat at ito ay ang nangyaring Children Ministry sa aming Simbahan na kung saan ako ang nagdala sa programa nito mula noong isa ako sa naka sali sa training and seminar para maging maayong ang pagtuturo sa mga bata.
Nagsimula ang aming Children Minitry mga nasa oras na 2:00 ng hapon pagkatapos ng aming Church Divine Service at mga nasa oras na 1:00 pa lang ay naghanda na kami para maging maayos ang lahat. Mga oras na iyon na 1:30 unti-unti nang dumarami ang mga bata kaya pina pasok at inasikaso na namin sila.
Saktong mga oras na nga na 2:00 ng hapon sinimulan na namin ang aming Children Ministry at inayos muna namin sila sa kanilang mga upoan habang ang ibang mga bata naman ay dumarating at para kung kompleto na sila ay madali nalang silang asikasuhin. Mabuti din naman na makita naming mabait ang mga bata dahil nakikinig naman sa amin at hindi gaanong malikot sa kanilang mga upoan. Ilang saglit naman ay sinimulan namin ang aming Children Ministry sa pamamagitan ng Opening Prayer na pinangunahan ng isa sa aming Youth Leader na si Jicel.
Ngayon nandito na kami sa aming programa para sa aming Children Ministry at sinimulan namin ito sa isang laro at noong tinanong ko nga sila ay excited silang makilahok sa laro. Ang tinuro ko ngang laro sa kanila ngayon ay ang Pairs Tag na kung saan meron dalawang tinatawag na Catcher na kailangang maghawak kamay sila lage habang hinahabol ang iba at kung mababol na ay kailangang isama sa hawak kamay hanggang silang lahat na at merong isang natira kailangang palibotan siya at maputol niya ang lahat ng mga naghawak hawak para maligtas. Kitang kita nga namin na tuwang tuwa ang mga bata at mas naging masaya ang aming pagtuturo sa kanila.
Matapos ang masaya at nakakapagod na laro ng mga bata, ngayon naman ay oras na upang maituro sa kanila ang mga lesson at ngayon nga ay nasa ikalawang lesson na kami na merong title na, " Ang Labing Dakong Problema " na nagkakahulogang ang pinakamalaking problema. Ang naka assign nga ngayon ay ako at medyo mataas ang lesson namin ngayon at nagpapasalamat ako sa Dios dahil nakikinig talaga ang mga bata sa aking pagtuturo dahil sa tuwing nagtatanong ako sa kanila ay sumasagot naman sila sa akin. Ang ibinahagi ko nga sa kanila ay tungol sa kasalanan na siyang pinakamalaking problema ng tao at kailangan ding malaman ito ng mga bata sa kabila ng kanilang mga murang mga edad. Nakikita ko naman na naiintindihan ng mga bata ang mga itinuro ko sa kanila. Isa din nagustohan ng mga bata ay ang mga activities na ginawa namin tulad ng pag drawing nila marami pang iba.
Sobrang saya talaga ng mga bata sa lahat ng mga ginawa namin sa araw na ito dahil dito labis ang aking pasasalamat sa Dios. Mga nasa oras na 3:00 ng hapon natos na kami dahil kapag medyo matagalan pa ito ay baka mabagot pa sila kaya hindi na namin tinagalan pa ang mabuti ay naturuan namin sila at naintindihan nila, pwera sa mga maliliit na bata, ang importante ay yong medyo malalaki na ang edad. Pagkatapos naman ng aming klase ay meron ding hinandang snacks para sa kanila at na enjoy naman nila itong lahat.