The Diary Game Season 3 || Ang Pagdiriwang ng Ika 23rd Year Church Anniversary and Thanksgiving ng Assembly of God Tagbalogo ๐ŸŽ‰๐ŸŽ‰๐ŸŽ‰ ๐Ÿ‘‰ #burnsteem25

in Steemit Philippines โ€ข 2 years ago

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Maraming mga pangyayari sa ating mga buhay na masasabi nating talagang napaka buti ng Dios dahil mahal na mahal Niya tayo sa kabila ng mga mahihirap na mga pangyayari ay hinding hindi Niya tayo pinabayaan.

Ngayon nga ay ibabahagi ko sa inyong lahat ang nangyaring 23rd Year Church Anniversary and Thanksgiving ng Assembly of God Tagbalogo na kung saan ako ay dumalo at naki celebrate sa kanilang Celebration.

jpg_20221129_055432_0000.jpg

Ito nga ang unang pagkakataon na ako ay nakadalo sa kanilang Church Anniversary at Thanksgiving dahil nga sa inimbita ako na dumalo at maki celebrate at natuwa naman ako dahil masaksihan ko ang kanilang pagdiriwang sa unang pagkakataon.

photocollage_202211294373855.jpg

Isang araw bago ang kanilang Celebration nga ay nagpunta na ako para tumulong ng kahit na anong pwede kong matulog pero kitang kita naman sa kanilang lahat na abalang abala silang lahat at dahil sa kanilang pagtutulong tulong ay mas naging maayos at maganda ang kanilang preparation. Bawat isa nga sa kanilang lahat ay merong mga ginagawa mula sa mga decorations hanggang sa mga presentation at itong lahat ay para sa Dios.

photocollage_2022112944238975.jpg

Kinabukasan ay araw na ng kanilang Celebration at mga nasa oras na 5:00 ng umaga ay nagising na ako at noong pumunta ako sa Church ay naging abala na ang lahat sa kanilang preparation at sa pagluluto ng mga pagkain. Ilang minuto lang din ay kumain na kami ng agahan at ilang saglit lang ay dumating ang Host Pastor ng Church na ito at doon ay nakapag usap-usap kaming dalawa tungkol sa kanyang mga pinagdaan sa pagsisimula noon hanggang ngayon at talagang nakaka inspire ang mga pangyayari. Ilang saglit lang din ay tinawag na ako para makapag bihis na dahil malapit na ding mag simula ang celebration.

photocollage_2022112945029372.jpg

Mga nasa oras na 9:00 ng umaga ay nagsimula na din ang Celebration dahil mga nasa 8:30 noon ay dumating ang kanilang Guest Speaker na kilala ko din dahil isa sa hinahangaan kong Pastor. Ngayon nga ay sinimulan ang programa ng opening prayer ay sinundan agad-agad ng mga testimony mula sa mga bagong membro at sa mga matagal ng mga membro bilang pagpapatutuo na napaka buti ng Diossa kanilang mga buhay sa tulong ng Church na ito ng mga Pastors.

photocollage_2022112945627136.jpg

Ilang saglit lang din ay nagbahagi ng dance presentation ang mga bata para sa kanilang Children Ministry Presentation at talaga namang bibong bibo ang mga bata at ang cute nilang lahat tignan. Pagkatapos ng presentation ng mga bata ay sinundan din ito agad-agad ng Praise and Worship na kung saan meron ding nag tambourine dance. Talaga ngang napakasarap at masayang mag bigay papuri't pagsamba sa Dios dahil sa lahat ng pagkakataon ay mabuti Siya sa aming lahat. Pagkatapos ng Praise and Worship ay kasunod na nag present ay ang Youth Alive Department o ang mga kabataan at ang kanilang presentation ay Sayaw, at ang galing nilang lahat.

photocollage_2022112951417429.jpg

Ngayon oras na upang makinig ng mga Salita ng Dios mula sa kanilang Guest Speaker na si Ptr. Junifer Hequilan, ang ang kanilang Tema sa Celebration na ito ay "Soar High" mula sa Bible verse na Isaiah 40:31. Dito nga ay ibinahagi ni Pastor ang kung ano ang ibig sabihin ng Soar High na sa panahon ng meron mga problema maging katulad sana tayo sa isang Agila na mas tinitibayan niya ang kanyang sarili upang mapagtagumpayan ang laban. Marami din akong natutunan sa ibinahagi ni Pastor mula sa karakter ng isang Agila sa kanyang partner na maging loyal at faithful na hanggang sa huli ay sila pa rin kahit na mawawala ang isa ay mananatiling single ang isa, masaya din ako na naka dalo dito dahil sa mga narinig ko mula sa mga Salita ng Dios.

photocollage_202211295319806.jpg

Habang at pagkatapos na nagbahagi nga mga Salita ng Dios ang kanilang Guest Speaker, hindi ko naman pinalampas ang pagkakataon na makapag pa picture sa aking minamahal kasama ang kanyang pinakamamahal na anak na balang araw ay magiging anak ko na rin. Ito ang unang pagkakataon na nakapag papicture kami na merong Celebration at nagpapasalamat ako sa Dios na pumayag siya kasi nga medyo private siya at ayaw niya muna gaanong ipakita sa mga tao ang tungkol sa amin, pero sa mga pamilya namin lalong lalo na sa kanyang pamilya ay ok naman ang lahat, hindi na sekreto dahil sa kanila pa nga ako natulog noong gabi.

photocollage_2022112953249982.jpg

Ngayon naman ay oras na ng pananghalian at salamat sa Dios dahil natapos na masaya at matiwasay ang 23rd Year Church Anniversary and Thanksgiving dito sa Church na ito at kitang kita nga na masaya ang lahat. Napakarami din ng pagkaing inihanda nilang lahat at meron dinh lechon, kitang kita nga na pinaghandaan nila ito ng mabuti.

Masaya din akong makadalo dito dahil kahit papano ay meron din akong natulong sa kanila bilang taga kuha ng mga litrato sa Celebration dahil nga sa abalang abala silang lahat. Napakasayang tigdan din ang buong pamilya ng aking minamahal na punong puno ng pagmamahal sa bawat isa at nagpapasalamat ako dahil tanggap nila ako ng buong puso na walang kahit na anong masamang salita akong narinig mula sa kanila.

Naging masaya at matagumpay nga ang kanilang Celebration mula noong gabi pa sa pag decorations hanggang sa celebration na talaga at itong lahat ay sa tulong ng Dios at itong lahat ay sa kaluwalhatian at kapurihan ng ating Dios na buhay na nasa langit.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! ๐Ÿ˜‡๐Ÿ™โ˜

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort: ย 
ย 2 years agoย 

Happy 23rd anniversary sa inyong lahat kuya.

ย 2 years agoย 

Happy 23rd anniversary po sa inyong lahat sa church nyo sir.

ย 2 years agoย 

Congrats and Happy 23rd anniv sa Church bro

ย 2 years agoย 

kita ko Heart heart sa mga eyes Mel. hehe

Happy Anniversary sa inyo church.

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 53776.88
ETH 2232.91
USDT 1.00
SBD 2.30