The Diary Game Season 3|| Ang Pagbibigay namin ng .ga Regalo sa mga Bata mula sa Samaritan Purse - Operation Christmas Child ☝️🙌😇

in Steemit Philippineslast year

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Isang magandang pangyayari ang naganap dito sa aming Church dahil sa unang pagkakataon ay nakatanggap kami ng mga regalo para sa mga bata mula sa Samaritan Purse para sa kanilang programa na Operation Christmas Child na kung saan para sa aming Church ay merong 100 mga kabataan mula sa edad na 2 hanggang 14 na taong gulang. Ngayon nga ay ibabahagi ko sa inyong lahat ang mga kaganapan mula sa pagsisimula hanggang sa pagtapus nito na talaga namang napakasayang makita na masaya ang mga bata.

Screenshot_20230311-195441.jpg

Ang aming gawain nga ay nagsimula pagkatapos ng aming Sunday Divine Service at mga nasa oras na 1:30 pa lang ay nag handa na kami bagamat medyo ma ulan ang panahon ay marami pa ring mga kabataan ang nakarating hindi lang para makatanggap ng regalo kundi para rin maka rinig ng mga Salita ng Dios.

IMG_20230305_143617_985~2.jpg

IMG_20230305_132127_646~2.jpg

Pagsapit nga ng mga nasa oras na 2:00 ng hapon ay nagsimula na kami sa aming munting programa dahil sakto din dahil nakarating na ang mga boxes na pinag lagyan ng mga regalo. Salamat nga sa Dios dahil sa maturo na rin namin ang mga natutunan namin mula sa seminar na sinalihan namin para dito. Nagpapasalamat lang din ako sa Dios dahil kahit na marami sila ay nakinig talaga sila sa akin ng mabuti kahit na bago ko lang silang nakita. Sa pagtuturo ko nga ay ibinahagi ko sa kanila ang Story mula sa ibinigay sa amin na mga Materials na merong mga visual o nakikita sa kanilang mga mata kaya mas naging maganda ang pakikinig nila sa akin.

IMG_20230305_144601_215~2.jpg

IMG_20230305_145521_607~2.jpg

Pagkatapos nga na maituro ko sa kanilang lahat ang dapat na maturo sa kanila ay sinimulan na rin naming ibigay sa kanilang lahat ang mga regalo na galing pa sa ibang bansa at sa sobrang exciting nga nito ay hindi na namin maitanggi ang sabik na makita ang mga nilalaman. Medyo marami nga ang mga bata kaya nagsimula kaming mamigay muna sa mga medyo malalaki na ang mga edad mula sa 10-14 na taong gulang dahil medyo konti lang sila, mas marami ang mga bata na mula sa 2-9 na taong gulang.

IMG_20230305_151949_165~2.jpg

Medyo natagalan talaga kaming natapos sa pagbibigay sa mga regalo dahil nga sa medyo marami sila at inisa isa talaga namin para lahat talaga makatanggap ng regalo. Mga ilang mga minuto nga ay natapos na rin naming maibigay ang mga regalo, at kitang kita talaga sa mga mata at mukha ng mga bata na excited na silang ma buksan ang mga regalo pero bago ma buksan ay nag picture taking muna kaming lahat.

IMG_20230305_152014_703~2.jpg

IMG_20230305_152209_5~2.jpg

IMG_20230305_152034_177~2.jpg

Ngayon naman mga ilang minuto matapos ang picture taking ay oras na upang ma buksan ang kanilang mga regalo at sa bilang na tatlo ay sabay-sabay nilang binuksan ang mga regalo at noong nakita na nila ang laman ng mga regalo ay talagang tuwang tuwa ang mga bata sa mga laruan at iba pang mga bagay na nasa loob at mas naging masaya din ang iba dahil meron silang mga letrato at mensahe mula sa mga tao na nagbigay ng regalo sa kanila mula pa sa ibang bansa at sinabihan namin sila na pwede silang mag message dito at baka ma suportahan sila lalo na sa mga bata.

Maraming salamat nga sa Dios dahil naging matugpay ang aming gawain ngayon araw na mula sa pagsisimula hanggang sa pagtapus nito at itong lahat ay aming ginawa para sa Dios lahat.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 64623.67
ETH 3421.73
USDT 1.00
SBD 2.51