The Diary Game Season 3|| Ang nangyaring Joint Youth Fellowship sa aming Circuit ngayong buwan ng Marso ☝️🙌😇

in Steemit Philippineslast year

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Bilang isa sa mga leader sa mga Youth ng aming Circuit at sa aming Section dito sa Lanao District, marami talagang pagkakataon na mapaghihinaan ako loob dahil nga sa hindi ito madaling gawain pero salamat sa Dios dahil hindi Niya talaga ako pinabayaan at palagi Niya akong binibigyan ng lakas upang makaya ang lahat. Ngayong araw nga na ito ay ibabahagi ko sa inyong lahat ang nangyaring Youth Joint Fellowship na kung saan ako nga ang leader ng nagdala nito dahil ako ang Circuit Leader, salamat sa ating Panginoong Hesu-Kristo.

20230315_220756_0000.jpg

Marami nga ang aking pasasalamat sa Dios dahil mag mula noong Enero ay hindi na hinto ang aming Youth Joint Fellowship dito sa aming Circuit at nagpapasalamat din ako sa lahat ng mga youth dahil sa suporta. Ngayon na meron na namang fellowship ibabahagi ko sa inyo ang mga kaganapan.

IMG_20230312_132844_084~3.jpg

Ang aming Youth Joint Fellowship nga ay naganap sa isa sa mga Simbahan na nasa malapit lang sa Highway kung kaya tiyak na marami ang makakasaling mga Youth at isinagawa talaga namin ito sa hapon ng linggo dahil alam namin na nasa kanya kanyang Simbahan ang mga kabataan kaya madali lang ma invite ng mga Youth leaders. Nakarating naman kami ng aking mga kasamang youth sa aming Simbahan mga nasa oras na 1:15 pa lang ng hapon at kami nga ang pinaka unang nakarating at salamat sa Dios dahil ligtas kaming nakarating at dahil nga sa kami pa lang ang nandito, kinoha namin ang pagkakataon para makapag picture sa kanilang Church habang kunti pa.

IMG_20230312_135851_217~2.jpg

IMG_20230312_140843_084~2.jpg

IMG_20230312_151619_844~2.jpg

Mga nasa 1:45 ng hapon ay sinimulan na din namin ang aming fellowship habang naghihintay sa iba at sinimulan namin ito sa pagkamustahan ng mga kabataan dahil medyo matagal din na hindi sila nagkikita kita at kung meron mang mga bago ay magka kilala sila. Sinundan din ito kaagad ng Praise and Worship at ang Worship Leader ng host church ang nagdala. Salamat sa Dios sa mga awiting aming iniaalay sa Dios dahil Siya lamang ang nararapat na papurihan at pasalamatan sa lahat. Hindi mapapangayan ang galak at saya sa tuwing kami ay magbigay papuri't pagsamba sa Dios.

IMG_20230312_152024_042~3.jpg

Pagkatapos ng aming papuri't pagsamba sa Dios ay oras na upang marinig namin ang mga Salita ng Dios at ang magbabahagi ngayon ay ang isa sa aming Youth Leader na si Ptra Mayeth. Ang kanyang ibinahagi ay malaking tulong talaga para sa mga kabataan dahil ito ay napapanahom lalong lalo na at ang mga kabataan ngayon ay mas tutok sa Social Media na malaking implowensya sa kanila. Kaya kailangan na maging mas mapag matyag at mas malaki pa ang panahon ng mga kabataan sa mga Salita ng Dios dahil higit sa lahat, sa Dios lamang tayo may kapanatagan at tutulong sa atin sa lahat ng pagkakataon. Salamat talaga sa Dios sa mga narinig namin at ang tanging dalangin lamang namin ay itong lahat ay maisapuso ng bawat isang kabataan.

IMG_20230312_162656_708~2.jpg

IMG_20230312_162757_376~2.jpg

IMG_20230312_162922_130~2.jpg

Ngayon naman na natapos na ang part 1 ng aming fellowship, agad naman naming sinimulan ang part 2 at ito ay ang Bible Drill Contest. Malaki din ang aking pasasalamat sa Dios dahil marami ang mga kabataan ang nakilahok sa contest dahil kailangan lang na merong isang representative bawat simbahan at merong 7 ang nakilahok. Medyo kakaiba lang din ang aking ginawang Bible Drill para mas exciting at nag enjoy naman silang lahat. Ginawa ko kasi na parang race ang Bible Drill, imbes na naka upo lamang sila ay inilagay nila ang kanilang mga Bible sa upoan at naka linya sila ma medyo malayo at pag sabi ko sa verse at go saka lang nila hahanapin ang verse at kailangang kunin ang mic at kung sino ang ma una pasok sa round 2 hanggang sa final round. Medyo nakakapagod talaga siya pero nakikita ko naman na nag enjoy ang lahat at meron nang mga nanalo at salamat sa Dios. Natapos ang aming Fellowship ng nakikita ko ang ngiti sa mga labi ng mga kabataan at itong lahat ay para sa Dios lamang.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  

Your post has been supported by @simonnwigwe from team 2 of the Community Curation Program, at 40%. We invite you to continue sharing quality content on the platform, and continue to enjoy support, and also a likely spot in our weekly top 7.
Voting date:

15/03/2023


image.png

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.11
JST 0.031
BTC 68606.74
ETH 3912.43
USDT 1.00
SBD 3.64