The Diary Game Season 3 || Ang Matagumpay naming Evangelism sa Canitoan Initao Misamis Oriental! 😇.
Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!
Sa nagdaang Diary Game post ko, naibahagi ko ang aming Prayer and Fasting na kung saan ang isa rason ng gawaing ito ay para sa preparation ng aming gagawing Evangelism sa Canitoan Initao Misamis Oriental, kung kaya para sa post kung ito, ibabahagi ko sa inyo ang kaganapan.
Labis nga ang aming pasasalamat sa Dios dahil sa matagumpay naming Prayer and Fasting para sa gawain namin sa araw na ito na Evangelism sa Canitoan Initao Misamis Oriental.
Base sa napag usapan namin, dapat mga 8:00 ng umaga nandoon na kami sa Church na kung saan doon kami magkikita lahat pero nakarating na kaming lahat doon mga nasa oras na 8:40 na ng umaga dahil marami pa din kaming inasikaso pero bagamat natagalan kami ay nagpasalamat kami sa Dios dahil safe kaming nakarating doon.
Ilang lang saglit lang ay nag grupo2x na kaming lahat habang merong apat na leaders sa apat na grupo para mas marami kaming mapuntanhan na mga bahay at makapag bahagi ng mga Salita ng Dios. Pagkatapos na makapag grupo ay nag dasal muna kami bawat grupo at pagkatapos ay nagpunta na kami sa mga bahay-bahay.
Sa aking grupo ay apat lamang kami at ako lang ang lalake sa amin pero hangang hanga ako sa kanila dahil sa porsegido silang magpa gamit sa Dios at sa tuwing sinasabihan ko silang sila ang mag share ay agad naman silang pumapayag ng walang alinlangan. Mga nasa 5 bahay lahat ang napuntahan namin at nagpapasalamat kami sa Dios dahil sila lahat ay mababait at taus puso kaming tinanggap sa kanilang mga bahay at nakinig sa amin, lalong lalo na itong si lola na nakinig talaga sa akin, salamat sa Dios talaga sa lahat.
Natapos ang aming Evangelism mga nasa oras na iyon na 11:00 ng umaga at agad din kaming nagpunta sa Church para makapagpahinga at makapagsagawa ng evaluation para sa ginawa naming Evangelism lalo na sa mga baguhan at mga kabataang kasama namin. Labis talaga ang aming pasasalamat sa Dios dahil base aa narinig namin sa mga nagbahagi ng kanilang mga experience sa evangelism ay napaga ganda at maayos dahil ang Dios talaga ang nag guide sa aming lahat at nagbigay lakas sa amin. Pagkatapos ay umalis kami papunta sa isang church na pinagdaosan namin ng Prayer and Fasting para doon kami mananghalian.
Habang kami ay papa-uwi na ay hindi namin pinalampas ang pagkakataon na huminto muna sa Municipyo ng Initao Misamis Oriental dahil madadaan lang namin ito, para maka kuha kami ng mga larawan bilang team kaming lahat. Talagang malaki ang aming pasasalamat sa Dios dahil naging matagumpay at maayos ang lahat ng mga nangyari sa araw na ito.
Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝
Mabuhay ang Steemit Philippines Community
@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter
Congratulations your post has been upvoted by the diligent team of seven, with a 30% vote percentage. we support quality posts by using @steemcurator06 . Keep using the tags #thediarygame and #country , when you write this theme Post.
Curated by @fantvwiki, July 26, 2022
Kanindot sa inyung municipal hall! Praise God for the successful evangelism!
Luzon Mod,
@junebride
makalipay magbasa ingon ani nga post ba... mga batan-on serving the Lord with joy😊
Amen ate... Salamat jud kaayo sa Ginoo pud aning mga bataa kay nagpa gamit jud sa Ginoo... 😇