The Diary Game Season 3|| Ang masayang Pagdiriwang ng ika 39th Birthday ng aming Senior Pastor - Pastor Dodz ๐ŸŽ‚๐ŸŽ‰๐ŸŽ‰๐Ÿ˜‡

in Steemit Philippines โ€ข last year

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Sa pagsisimula nga nang buwang ng Abril, marami na namang mga pagdiriwang ng kaarawan ang aking tiyak na dadaluhan dahil ng sa marami akong kakilala na nagdiriwang ng kaarawan ngayon buwan na ito at ang pinaka unang nagdiriwang ay ang aking pinsan na siyang Senior Pastor ko rin na si Pastor Dodz at isinaynga namin ito sa isang Swimming pool Resort na malapit lang sa amin, ito ngayon ang ibabahagi ko sa inyong lahat.

png_20230411_091756_0000.png

Isa nga sa inanabangan naming pagdiriwang ng kaarawan ay ang kaarawan ng aking pinsan at Senior Pastor ko rin na si Pastor Dodz kaya mga ilang araw pa lang ay pinaghandaan na namin ito bagamat ang iba ay talagang busy sa mga trabaho salamat sa Dios dahil maging maayos ang lahat.

IMG_20230406_142441_072.jpg

Sa umaga pa nga lang ay nag usap na kami ng ilang sa aming mga kasamang kabataan para makapamili at makapag decorate na sa venue. Pagkatapos nga ng aming pananghalian mga nasa oras na iyong 1:00 ng hapon ay umalis na kami papunta sa isa market para makapamili ng mga gagamiting mga pang decorations at marami pang iba, at kasama ko nga dito sila Jicel at Rose sa pamimili habang sa pag decorations naman ay kami na lang dalawa ni Rose ang natira dahil meron ding importanting mga gagawin si Jicel at ang iba pa naming mga kasama kasa hindi nakarating.

IMG_20230406_154043_682~2.jpg

Bagamat simple lang talaga ang aming decorations dahil hindi naman talaga kami gaanong marunong nito pero salamat sa Dios dahil naging maayos at maganda namn ang kinalabasan kahit na medyo hindi maganda aking pakiramdam dahil masakit ang aking ngipin at si Rose naman ay merong lagnat, salamat sa Dios dahil binigyan Niya kami ng lakas para matapos ito bago pa sila nakarating lahat.

IMG_20230406_171828_167~2.jpg

IMG_20230406_174911_351~2.jpg

Pagkatapos nga naming matapos mag decors ay nagpahinga muna kami habang paparating narin ang iba kung kaya napag desisyonan na lang din namin na mag punta sa medyo mataas na lugar na tatawagin nilang Overview dahil kitang kita naman talaga ang magandang tanawin mula dito sa itaas, at saktong sakto nga din dahil pa sunset na siya at kitang kita ang napakagandang tanawin na likha ng Dios. Mga ilang saglit matapos kaming mag picture taking dito ay bumaba na din kami dahil malapit na kaming maghaponan at mag diwang na ng kaarawan.

IMG_20230406_192308_300~2.jpg

IMG_20230406_192105_413~2.jpg

IMG_20230406_190615_729~2.jpg

Nagsagawa nga ng muting programa sa pagdiriwang ng kaarawan ng aming Pastor kung kaya merong mga pagbibigay papuri't pagsamba sa Dios at ilang mga Salita ng Dios dahil higit sa lahat ito ang pinaka mahala sa lahat dahil kung wala ang Dios natin, wala din tayong lahat. Mga ilang sandali lang din ay natapos na ang munting programa at bago ang haponan ay nag picture taking muna bilang remembrance sa kaarawang ng aming Pastor. Ngayon dahil gutom na din ang lahat oras na upang salo-salohan naming lahat ang inihandang pagkain at salamat sa Dios dahil busog na busog kaming lahat.

IMG_20230406_195339_224~2.jpg

IMG_20230406_195503_437~2.jpg

IMG_20230406_201723_606~2.jpg

Matapos kaming makakain ay nagpahinga mona kami mga ilang minuto at ilang sandali lang nga din ay naligo na kami kahit na gabi na dahil mas maganda kapag gabi mag swimming para hindi mainit. Dito nga ay na enjoy namin ang pag swimming naming lahat lalong lalo na itong mga kasama naming mga kabataan at ito aming baby King2x, sobrang saya nila talaga.

Mga nasa oras na din na 8:30 ng gabi ay natapos na kaming maligo at oras na din para kami ay maka uwi na dahil medyo maginaw na din ang aming pakiramdam. Salamat din sa Dios dahil naka uwi kami ng masaya at ligtas sa aming mga bahay bahay.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! ๐Ÿ˜‡๐Ÿ™โ˜

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort: ย 

Congratulations, your post has been upvoted by @campingclub Community Curation Trail. Best Regards Camping Club Steemit Community on Steem. Manually curated by @visionaer3003 CCS Witnesses โค๏ธ, @ponpase CCS Administrator Staff โญ๏ธ Visit our Discord server for more information https://discord.gg/GMjrB7wTgN

ย last yearย 

Maligayang kaarawan po sa inyong pinsan na si Pastor Dodz sir loloy. Ang ganda po ng birthday backdrop decorations.

Greetings na din po sa lahat ng kakilala nyo po na mag birthday sa buwan ng April.

ย last yearย 

TEAM 5 CURATORS

This post has been upvoted through steemcurator08. We support quality posts anywhere and with any tags. Curated by: @chant

ย last yearย 

Happiest bday po sa kanya pastor. Grabe noh? At his young age naging senior pastor na sya.

ย last yearย 

Happy birthday po.
May God bless you more years to serve Him

ย last yearย 

Praise the Lord maraming salamat sa inyong lahat @loloy2020 sa mga church workers, thanks so much for the full support , the love and prayers! Blessings to you all!

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 67685.37
ETH 3498.92
USDT 1.00
SBD 2.71