The Diary Game Season 3|| Ang masayang Pagdiriwang namin ng aming Church Thanksgiving and Year End Party 🎉🥳🎄

in Steemit Philippines2 years ago

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Malapit na ngang matapos ang taong 2022 at sasalubongin na natin ang bagong taon ng puno ng pasasalamat sa Dios sa walang sawa Niyang pagmamahal at pagbibigay sa atin ng lahat ng ating pangangailangan, pero bago matapos ang taon ay ipinagdiwang namin ang aming Church Thanksgiving and Year End Party.

jpg_20221231_080754_0000.jpg

Ang aming Church Thanksgiving and Year End Party nga ay ang aming taonang celebration bago matapos ang taon para pasalamatan ang Dios sa lahat ng Kanyang ginawa sa aming lahat at sa walang sawa Niyang pagmamahal sa aming lahat.

photocollage_202212318451443.jpg

Sa pagdiriwang nga ng aming Church Thanksgiving and Year End Party ay hindi umayon ang panahon dahil mula pa noong kinagabihan hanggang mag umaga ay walang tigil ang pag ulan kung kaya hirap ang pag punta namin sa Church pero hindi pa rin mapigilan ang pagdiriwang namin. Sa pag dating nga namin sa Church mga nasa 9:00 na iyon ng umaga ay sinimulan na ng mga youth ang pag kuha ng mga groupfie habang hindi pa nagsimula ang pagdiriwang.

photocollage_2022123185128580.jpg

Mga ilang sandali lang ay nagsimula na rin ang aming Celebration at sinimulan namin ito ng aming Sunday Divine Service. Sinimulan namin ng aming pagbibigay pasasalamat at papuri't pagsamba sa Dios sa pamamagitan ng aming mga pag-awit at pagsayaw sa Dios na pinangunahan ng aming Youth President na si Sir Dan at isa sa Youth Pastor na si Ptra Jetma. Ang aming pagbibigay papuri't pagsamba sa Dios ay talagang napaka gaan at ganda sa pakiramdam dahil ang Dios ang ating pinag-aalayan ng lahat.

Pagkatapos ng aming pagbibigay papuri't pagsamba sa Dios ay sinundan din ito agad-agad ng pagbahagi ng mga Salita ng Dios at ang nagbahagi nga ay ang aming Senior Pastor na si Ptr. Dodz at ang kanyang ibinahagi ay patungkol sa tunay na mensahe o diwa ng kapaskohan. Ang tunay na mensahe o diwa ng Pasko ay ang pagbibigayan ng regalo o ang pagtitipon-tipon ng mga pamilya, ang tunay na mensahe o diwa ng Pasko ay ang magandang balita na merong ipinanganak na Siyang magliligtas sa ating mga kasalanan, labis ang ating pasasalamat sa Dios dahil ipinanganak si Jesus Christ para sa lahat ng tao at nararapat lamang na yan ang dapat na ipagdiwang sa buong mundo.

photocollage_202212319349230.jpg

Pagkatapos nga na makabahagi ng mga Salita ng Dios ang aming Senior Pastor ay sinondan din ito agad-agad ng Child Dedication na kung saan isa na naman ako sa naging Ninong sa napaka cute at magandang batang ito. Marami na nga akong mga inaanak hindi lang dito sa aming Church kundi pati rin sa ibang mga Church pero masaya naman sa pakiramdam na maging ninong ka dahil nagpapatunay ito na meron akong magandang magagawa sa kanilang mga anak, hindi man lang sa financial higit sa lahat sa spiritual at iba pang aspito.

Ilang saglit lang din ay oras na ng aming pananghalian at dahil medyo natagalan sa pagtapos ang aming Church Sunday Service, ang aming pananghalian ay nasa mga 12:40 na iyon pero busog na busog talaga kami sa mga pagkain na inihanda naming lahat sa araw ng aming Celebration.

photocollage_2022123191055726.jpg

Pagsapit ng hapon ay oras na ng aming Part 2 ng aming pagdiriwang ng aming Thanksgiving and Year End Party at ito ay ang Parlor Games at ang Giving and Exchange Gifts, pero bago ang mga kaganapan ay nagbahagi muna ng kanilang Dance Presentation ang aming mga Nanay sa Church at talagang handang handa sila sa kanilang presentation dahil meron pa talaga silang mga props at costume, at ang galing pa nilang lahat.

photocollage_2022123191157648.jpg

Ngayon naman Pagkatapos ng Dance Presentation ng aming mga Nanay ay sinundan din ito agad ng mga Parlor Games na pinangunahan ng mga Youth Leaders. Marami nga silang inihandang mga palaro, una nito ang Bible drill na kung saan paunahan sila sa paghanap ng mga Bible Verse na ipinahanap sa kanila ni Sir Dan at ang nanalo ay si Jicel isa sa aming worship leader. Marami pa nga ang mga laro na talaga namang nag bigay ng kasiyahan sa aming lahat at syempre hindi mawawala ang mga prizes na natanggap nila sa mga nanalo sa laro.

photocollage_2022123191233721.jpg

Ngayon nandito na kami sa huling bahagi ng aming pagdiriwang pagkatapos ng mga masasayang mga laro ay kasunod na ang pagbibigay ng mga regalo sa mga taong gusto nating bigyan at sa mga inaanak na medyo marami nga. Tinawag nga ang mga pangalan ng mga binigyan ng mga regalo at isa isang ipinapunta sa gitna para tanggapin ang regalo. Meron din mga regalo para sa exchange gifts na ginawa sa pagbunot ng mga numero , at ang lahat nga ay nakatanggap ng mga regalo na nagbigay ngiti sa mga mukha.

Ang aming Celebration ng Thanksgiving and Year End Party ay talaga namang napakasaya bago namin iwan ang taong 2022 ay ipinagdiwang namin ito ng buong pasasalamat at pagbigay papuri't pagsamba sa Dios, at hanggang sa susunod na taon uli, marami na namang magandang bagay na gagawin ang Dios sa aminh mga buhay na nararapat ipasalamat at papurihan ang Dios sa walang hanggan.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  
 2 years ago 

Merry Christmas and a happy new year bro... congrats for ending 2022 serving the Lord with joy😊

 2 years ago 

TEAM 5 CURATORS|

This post has been upvoted through steemcurator08. We support quality posts anywhere and with any tags.
Curated by: @heriadi

Team 5 curation-Guidelines for December 2022

 2 years ago 

Happy new year po sir.

Walang ulan na makakapigil sa celebration.....

Ang sya po, makikita sa mga larawan na naka attached.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 75924.44
ETH 2901.21
USDT 1.00
SBD 2.67