The Diary Game Season 3 || Ang Masayang Ikalawang Taong kaarawan ng aming Baby King2x ๐ŸŽ‰๐ŸŽ‚๐ŸŽ‚๐ŸŽ‚

in Steemit Philippines โ€ข 2 years ago

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Ang bawat taon na lumipas sa ating mga buhay ay talagang napaka mahalaga dahil nagpapatunay ito kung gaano kabuti ng Dios sa ating mga buhay kung kaya sa bawat Pagdiriwang ng kaarawan ay nararapat lamang na ating pasalamatan ang Dios at bigyang papuri't pagsamba.

Sa araw nga na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang nangyaring ikalawang taong kaarawan ng aking pamangkin na si Baby King2x na anak ng aking nakakatandang kapatid na si @chishei2021.

20221123_232559_0000.jpg

Mga ilang araw na nga naming pinag handaan ang kaarawan ni Baby King2x dahil sa ito ay napaka espesyal na kaganapan sa ating mga buhay ang pagdiriwang ng ating kaarawan lalong lalo na sa mga bata dahil ito nga ang kasiyahan nila lalo na kapag dumating din ang mga kaibigan at pinsan na ang trabaho lang nila ay paglalaro.

photocollage_2022112323356321.jpg

Ngayon na dumating na ang araw ng kaarawan ng aming Baby King2x ay talagang naging abala kaming lahat sa preperasyon dahil nga sa walang ibang makakapag luto ay ako na mismo ang nagluto ng mga pagkain at salamat sa Dios dahil binigyan Niya ako ng ganitong talento sa pagluluto na kahit na hindi talaga gaanong magaling pero masarap din naman ang pagkain.

Mga iilang mga putahi din ang niluto kong pagkain at kahit na medyo nakakapagod pero masaya naman akong matapos ang pag luluto mga nasa oras na 4:00 na iyon ng hapon.

photocollage_20221123234216194.jpg

Dahil nga sa maagang natapos ang aming pagluluto, nakapagpahinga pa ako dahil meron kaming gagawing maikling fellowship dito sa aming bahay para sa kaarawan nga ni Baby King2x. Habang naghihintay na makarating ang aming Pastor na si Ptr Dodzz na galing pang Iligan City, naging abala naman kami sa pagkukuha ng mga litrato para sa ginawa kong decorations na kahit na simple lang ay maganda din naman.

photocollage_20221123234726957.jpg

Ngayon ay nakarating na rin ang aming Pastor at agad na din naming sinimulan ang aming gawain dahil medyo madilim na din ang gabi. Sinimulan namin ito ng opening prayer at sinundan agad ng mga declaration at wishes para kay Baby King2x at kaming lahat na nasa loob ay nagbahagi nito. Sinundan din ito agad-agad ng mga pagbigay papuri't pagsamba sa Dios sa pamamagitan ng mga pag-awit sa Dios, at ang huli at isa sa pinaka importante sa lahat ang salita ng Dios at ang nagbahagi ay ang aming Pastor na nag alay din ng mga dasal para kay Baby King2x.

photocollage_20221123235458903.jpg

Ngayon salamat sa Dios at masayang natapos ang aming maikling fellowship at dahil medyo gabi na talaga ay oras na ng aming haponan at pinagsalohan ang mga naihanda naming pagkain na bagamat hindi talaga bongga at marami ay salamat pa rin sa Dios dahil nagkasaya at naka kain ang lahat at meron pangang natirang mga pagkain.

Nagpapasalamat talaga kaming lahat sa Dios lalong lalo na ang aking pamilya sa matagumpay na maikling fellowship namin dito sa aming bahay para sa kaarawan ng aming Baby King2x at sa lahat ng dumating upang makisaya, taus puso ang aming pasasalamat.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! ๐Ÿ˜‡๐Ÿ™โ˜

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort: ย 
ย 2 years agoย 

Happy happy Birthday King2x! ang dami food!

ย 2 years agoย 

Happy Birthday Baby King..

Hello @loloy2020,

Would you be able to vote for my witness (@pennsif.witness) please as @juichi has done?

I would appreciate that very much.

@Pennsif


Hello @loloy2020,

Maaari mo bang iboto ang aking saksi (@pennsif.witness) mangyaring gaya ng ginawa ni @juichi?

Maraming salamat

@Pennsif

ย 2 years agoย 

Just voting you as witness...

That is great, thank you very much.

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 62070.52
ETH 2422.73
USDT 1.00
SBD 2.64