The Diary Game Season 3|| Ang Masaya naming Family Reunion sa side ng aking Lola - Ugsod Family Reunion 🎉🥳🥰

in Steemit Philippineslast year

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Baga natapos ang taong 2022 ay marami pang mga magagandang kaganapan na ating maipagsasalamat sa Dios at isa na nga dito ay ang pagsagawa namin ng aming Family Reunion sa side ng aking Lola na Ugsod Family at ito nga ang pagkakataon na maka dalo ako dahil dito sa aming lugar ito isinagawa at ang pamilya namin ang host ng nasabing reunion.

jpg_20230101_212119_0000.jpg

Medyo matagal na din na hindi nangyari ang family reunion namin na ito dahil nga sa mga pangyayari sa atin nitong mga nagdaang mga taon tulad na lamang ng pandemic na talagang malaking pangyayari sa buong mundo pero labis pa rin ang ating pasasalamat sa Dios dahil sa walang sawa Niyang pagmamahal at pagbibigay ng lahat sa atin ng ating pangangailangan kung kaya ngayon naisagawa na ulit namin ang reunion namin na ito.

photocollage_202311212529137.jpg

Mga nasa oras na 9:00 ng umaga na ako nag punta sa venue ng aming reunion dahil nga sa talagang napaka sama ng panahon hindi pa rin napigilan ang aming gawain sa araw na ito pero medyo natagalan ito nasimulan dahil sa sama ng panahon. Sa pagdating ko nga doon ay kaunti pa ang mga tao pero ilang saglit lang din ay dumating na ang iba pa naming mga pinsan at ang natitirang kapatid ng aking Lola dahil ang iba ay nasa piling na ng ating Panginoon, at mas dumami na nga dumating dito sa venue, covered court ng aming Barangay.

photocollage_20231121261465.jpg

Habang hindi pa nga nagsimula ang aming reunion dahil hinihintay pa ang iba pa naming mga pinsan na nasa malayo pang mga lugar at dahil din sa sama ng panahon, kinuha muna namin ang pagkakataon na makapagpa picture muna dito sa aming napaka cute at gwapong pamangkin na si Baby King2x.

photocollage_2023112205259.jpg

Ngayon mga nasa oras na 10:30 nagsimula na rin ang aming reunion, medyo natagalan na talaga pero salamat sa Dios dahil nakarating na rin ang iba pa naming hinintay. Ngayon nga ay tinawag na ang mga bawat pamilya at dahil wala na ang mga Lolo at Lola namin dahil nasa piling na ng ating Panginoon, ang mga anak nalang nila ang nagpapakilala at ipinakilala ang bawat mga anak ng kanilang mga magulang at pati na rin ang mga anak at mga apo.

IMG_20221227_124016_4~2.jpg

photocollage_202311221144610.jpg

Dahil nga sa medyo natagalan nasimulan ang aming reunion sa araw na ito, medyo natagalan din aming pananghalian pero bago pa kami maka kain ng aming pananghalian ay binigyan ng pagkakataon na makapagbahagi muna ang aking pinsan at aking Senior Pastor ng mga Salita ng Dios dahil higit sa lahat ito ang pinaka importante sa lahat at ibinahagi niya ang kung ano ang totoong mensahe ng Pasko at ito ang kapanganakan ng ating Panginoong Hesu-Kristo na Siyang nagbigay sa atin ng kaligtasan. Mga ilang saglit lanf din ay nakakain na rin ang lahat nga pananghalian at busog na busog kaming lahat.

photocollage_20231122220385.jpg

Pagsapit ng hapon dahil gusto ng lahat na mas maging masaya ang lahat at makilala ng mga kabataan ang bawat isa, nagsagawa nga ng mga Parlor games at ang premyo ay mga pera galing sa mga tiyohin namin na medyo may kaya kung kaya talagang naging masaya ang lahat lalong lalo na ang mga bata at pati na rin ang mga matatanda.

Sa kabuoan ay talaga namang napakasaya ng reunion namin dahil nakilala namin ang bawat isa at iba pa naming mga pinsan na ngayon pa rin din namin nakilala ang isa't isa.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  

Your post has been supported with a 30% upvote by @jyoti-thelight from TEAM 2 of the Community Curation Program. We invite you to continue sharing quality content on the platform, and continue to enjoy support, and also a likely spot in our weekly top 7.

Voting date: January 1st, 2023

image.png

 last year 

Happy Reunion!

 last year 

Salamat po talaga sa ating Panginoon na naka survive tayo at umabot tayo sa taong 2023.

Masayang masaya po natapos ang inyong year 2022 dahil nakapag reunion kayo sa side ng lola nyo sir.
Gusto ko rin noon mag host ng family reunion namin, kaso wala akong maisip na mag sponsor hahaha kaya hindi ko nalang tinuloy. Never pa kasi ako naka attend ng family reunion eh gusto ko yan maranasan talaga.
Ang saya po tignan mga photos na naka attached. Happy New year sir ay sa buong pamilya Ugsod.

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.12
JST 0.031
BTC 67788.76
ETH 3783.67
USDT 1.00
SBD 3.52