The Diary Game Season 3|| Ang Masaya at Napaka Makabulohang 2nd Grand Homecoming ng aming Paaralan sa High School! ☝️🙌😇

in Steemit Philippineslast year

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Ang aking mga alala sa aking High School life ay isa sa pinakamasaya at isa rin sa maituturing kong naging daan kong ano ako ngayon dahil aa mga panahon na iyon hinohubog ang aking sarili na bagamat merong mga pagkakataong nagkakamali ay naging maayos naman ang lahat. Ngayon nga ay ibabahagi ko sa inyong lahat ang mga pangyayari sa nagdaang "2nd Grand Alumni Homecoming" ng aking Paaralan noong High School pa ako na kung saan maraminsa aking mga ka klase ang dumalo at ito rin ang unang beses na ang batch namin ay nakilahok.

Screenshot_20230307-163229.jpg

Mga ilang buwan na nga ang nakakaraan ay pinaghandaan na nang batch namin ang nasabing event dahil nga sa unang beses naming makilahok kung kaya excited kaming lahat sa batch namin. Merong mga preparation ang aming ginawa mula sa financial hanggang sa t-shirt printing.

IMG_20230225_082911_639~2.jpg

IMG_20230225_081910_476~2.jpg

Mga nasa oras na 5:00 ng umaga pa lang ay nagising na ako dahil maaga ang pagsisimula ng aming Homecoming at sisimulan ito ng Thanksgiving Mass na gaganapin sa Covered Court ng School. Mga nasa 7:00 naman ng umaga ay nagpunta na ako sa School para maka sali sa Thanksgiving Mass at sa pagdating ko nga hindi pa nagsimula pero abala na ang lahat lalong lalo na ang aming batch dahil hindi pa natatapos ang aming table setting at ibang kailangan pang gawin kung kaya tinulongan ko muna sila. Ilang saglit lang din ay nagsimula na ang Thanksgiving Mass at kasama ko na rin ang iba ko pang mga ka batch dito.

IMG_20230225_090323_543~2.jpg

IMG_20230225_102224_446~2.jpg

Natapos ang Thanksgiving Mass mga 9:00 na ng umaga at pagkatapos nito nga ay ginawa ang isang Motorcade para sa lahat ng mga batch na sumali sa event na ito. Medyo marami ang sumaling mga batch kung kaya medyo mataas ito at hindi naman nagpapahuli ang aming batch dahil suot ang aming t-shirt ay nakisabay kami sa Motorcade na dinaan halos lahat ng nga Barangay dito sa aming Munisipyo, at medyo matagal nga itong matapos dahil sa dami ng sumali.

IMG_20230225_115712_841~2.jpg

IMG_20230225_112723_248~2.jpg

IMG_20230225_112702_875~2.jpg

IMG_20230225_130857_443~2.jpg

Pagkatapos ng Motorcade mga 10:30 ng umaga nag simula na din ang programa dahil maraming mga contest ang gaganapin tulad na lamang ng Table Setting na kung saan naka 2nd place kami, sa Tarpaulin, sa Best Muse na kung saan ang aming batch ang nanalo at marami pang iba. Medyo natagalan ang programa sa umaga dahil sa dami nga ng mga batch at kailangan pang e judge ang mga table at iba pa. Pagsapit ng tanghali natapos na din ang pag judge at oras na upang kami ay makapag pananghalian mula sa mga pagkain na aming hininda.

IMG_20230225_130551_656~2.jpg

received_605715994762725.jpeg

Pagsapit naman ng hapon ay marami pang mga kaganapan dahil pagkatapos ng pananghalian ay gaganapin ang tribute to Teachers pero bago ito nangyari nagpasalamat kami dahil pumunta sa aming table ang aming mga teachers noong araw at nakipag picture sa amin kaya sobrang saya naming lahat. Mga nasa oras na 2:00 ng hapon nga ay nagsimula na ang tribute to Teachers at tinawag bawat batch at nag bigay ng kahit na anong pweding e bigay sa kanila at kitang kita sa kanilang mga mata na masaya ang aming mga teachers.

IMG_20230225_135120_988~4.jpg

Dahil nga aa paminsan minsan lang kaming mga batch nagkakasama-sama at medyo marami kaming nakasali sa aming Homecoming ngayon kaya hindi namin pinalampas ang pagkakataon na maka kuha ng mga litrato na kaming lahat at mahigit sa 15 na taon na ang nakakaraan noong nag-aral kami dito at ngayon lang din kami nagkakasama ng ganito kung kaya labis ang aming pasasalamat sa Dios sa lahat ng ito.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 58439.16
ETH 2965.47
USDT 1.00
SBD 3.69