The Diary Game Season 3||Ang Masaya at Matiwasay na Pagsalubong at Pagdiriwang namin ng Bagong Taon 2023 🥳🎉🎉

in Steemit Philippines2 years ago

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Mula sa aking puso, bago ko simulan ang pagbahagi ng mga pangyayari sa aking buhay, taus puso akong bumabati ng maligaya ang mapayapang bagong taon sa ating lahat at ang tanging dasal ko ay patnubayan tayo ng ating Panginoong Hesu-Kristo sa buong taon at pagpalain tayo ng masagana at maligayang buong pamilya.

Sa araw nga na ito, ay ibabahagi ko sa inyo ang nangyaring selebrasyong ng Bagong Taon ng aming pamilya at sa mga pamilya ko sa aming Church na kahit simple lang ay masaya at matiwasay itong natapos.

jpg_20230104_175244_0000.jpg

Sinalubong na nga natin ang taong 2023 at iniwan natin ang mga magagandang ala-ala at mga pangyayari sa taong 2022 na siyang masasabi kong isa sa pinaka hindi ko makakalimotang taon dahil sa mga bagay na ibinigay ng Dios sa akin mula sa aking personal na buhay hanggang sa mga gawain ng Dios na ipinagkatiwala sa akin at sa aming lahat. Ngayon na sisimulan na natin ang taong 2023, taus puso akong nagpapasalamat sa Dios dahil sinimulan namin ito ng buong pasasalamat at pagbibigay papuri't pagsamba sa Kanya lamang.

photocollage_20231417246276.jpg

Sa pagsalubong nga namin sa taong 2023, naging masaya kami dahil nasa masaya at malusog kaming pangangatawan, bagamat simple lang talaga ang aming selebrasyon dahil nga sa apat lang kami sa bahay kasama ang aking pinakamamahal na Ina, aking kapatid at ang aming cute na Baby King2x, masaya naman kami dahil naka usap pa rin namin sa pamamagitan ng Video Call ang aming mga mahal sa buhay na nasa malayo at masayang makita at malaman na nasa masaya at magandang kalagayan din sila. Sa aming pagsalubong nga ay meron kaming kaunting handang mga pagkain at meron ding mga kaunting paputok at sa pagsapit ng hating gabi ay talagang napaka ingay ng paligid dahil nga aa tradisyon na dito sa Pilipinas ang mag ingay tuwing bagong taon.

photocollage_202314175645587.jpg

Saktong sakto lang din dahil ang Bagong Taon ay nangyari sa araw na linggo kung saan ito din ang unang araw ng aming Pagsamba sa taong ito. Masayang malaman at gawin na makakapagbigay kami ng mga papuri't pagsamba sa ating buhay na Dios sa unang araw ng taon. Ngayong araw ding ito ay naging mas special dahil sa mga pahabol na mga regalo na galing pang Australia dahil meron kaming mga mabubuti at mapagbigay na mga kasamahan doon tulad na lamang ng kapatid ng aming Senior Pastor at marami pang iba. Meron din mga bigas na ibinigay sa amin mula na malaking tulong na din sa amin ngayong bagong taon na ito. Ngayong araw din na ito ay ang unang family picture namin dito sa aming Church at talagang masayang tignan ang mga pangyayari.

photocollage_202314181853469.jpg

Natapos ang aming Divine Service mga nasa 12:30 na iyon at pagkatapos ay kumain na din kami ng aming pananghalian. Kinahaponan naman ay napag usapan na dahil bagong taon ngayon ay magpupunta kami sa beach para makapag relax at makapag bonding sa iba pa naming mga kasamahan. Mga nasa oras na 2:30 nga ay nagpunta na kaming lahat sa beach kasama ang aming Senior Pastor at kanyang pamilya at ang mga youth namin at iba pang mga members namin. Dito nga ay nag ihaw kami ng mga isda at iba pang mga pagkain na inihanda sa Bagong taon at pinagsalohan naming lahat.

photocollage_20231418193857.jpg

Mas naging masaya nga ang aming pagbisita dito sa dagat dahil sa pag bonding muli naming mga youth at saktong sa unang araw ng taon. Dito nga ay na enjoy din namin ang pagkukuha ng mga larawan sa dagat hanggang sa umabot kami ng medyo gabi na ay nandoon pa rin kami sa dagat, at hindi naman namin prenoblema anv pagkain dahil marami pang natira at busog na busog pa din kami dahil kakakain pa lang namin. Dahil nga din sa medyo gabi na at nasa malayong lugar pa ang ibang mga youth, mga nasa oras na 6:30 ay umuwi na din kami para din maka pagpahinga sa buong araw na pag diriwang namin ng bagong taon mula pa sa pagsalubong namin hanggang sa pag punta namin sa dagat. Talaga napakasaya at magandang salubongin ang bagong taon sa pagbibigay papuri't pagsamba sa Dios na kasama ang mga mahal mo sa buhay.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  
 2 years ago 

Manibagong bagong taon po sanyo sir @loloy2020 at oo nga po maganda ang pasok ng taon dahil linggo po nun araw din ng pagsimba sa ating Panginoon.
Bakas din po sanyong laht ang kasiyahan dahil sa sama sama po kayong sumamba at nag pasalamat saknyang kabutihan. God bless po sanyong laht sir

TEAM 1

Congratulations! This post has been upvoted through steemcurator04. We support quality posts , good comments anywhere and any tags.
Curated by : @ubongudofot

Screenshot_20221130-164846_Canva.jpg

 2 years ago 

Happy new year and more blessings to come po.

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 68530.21
ETH 2695.40
USDT 1.00
SBD 2.72